Forum Topic

Credit Card 101

  • @ march
    I checked my online bill, kung ano ang total due amount ko, yun din pala ang minimum amount for payment, walangya! haha! bakit ganito si HSBC.


    i balance transfer mo na lang yan kung may iba ka pang card ganyan din bpi pag may installment kung ano total due ganon din minimum. si SB nga may promo sa new card applicant pag apply zero interest balance transfer pag na approve ka. btw platinum card ako don pero 160 k la cl ko hindi po 200k. try mo rin kahit basic card baka ma approve ka
  • Guys, pano mag balance transfer sa Citibank? di ko kasi makita sa online account ko.
  • Kailangan mo tumawag sa 9959999
  • guys sino may robinsons bank cc dito?
  • i balance transfer mo na lang yan kung may iba ka pang card ganyan din bpi pag may installment kung ano total due ganon din minimum. si SB nga may promo sa new card applicant pag apply zero interest balance transfer pag na approve ka. btw platinum card ako don pero 160 k la cl ko hindi po 200k. try mo rin kahit basic card baka ma approve ka


    salamat sir, buti may metrobank M card ako, baka dun ko nalang po i BT, hehe, salamat sa suggestion, para talaga di din ako mahirapan. :)
  • ^ 0.68% ang BT sa Metrobank. Just make sure na apply mo 10 days before ng due date mo sa isang CC.
  • Post deleted #12115509
  • ^ tama

    Matagal ang processing at clearing ng Metrobank pag BT at CA nila

    Medyo engot din courier nila, imbes na payment gawin, for check deposit ginawa kaya hindi umabot sa due date BT ko noon..akala siguro, cash advance yun kaya nag attempt na ideposit..tapos ang tagal bago sila nag attempt ulit kaya ingat ka diyan sa Metrobank
  • dumating din sa wakas yun eastwest ko. gamitin ko nalang tutal may bibilhin ako worth above 4k. tapos pa cut ko na pag ayaw i waive yung supplementary annual fee na 750 pesos hehehe
  • may BDO cc agent kayo kilala? paki pm naman sa akin contact details. thanks.
  • ok ba ang BPI amore visa card may nag text kasi sakin naka promo na no annual fee lifetime kaya nag grab na ako wala naman hinihingi kundi full name lang...pero may current cc na ako sa BPI
  • guys, ano magandang cc na pang auto debit ng mga bills yung malaking insentives or perks na nakukuha bukod sa citibank? thanks po
  • ^ ano ba perks ng citi sa auto debit?
  • kung naka premier miles ka, makakakuha ka ng miles (30php = 1 mile)

    kaya maganda yan kung may monthly bills ka
  • rewards at shell akin hehe
  • check mo FAQ/T & C ng card, andun kasi nakalagay kung eligible yung auto debit transactions para makakuha ng points
  • paano malalaman ung status ng application kay eastwast may tumawag kasi sakin, cp number,
  • 8887000 ata hotline nila. follow the options.

    free for life annual fee din pala tong pnb ko. coolness.

    -- edited by gen0 on Apr 25 2018, 01:22 PM
  • any idea sa bpi amore prepaid card?
    same features daw ng cc tama ba?
  • free for life annual fee din pala tong pnb ko. coolness.

    anong type of card yan?
  • essentials mastercard lang naman
  • 5k na ung annual fee ng mga "Miles" card.
    sulit sa mga madalas gamitin ang cc at madalas magtravel.

    Premiere Miles ako since 2006, nag-iipon ako ng miles to travel to HK,
    dati 15,000 miles, RT na.. ngayon 9,000 one way pa lang.
    sa tagal ng pag-iipon mo, nagdedepreciate ung miles mo.

    Pinambayad ko na lang ng balance ko ung miles, then pinaclose ko na.
  • guys hindi ba pwede auto debit/charge yung GLOBE BB/FIBER sa credit card? hindi kasi approved sa BDO CC yun account.. pero sa post paid pwede naman..
  • ^ kailangan mo sa globe business center mismo magpa auto charge, hindi sa bank

    hindi matic yan tulad ng meralco, pldt, manila water etc na sa hotline ng bank lang e pwede mo na ipa enroll

    kaya buwisit ako sa globe dahil diyan..pero okay naman yung online payment nila
  • @Valorian

    ah i see.. si MBTC kasi meron sya options na Bills2pay dun ko kasi naka auto charge yung globe postpaid ko.. pero yung Globe Internet gusto ko sa BDO cc ko sana.. Gusto ko kasi sana yung parang B2P option ng MBTC.. kaya sa BDO ako tumawag hindi sa Globe..
  • After a year, na bill na ako ng annual fee sa BPI, P1,550 pesos. Then nag text ako for callback, kahit saturday pala meron sila. Tumawag naman within the time frame tapos sabi ko kung pede ipa waive yung annual fee, she put me on hold tapos pag balik sabi qualified daw ako na ma waive, binigyan ako ng reference number then sabi after 3 days daw mag rereflect na yung reversal.

    lets see after 3 days kung totoo.

    Ganun ba kadali mag pa waive ng annual fee sa BPI? Take note, may installment pa ako sa kanila.
  • Citibank ako for the past 15 years. Ginagamit ko lang siya para maka earn ng points. Tapos every due date buo ko binabayaran yung total amount due kaya in effect wala silang kita sa akin pero may freebies ako.

    Yung annual fee napapawave ko palagi kahit na di ako qualified kasi napapakiusapan ko sila over the phone. Mabait naman sila kapag matino ka magbayad at maganda records mo. Parang friend na pwede pakiusapan hehe.
  • Ganun ba kadali mag pa waive ng annual fee sa BPI? Take note, may installment pa ako sa kanila.

    depende. minsan ginagamit nila yang may installment ka pa para pwersahin ka nila magbayad. depende sa kausap mo and depende din sa standing mo.
  • Last year nagkaron ako ng secbank na gold cc, pero hindi ko pa sya inactivate, ung old cc ko muna sa kanila gamit ko. Ngaung year ko lang napaactivate ung gold ko, cut na din ung old cc ko sa kanila at nagpawaive na din ako ng annual fee (2k) kasi nagkaron ung old cc this february. And then pagkakita ko sa soa for this month, meron akong annual fee for gold (2.5k) pero un ang naiwaive nila. What sorcery is this? Sana mali lang sila kundi lugi lugi ako ng 2k.
  • kung naka premier miles ka, makakakuha ka ng miles (30php = 1 mile)

    kaya maganda yan kung may monthly bills ka


    mahigit 100k kasi bills namin PLDT / MERALCO / MAYNILAD saken po lahat naka auto debit. citibank cashback cc po na gamit ko. naghahanap po ako nas mas ok kung meron man po. thanks