Forum Topic

*Credit Card 101

  • May nagbabayad ba dito ng citi card from bpi online? Gaano katagal ung posting? Nalito na ko eh. Pagtawag ko ang sabi nung agent 2-3 banking days, pero nung chineck ko sa website nila 1 business day lang.


    Sa akin laging 1 banking day lang pag nagbayad ako between Monday and Thursday. Pero di ko na iniisip kung kailan ang posting date. Required kasi ang banks o credit card issuers na i-recognize ang transaction date at hindi ang posting date. Sakop yan ng RA 10870.

    Excerpt from Section 23:

    Payment through any authorized mode, made to any accredited payment centers of the credit card issuer shall be considered as payment to the credit card issuer made on the same date.

    Be mindful, however, of the cut-off time for paying bills. Halimbawa, hanggang 10pm lang ang cut-off ng BPI. Kung Aug. 14th ang due date ng bill mo at same day ka nagbayad at 10:01pm, next banking day na ang magiging transaction date. Doon ka palang magkakaron ng late payment charge mula kay Citi.

    Pero kung nagbayad ka nang mas maaga sa 10 pm noong Aug. 14th, same day pa rin ang lilitaw sa transaction date. Lagi ako nagbabayad sa mismong due date ng credit card bills ko kasi gusto ko mama-maximize ang ADB ng savings account.

    If the bank/credit card issuer insists on charging a late-payment fee despite paying through an accredited method on the due date (granted you did so before the cut-off time for paying bills), then you should direct them politely to Section 23 of RA 10870.

    Kung ayaw pa rin matinag, pwede ka mag-file ng complaint sa BSP. They are responsive based on my experience.

    Link for further reading: https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2016/07jul/20160717-RA-10870-BSA.pdf

    -- edited by icdm on Aug 15 2020, 07:00 PM

    -- edited by icdm on Aug 15 2020, 07:01 PM
  • Hi! Question lang sa mga RCBC card holders, may binili kami na appliance via installment sa SM Appliance Center before my cut off and now cut off ko na hindi siya nag reflect and hindi rin nabawasan ang credit limit ko, pero nung day na nag swipe ako nag notify naman thru text and email na nagamit card ko dun na store and yung available credit limit nabawasan ng whole amount, it is just after 3-4days bumalik yung credit limit prang hindi nagbawas. May naka-experience nba ng ganito? What should I do?

    some banks are like that, recognized ang installment transaction pero di agad nagrereflect yung charges. kaya minsan after ilang days pa. pero if you'd check the statement nakalagay yung tamang dates.
  • Hello Guys,

    BPI CC Holder here and planning to shift bank, what do you prefer or suggest guys?

    Savings account in BPI and in order to increase my credit limit they have to hold some amount equal to credit limit.
  • Minsan malapit na mag 12am ako nagbayad pero pumasok parin sa cutoff pero to be sure set a cutoff of 10 paea may allowance incase pangit internet ar brownout.
  • Post deleted #12320881
  • @[email protected]
    Salamat sa mga sagot. And yes always paid ahead of time naman ako.
    More concerned about the availability of funds. Si citi kasi main card ko for installments. And may promo lang sanang hinahabol. Hehe. So papterminate ko sana ung unang installment and pay it para magamit ung buong limit

    @artie
    Bpi also follow the same naman. Payment date din sinusunod nila. I guess medyo magulo ata kung pagkakatanong ko
  • Parang nabudol misis ko nung may tumawag na from BDO daw tapos ayun late ko na nalaman nagtanong daw ng OTP bumili pala sa Shopee yung manloloko. Mavovoid pa kaya yun naitawag ko naman agad sa fraud kaso nga lang malamang digital purchase. Agent duda namin kasi alam daw ng tumawag yung card number tapos nagoffer ng credit increase.
  • @jr2,

    Nice to see you again here dude BUT sad that your wife has been victimized by what we call as voice phishing also known as "vishing". If those are digital purchases made by scammers nga baka hindi na mavoid ni bank yan since the voucher codes likely have been dispensed already. I've delve into that when I provided assistance (as an IT resource) to our gc of bank scams / credit card fraud victims. Unfortunately, we've proven mahirap maghabol with banks specially if you gave the cvv and/or otp sa scammer. Even with regulators intervention like BSP & NPC, they will just ultimately recommend to sue the bank if you fail to reach an amicable settlement with the bank. Aabot kayo sa demandahan kung gusto nyo mabawi. For that, pwede mo siguro kasuhan with negligence if you feel that your information have been compromised by the bank.

