Forum Topic

Sony PlayStation 4 (PS4) Thread (Jailbreak, piracy discussion & trolling is prohibited)

  • @dekisugi

    standard pricing pa rin. yung walang mala- Days of Play na discount.
    As usual, PhP 1k off pag cash transaction. kung may card ka nila at may laman, pwedeng
    gamitin as cash, pangbawas din sa price.
  • ^
    Wala na yung pricing na 13,990 sa ps4 slim bundle? Yun sana inaabangan ko di kasi ko umabot doon sa sale last month
  • Mukang wala na. Ang nakita kong display yung Mega Pack. Nasa 17k yata yun...
  • di naman kailangan. at sana hindi mo i-limit sa dalawang region ang choices mo.
    Palagay ko, for convenience sa mga payments ang habol mo kaya mejo na-stress ka sa pagpili.


    na-excite nga siguro, and nag-giveup na ako na mailink ang credit card ko, tapos stay na lang sa singapore account na nagawa ko.
    nung binuklat ko yung cd game may libreng PSN plus 3months voucher palang kasama, then ayun na lang ginamit ko.

    may nabibili naman pala psn voucher codes mas convenient pa. salamat sa mga nagrecommend.
  • san ba makakabili locally nyan PSN vouchers na convenient?
  • may nakita ko sa fb ung start sa letter K

    ung PSN codes ba na para sa asia R3 gagana sa thai account?

    pag bumli ba PSN code, pede din yun gamitin pambili ps+ at games diba, bale ung credits malalagay lang sa wallet mo tama ba?
  • Paglabas daw ng PS5 mag unboxing daw ulit si Mateo. This time gagamit daw siya ng chainsaw para sa pagbubukas ng box. Hehe.
  • san ba makakabili locally nyan PSN vouchers na convenient?


    sa Shop## meron ako nakikita na mga legit.
  • Paglabas daw ng PS5 mag unboxing daw ulit si Mateo. This time gagamit daw siya ng chainsaw para sa pagbubukas ng box. Hehe.


    kung gusto nya ulit magpapansin, gagawin nya yan.

    sa Shop## meron ako nakikita na mga legit.


    yun check natin
  • @dekisugi

    Kindly check DB FB page. May discount na bago ang console.

    Paglabas daw ng PS5 mag unboxing daw ulit si Mateo. This time gagamit daw siya ng chainsaw para sa pagbubukas ng box. Hehe


    Looking forward pa naman si Bitoy dito hehe

    -- edited by bluemary1014 on Aug 01 2020, 10:18 AM
  • @Kabron

    PSN vouchers meron kay [email protected] [email protected] sa FB.
    Pero about sa Thai, di sya gagana dahil specific ang currency ng mga credits.
    Wala sa atin nyang Thai at Malaysia. Even Taiwan at Indonesia, wala rin.
    Ang common dito kung R3 ay SG or HK. Tig isa lang din ng denominasyon, $40 at $200 respectively.
  • PSN vouchers meron kay [email protected] [email protected] sa FB.


    +100

    Nakailang transaction na ko sa kanya. Mabilis at legit naman.
  • Magkakaroon ba ng Bagong Thread for PS5 or dito pa rin itutuloy?

    Sana hindi ubusan ng stock dito sa Pinas paglabas ng PS5. Naalala ko before pahirapan makabili ng PS4 Pro nung unang labas eh.
  • papalipas muna ko ng 2 years saka na bibili.
  • @Kabron:
    Overpriced ang game credits diyan sobra hahahha. Marami nang alternative sources that are way cheaper.

    -- edited by limyar on Aug 01 2020, 05:23 PM
  • Kindly check DB FB page. May discount na bago ang console.


    Nakita ko nga din na meron na si DB. Problem is hindi same price ng Days of Plays promo nila na 13,990
    Nasa 15,990 siya. Kahit sa [email protected] same price din sa DB. Di ko alam kung bibili na ako or wait ko muna
    sa Nov or Dec. hehe
  • Magkakaroon ba ng Bagong Thread for PS5 or dito pa rin itutuloy?

    Alam ko may bagong thread na PS5 paps. Hanapin mo na lang.
  • Noob question sa digital games.

