Forum Topic

Credit Card 101

  • wait ko muna talaga replacement card ng union bank ko sa citi simplicity hassle pa ata gamitin ang card ni citi nung pag ka migrate tsk tsk

    May nag Ask me Anything sa Reddit na UB employee re Citi Migration <click here for link>. Ang card replacement is expected to happen by batches with the timeframe in over the course of months pa. Wala naman problem now using existing Citi cards and medyo nagstabilize narin yung UB App for me :)
  • good for your pafs hhehe oks naman saken for now lang naka lock muna sya sa ub app din XD
  • Napansin ko din ang lakas mag spam sa text ng UB lately kaya binlock ko muna. Problema di makakapasok otp pero oks lang sa ngayon dahil ayoko din muna siya gamitin
  • Bulok UB app, di ako makadownload ng SOA, kung ibaback ko naghahang.

    Bulok talaga ang UB app
  • sinubukan ko bayaran ang simplicity card as aub biller sa security bank app hindi nagproceed restricted daw yun ub. sino kay may problem security bank o ang ub
  • Maayos naman transition ng Citi card ko to UB app. Nakikita ko past transactions sa SOA.Ang problem lang wala pa yung Paydirect or Citi Payall. Madami din complains sa unposted payments. Baka di ko nalang din muna gamitin ngayon.
  • ano ba yan. sabi nila before march 22 pwede pa magbayad using Citibank biller. pero hindi kumagat yung bayad ko. unpaid pa rin sa latest statement.

    so need ko tawagan unionbank and bdo para ayusin to. floating na yung bayad ko may late+interest charge pako kainis.

    EDIT: upon checking BDO soa last march, hindi na pala kumagat yung bayad ko noong march 9 haha. di ko napansin. toink

    -- edited by songerph on Apr 09 2024, 01:17 AM
  • Natry ko nga pala si former citi, now UB sa google pay oks naman. Intay ko na lang post sa app.
  • https://www.unionbankph.com/billernamechange
  • oks so paid the bill via maya. Fingers crossed, siguro naman matanggap ni UB eto a. Used UB as biller.
  • ano cc po posted agad ang transaction sa app nila, tulad ng citibank.
  • metrobank nakalagay agad sa app pero unposted pa naka lagay pero kita mo pumasok ang transaction saka merchant kita agad

    bpi dati di ganon eh mag cocompute ka pa ng credit limit babawas mo amount

    -- edited by andoksus on Apr 10 2024, 06:33 PM
  • @sem_rs

    sa BDO kita rin agad sa app yung transactions. Napansin ko lang kapang installment transaction nawawala the following day, yung mga straight transaction lang naiiwan.
  • ano cc po posted agad ang transaction sa app nila, tulad ng citibank.
    depende rin minsan sa pinagbilhan mo, most (if not all) CC with app nowadays realtime yung pag-reflect - as long as posted na ng merchant (meron pa rin merchant na matagal mag-post.
  • meron naman merchant o terminal nawala sa post hahaha as per my experience

    november yung transaction, tapos bumalik nung feb lol XD

    kaay alam ko lista ko yun di ko ginamit ang pera mahirap na
  • ^ BNPL? hinde talaga lalabas yan agad. It's a way for banks to get you, pag nakalimutan mo na may BNPL ka, bulaga after 3months :P
  • nope, straight payment yan sir kita ko sya nung posted sa app tapos ilang araw nawala na pati sa credit limit lol anyway bdo terminal ni merchant kaya alam na topaks
  • pansin ko sa rcbc by batch sila magpost and hindi agad lalabas. parang 2-3 days.
  • nope, straight payment yan sir kita ko sya nung posted sa app tapos ilang araw nawala na pati sa credit limit lol anyway bdo terminal ni merchant kaya alam na topaks
    BNPL is buy now pay later, bale binili mo ng Nov, Feb pa ma-credit (3months after mo babayaran), baka hinde nasabi sayo ng merchant.
  • nawala na pati sa credit limit lol
    or baka nag-error sa merchant (na-reverse), then after 3mo, napansin nila, at since valid charge, pwede ka pa rin ma-charge after 3mo (lalo kung may proof ng error in posting)
  • ^yep nakita ko ren to sa fb group na ganon din, kaya alam ko babalik yan natanong ko din dati dito hahaha hiniwalay ko nalang ng record yun as floating transaction para if ever bumalik may pera paren ako pambayad.

    bilis ng panahon naka tapos na agad pala ako ng 24 months installment ng ipad XD pahinga muna
  • okay lang ba bayaran ang rcbc cc sa mbtc sa due date mismo.
  • ^iba iba ang luwag ng mga banks sa payment. Merong iba kahit late ka 1 or 2 days, basta na-post yung payment sa system nila, goods na. Meron naman iba strict.

    Kaya I would discourage against paying on the date. Potentially maging abala sa inyo kung sakaling mag incur ng late charges. Mas mahirap pa naman ngayon tumawag kasi daming self-help options kang maririnig muna bago ka maka-kausap ng CSR.
  • maganda dyan pag kalabas ng statement date, bayaran nalang agad ganon din naman babayaran mo paren sanayin mo nalang sarili mo, hassle kasi minsan late posting tapos mag ka charge ka pa sa late payment
  • ako din pag labas ng statement bayad na agad. kung di ka makabayad agad dahil wala ka pang pera, baka kailangan mo muna pag aralan finances mo. wag ka muna gumamit ng credit card hanggat di ka nakakaipon ng buffer money to pay bills before the deadline. mahirap mabuhay ng isang kahig isang tuka.
  • Red flag ka nyan kung late or puro past due ang bayaran.
    Magtataka ka na lang kung bakit hindi nagdadagdagan CL mo, denied palagi kung mag auto loan ka at housing loan

    -- edited by holycow on Apr 12 2024, 06:16 PM
  • called BDO to waive annual fee of 1,800 pesos dapat december pa, umabot na ng 2300
    ang inalis lang yung 1800 naiwan yung late charges hahaha walangya

    and request to increase my Credit Limit kasi 100k sabi ko gusto ko gawin 200k, i recently purchase gadgets ang natira 30k ish nalang pede ko magamit

    aba after 5days rejected! informed via text message, nakakabadtrip
    mostly BDO kasi talaga ko nag transact, dahil andoon din savings account ko, which is ang laki ng savings ko nagtaka ko hindi na approve
  • @evincar

    maybe it's just me pero babalikan ko yan then sasabihin ko i-close ko na lang ang account ko sa kanila.
    preferred client ka ba nila?
  • ^ yan yung stress na iniiwasan ko kaya ngayon puro free for life cards na lang meron ako. lahat ng may annual fees pina cancel ko na maski pa mag offer sila ng 1 year waiver. di bale na konti na lang natira kong cards, at least di ko na mararanasan yan. hehe.
  • mostly BDO kasi talaga ko nag transact, dahil andoon din savings account ko, which is ang laki ng savings ko nagtaka ko hindi na approve

    Kapag may malaki kang savings account sa BDO automatic ang increase nya. May regular active transactions ka ba sa savings account mo? Ako kasi yun din pinangbabayad ko sa ibang CCs, utility bills, bayad sa sellers online, etc.
    preferred client ka ba nila?

    Di ba yan yung may mga P10M relationship clients?