    Other option is try nyo habulin si Shopee through DTI. However, this can be a long shot as well given Shopee might be unable to cancel the orders anymore.
  • Yun din naisip ko eh kasi I emailed Shopee na din ginawa lang naclose daw account tapos wala ng details. Account nung scammer. Ang hinabol ko lang naman is nung nangyare yun kausap pa nga ni misis yung manloloko tinatawagan ko na fraud di kami nagpapahalata nagpablock kami agad. Pending pa status nung charge kaya I thought mabblock ang transaction kaso wala eh posted pa din. Magaling lang yung tumawag at credit limit increase ang ginamit alam na alam nya na panay request kami nun sa BDO at isa pa kakadating lang ng Gold namin day before mangyari yun. Alam na alam na may nadeliver samin.
  • ^Madami nang usapin yan about inside jobs made by their employees kaya alam na alam nila bank / credit card details ng mga victims. I'm sure banks have filed cases vs such disgruntled employees. Pero yung mga large scale scams lang nalalaman natin like RCBC Bangladesh CB money laundering and lately, pati BPI have openly acknowledged their officers were involved at least in forging documents regarding the Wirecard incident. These banks will certainly protect their own interest first whichever way favors them of course.
  • Yeah that's for sure. Kakakilabot lang na dinictate pa kay misis lahat ng information ng Shopmore namin kahit pa yung exp date at security tapos biningwit yung Gold. Kutob namin baka isa din sa mga nag-ooffer ng CC sa field. Sana lang iconsider kasi tinawaga talaga namin agad eh. Dati di ako maniwala sa budol pero parang gusto ko na maniwala kasi sanay din naman misis ko sa ganto nagtaka nga sya bakit daw parang wala sya man lang pagdududa.
  • ^Totoo yan budol. Nabiktima na ako nyan a couple of years back and lost my bnew smartphone then in the process. That's related daw to "shock hypnosis" from what I read.

    Since lalong lumaganap yan scams nowadays, I treat every bank / credit card calls, emails, text msgs, as in everything as "suspected fraud" specially if its not from the banks official communication channels. That way, I'm more discerning with the truth vs lies.

    Btw, more than anything, alalayan mo misis mo. Medyo matindi mental even emotional torture nyan mavictimize depending on ones personality, specially fresh incident pa yan.

    -- edited by musicgeek on Aug 17 2020, 11:55 PM
  • I had the same scenario before with MBC, pero in my case the card was already requested for termination. I insisted that why is it not terminated immediately prior sa fraudulent transaction at sa ibang lugar pa ginamit diff. sa records ko (grocery use only). Good thing the bank favored my side. :)
  • ui tumaas credit limit ko ng hindi ko namamalayan hahah XD

    beginner credit card user here

    hirap ngayon daming scammer never ever ibibigay ang ccv o otp hindi nahingi ang agents ng ganon
  • Just remember 2 basic rules: when in doubt, never give your OTP, never give your CVV.
  • ^Banks even have reminders about these in their websites and emails, but people still fall for scams where you give away this info.
  • @Peorth

    They really tend to jump to these social engineering scams out of fear. In this case should I say out of financial knowledge (banks will protect the consumer just don't be stupid).

    Again do not entertain any link or email about your bank (yes at all, just read the content but do not ever click anything). If in doubt refer to the official customer service hotlines. DO NOT DO ANYTHING WITH WHAT YOU READ ABOUT.

    May isa pa ako nabasa na reklamo siya nawala daw pera eh binigay niya otp tapos tag sa bangko? Kung hindi ka ba naman inutil ang linaw linaw ng nakalagay sa otp warning.
  • Good Am po pano po magbayad ng CC with other banks like CITIBANK and HSBC using bpi online thanks
  • check mo nlng sa cc mo kun saan sya pwede bayaran. Like sa mbtc pwede bayaran citi, bdo rcbc atbp. Sa bpi before pde bayaran yun citi. Sa landbank parang maraming nakalistang cc na pde bayaran. Based sa online banking ito.
  • ^BPI po kasi ung source of funds ko and gusto ko sna thru bpi narin bayaran ung mga CC pra rekta na kaso prang walang option online sa BPI
  • Good Am po pano po magbayad ng CC with other banks like CITIBANK and HSBC using bpi online thanks

    I have both CITI and HSBC, and paying them via BPI online. You need to enroll them first.

    Other services - Recipients

    -- edited by frequenzy on Aug 21 2020, 07:01 AM
  • ^sa online app po ba ggwin yan?
  • diko sure kun sa branch mo parin ienrol yun citi card, sa mbtc pwde sa online.
  • Nung inenrol ko yunother cards ko sa bpionline sa branch ko inenrol.
  • Hello, newbie here. First time pa lang magkakaroon ng cc if ever.
    Madali lang po ba magpa-waive ng annual fee sa Security Bank? I have 2 accounts with them na if that matters. I'm planning to get the Complete Cashback Mastercard. Any tips na din po?
  • First year is free anyway. Apply ka na din ng free for life card sa ibang banks para di mo na problemahin annual fees
  • basta ontime magbayad at lagi mo gamit cc mo.
  • Not sure now pero hindi ba SBC cashback ang isa sa notorious na hindi nagwa-waive ng annual fee?
    Parang wala pa akong nabasa dito na nakapag pa waive sa card na yun
  • Gud am po tanong lang po me 2 Citibank CC po ako isang simplicity at isang cashback iisa lang po ba ang credit limit nila? thanks
  • Check mo sa citi app or sa bill mo kung pareho available limit