    1. Mas mura ba pag digital games vs physical games? (CD)
    2. Pag nasira ba HDD mo at wala ka back up pwede pa ba ma retrieve yung nabili mong laro? Paano?
    3. Bakit preferred ng iba yung digital games over physical? (May seller kasi sa FB na di pa raw niya nagamit yung cd lens ng ps4 nya.

    TIA.
  • 1. Mas mura ba pag digital games vs physical games? (CD)

    - mas mura ang physical kapag brand new pero pag sale mas mura pa rin si digital.
    2. Pag nasira ba HDD mo at wala ka back up pwede pa ba ma retrieve yung nabili mong laro? Paano?

    - Kung digital pwede pa marecover, tied up sa account mo yun. Anytime, anywhere pwede pa maretrieve. Kung physical basta nasa yo pa yung cd pwede din. Problema lang yung need to redownload. Malas mo na lang kung wala ka backup nung save files mo.
    3. Bakit preferred ng iba yung digital games over physical? (May seller kasi sa FB na di pa raw niya nagamit yung cd lens ng ps4 nya.

    - Convenience. Pag bnew na game, pwede mo sya preload 2 days in advance para malalaro mo agad pagsapit ng midnight sa region ng account mo. Isang bagsakan na downloadan na yun kasama day1 patch kaya dire-diretso ka na, di mo na rin kelangan pumila pa sa store sa araw ng release ng game or mangamba na baka maubusan ka ng stocks ng physical copies. Mas mahal ang digital games na bagong labas kumpara sa physical copies nila.
  • digital games vs physical games


    Cons naman ng Digital vs Physical. Hindi mo pede ibenta ang Digital to others unless ibebenta mo whole Account mo. Another Cons is kung hindi na available sa PS Store yung game, hindi mo na pde idownload in which is better to have that said game installed in your HDD and never erase it. Lastly you need a good internet which has no Monthly CAP to download large Digital Games.

    Best Pros ng Digital vs Physical for me are First is convenience. You will not need to get up to change the game and you will have your Game easily accessible when you will travel vs bringing a lot of Physical Games with you. Lastly Your PS4's lens will not be stressed.

    -- edited by Odellot on Aug 02 2020, 02:56 AM
  • Sa wakas dumating na Ghost of Tsushima ko from Shop**.

    Sino dito ang experience eh parang downgrade graphics ng GoT? TLOU2 kasi una kong nalaro naninibago ako sa graphics parang ang panget bigla.
  • ^Yup! sa first area map ng medyo panget pero pag na open na yun ibang part medyo maganda na.

    Mahirap din pag comparin yun tlou and got! open world kasi yun got tapos mas malaki budget ng ND.
  • Sabagay, 80GB yung TLOU2 tapos 35GB lang yung GoT. Masasanay din siguro mata ko after ilang hours. So far na eenjoy ko naman gameplay hehe
  • Mas mahal ang digital games na bagong labas kumpara sa physical copies nila.


    depende sa game. may cases na otherwise.
    isang halimbawa ang sa The Last of Us 2.
    ang Special Edition sa USD ay $79.99. Ang Digital Deluxe ay $69.99.
    ang lamang ng Digital, pag pre-order, may Ellie Tattoo avatar na makukuha.

    @dekisugi,
    titimbangin mo rin eh kung hardcopy o softcopy. kung ano ang palagay mong kumporme sa situation mo or setup.
    mga binanggit ni 90boi at Odellot, yun at yun lang din ang mga reasons generally.

    one more thing to add. napansin ko dito sa pinas vs. sa US(ito kasi primary account ko kaya dito ko lagi tinatapat)
    ang physical discs sa atin, matagal ang markdown. pag R3, mejo mabilis.
    sa US, sobrang bilis ng markdown. usually, wala pang 1 year, umaabot nasa $20-$30 range. ang mahirap ang bilis mag out of print. kaya sa online, biglang angat ang pricing.

    ito yung cases na nagreresort ako mag digital, lalo na pag may sale. since may PS+ ako, yung sale, may discount pa.
    chinecheck ko muna sa store or sa online store ng suki dito, tapos icocompare ko sa PSN.
  • Isa lang advantage ng pagbili ng physical copies para sa kin - preorder freebies. Walang kwenta sa kin yung mga posters, ang prefer ko yung mga mapapakinabangan tulad ng usb, tuwalya. eco bag at plastic folder.
  • @Kabron:
    Overpriced ang game credits diyan sobra hahahha. Marami nang alternative sources that are way cheaper.

    tulad ng? hehehe

    Magkakaroon ba ng Bagong Thread for PS5 or dito pa rin itutuloy?

    meron paps, nakatambay nadin ako dun minsan hehehe

    Nakita ko nga din na meron na si DB. Problem is hindi same price ng Days of Plays promo nila na 13,990
    Nasa 15,990 siya. Kahit sa [email protected] same price din sa DB. Di ko alam kung bibili na ako or wait ko muna
    sa Nov or Dec. hehe


    pede din sa nov or dec, baka mag bagsak presyo ps4 pag labas ps5. pero siyempre nakakainip mag hintay hehehe

    Noob question sa digital games.

    1. Mas mura ba pag digital games vs physical games? (CD)
    2. Pag nasira ba HDD mo at wala ka back up pwede pa ba ma retrieve yung nabili mong laro? Paano?
    3. Bakit preferred ng iba yung digital games over physical? (May seller kasi sa FB na di pa raw niya nagamit yung cd lens ng ps4 nya.

    TIA.


    1. depende sa games at sale period, pero pag bnew, madalsa mas mura digital kesa physical copy. pede kasi resell phsyical, ang digital naman pede share sa ibang users,

    2. pag masira HDD, pag may ps+ ka matic nakasave sa cloud ung saved game data mo, at ung digital games pede mo ulit reinstall galings a store. kaya kahi tmasira HDD, matutuloy mo pa din game pag ayu sna HDD mo.

    3. depende sa tao e, gay ang sagit sa 1, sakin kung san makakamura at depende gaano ka atat malaro ung game... at isa pang dahilan ayoko ng maraming kalat kaya iwas ako sa physical, pero pag wala choice, resell ko nalang pag matapos ko na laro...

    Sa wakas dumating na Ghost of Tsushima ko from Shop**.

    Sino dito ang experience eh parang downgrade graphics ng GoT? TLOU2 kasi una kong nalaro naninibago ako sa graphics parang ang panget bigla.


    ako ngayon week parating na sana, may nakuha nako GOT... sana sulit...
  • Nakita ko nga din na meron na si DB. Problem is hindi same price ng Days of Plays promo nila na 13,990
    Nasa 15,990 siya. Kahit sa [email protected] same price din sa DB. Di ko alam kung bibili na ako or wait ko muna
    sa Nov or Dec. hehe


    weigh mo na din kung yun sa difference na 2k (which is hindi naman din biro na halaga) worth it na magantay ka ba without guarantee na makukuha mo sya ng 14k or maglaro ka na ngayon habang sinosolve pa itong covid at marami naka work from home. maraming pwede mangyari between now and november. imo if you have the budget now and kating kati ka na maglaro, consider mo na bumili.
  • naka-abot pa sa last stock ng red camo kanina sa alabang town center. ^_^
    happy kid lang.
  • weigh mo na din kung yun sa difference na 2k (which is hindi naman din biro na halaga) worth it na magantay ka ba without guarantee na makukuha mo sya ng 14k or maglaro ka na ngayon habang sinosolve pa itong covid at marami naka work from home. maraming pwede mangyari between now and november. imo if you have the budget now and kating kati ka na maglaro, consider mo na bumili.

    After reading your suggestion parang gusto ko ng bumili bukas. Ang problem is MECQ na nga pala bukas at wala public transpo. Wala naman ako sasakyan. Medyo malayo at di kaya lakarin. Gusto ko sana personally ko makita ang unit bago bilhin. Paano kaya?
  • After reading your suggestion parang gusto ko ng bumili bukas. Ang problem is MECQ na nga pala bukas at wala public transpo. Wala naman ako sasakyan. Medyo malayo at di kaya lakarin. Gusto ko sana personally ko makita ang unit bago bilhin. Paano kaya?

    Me online store si DB. Me warranty naman. Or pede mong itry yung nauuso sa ps4 buy n sell fb groups na pabili service.

    -- edited by ecchigo on Aug 03 2020, 11:28 PM