Forum Topic

Sony PlayStation 4 (PS4) Thread (Jailbreak, piracy discussion & trolling is prohibited)

  • @dekisugi

    consider din na baka sarado ulet yung store mismo ni DB sa MECQ. Hindi ko pa binabasa yung extent ng quarantine eh. Mukhang mag online store ka na lang muna talaga.
  • @blue
    Paps magkano kaya delivery charge pag sa DB? May Branch naman sila sa Sm Bacoor at Dasma lang ako.
  • Hindi ko masabi paps, Physical Games palang nabili ko online, dun sa competitor ni DB. Chineck ko online since thru lazada lang ako bumili, 40php lang yung delivery charge.

    UPDATE:
    Chineck ko yung store ni gamextreme, free delivery sila sa consoles. Yun nga lang, out of stock. Hula ko free delivery din yan kay DB. hindi sila kasi nagkakalayo ng offers. Competitive yang dalawa. Kung bibili ka paps, try mo na ngayon hahaha.
  • Medyo annoying yun mga ronin sa GOT.
  • Sobrang toxic ng fb group. Di ka pwede mag comment sa GoT at TLoU2 na walang magagalit.

    Sana animal crossing mag GOTY, tingnan natin di sila mag iyakan haha

    -- edited by pastebooko on Aug 04 2020, 12:01 PM
  • Ayos din ghost of tsushima... Lumabas update while recruiting Ryuzo... Sarap niya laruin pag lethal mode, natuloy-tuloy ko siya hnggang ending kaso walang new game+...

    Download muna modern warfare 2 campaign remastered habang free...
  • Sobrang toxic ng fb group. Di ka pwede mag comment sa GoT at TLoU2 na walang magagalit.

    You cant blame them! hindi mo alam kung sinong troll or nagsasabi lang ng opinion.

    -- edited by RyanEvans on Aug 04 2020, 01:31 PM
  • Sobrang toxic ng fb group. Di ka pwede mag comment sa GoT at TLoU2 na walang magagalit.


    kahit anong topic sa fb paps, may kokontra sayo hahaha, trolls at scammers lang karamihan mga nagcocomment sa fb

    Download muna modern warfare 2 campaign remastered habang free...

    warzone na paps! season 5 na sa bukas hehehe

    Medyo annoying yun mga ronin sa GOT.

    paanung annoying? baka ma annoy din ako hehehe.
  • warzone na paps! season 5 na sa bukas hehehe


    Modern warfare warzone boss meron na... Di lang talaga ako fan ng online games/modes... Campaign po madalas kong laruin... Downloaded na rin naman yung lahat ng para sa modern warfare warzone para sa kapatid ko... Bigat lang ng mw warzone... 200gb sa hdd ko... Hehehe

  • What to expect:
    - A focus on upcoming PS4 & PS VR games
    - A few quick check-ins on third-party and indie games from June’s PS5 showcase
    - No big PS5 announcements!



    <click here for link>

    -- edited by 90boi on Aug 04 2020, 05:17 PM
  • Modern warfare warzone boss meron na... Di lang talaga ako fan ng online games/modes... Campaign po madalas kong laruin... Downloaded na rin naman yung lahat ng para sa modern warfare warzone para sa kapatid ko... Bigat lang ng mw warzone... 200gb sa hdd ko... Hehehe


    unga paps, cod4mw multiplayer days pa, meron pa dito forum para sa players non, nawala na hehehe. dito din ako napakuha ng ps+ e hehe
  • Sirs, common ba sa mga games like Assassin's Creed na mag cause ng matinding headache at motion sickness? Nung 19" monitor kasi gamit ko mejo hindi malala unless mabilis yung movement ng camera. Nitong nag switch ako sa 28" tv, wala pa yatang half hour sumasakit na ulo ko sa odyssey at nung nag start ako ng origins, mas malala kasi masyadong malapit yung camera kay Bayek. Pero kapag God of War naman ang nilalaro ko, ok naman ang pakiramdam ko.
  • ^take frequent breaks, wag dire-dretsong laro.
  • @staticghost
    pwede din po sa lighting condition ng room nyo as well as how far/close you are from your display. as 90boi said, rest from time to time... kahit bathroom/water/stretching break lang, malaking tulong na yun
  • ^and just addtl lang, frequent breaks is one thing pero syempre pag napapasarap na ng laro madalas hindi na namamalayan ang oras kaya importante pa rin talaga ang pagiging well-rested. Make sure na nakakatulog kayo ng buo wag puro power nap lang.

    Pag kulang ka sa pahinga dyan ka makakaramdam ng kung ano-ano sa katawan lalo na yung pananakit ng likod, ngalay sa kamay at yun nga, yung eye sight din natin kasi magdamagan naka tutok sa screen. Pero pag nakakumpleto ka ng tulog kahit mga 2-3 days lang sa gabi makikita mo yung benefits kasi mas focused at mas matalas ang reflexes mo pag naglaro ka ulit.

    Moderation lang talaga lalo na sa tin na tumatanda na rin. lols I only truly realized this about 2 years ago nung nagsimula ako makaramdam ng burnout sa gaming.

    -- edited by 90boi on Aug 05 2020, 01:01 AM
  • Pag kulang ka sa pahinga dyan ka makakaramdam ng kung ano-ano sa katawan lalo na yung pananakit ng likod, ngalay sa kamay at yun nga, yung eye sight din natin kasi magdamagan naka tutok sa screen. Pero pag nakakumpleto ka ng tulog kahit mga 2-3 days lang sa gabi makikita mo yung benefits kasi mas focused at mas matalas ang reflexes mo pag naglaro ka ulit.


    sa mga nakaupo buo araw due to work, what worked for me was taking vitamin b complex. di naman kasi stressful yun work ko but nakakaramdam ka talaga soreness, ngalay sa likod at leeg, hilo, etc. twing natatapos shift ko. nun mag take ako ng vitamins nawala sya at nakakapaglaro na ako uli ng matagal.
  • 20 push ups kada 10 mins na laro or kada loading time.

    minsan pede din maglaro ng nakatayo

    at pag nakakalabas ng bahay magpapawis

    para medyo balanse

    hahahaha
  • akalain mo nga naman... nagrerefund pala ng preorder si psn. lols
  • Matagal na ko hindi nakakalaro busy na, mabebenta pa kaya ang ps4 pro ko with seagate gamedrive 4tb external at 70+ digital games na nabili ko plusnpsn account for almost 4years ata na straight member....
  • ^meron pa rin bibili nyan.

    actually bibili sana ako ng second hand ps4, kaso hindi basta maka-alis para matesting yung ps4 na binebenta.

    ended buying brand new sa "KALSADA"

    at the age of 37, first game console na nabili ko all my life lol

    -- edited by keith_orbit on Aug 07 2020, 10:46 AM
  • ^congrats paps!
  • yung state of play, mini nintendo direct ng sony no? mejo underwhelming yung latest.
  • Suko na ko maghanap ng ps4 na brand new. Puro sold out sa lahat ng outlet. Yung nasa Sh0p33 at [email protected] naman masyado overpriced.
    Baka sa December na lang ako bumili. Malay nyo baka 10k na lang brand new sa december. hehe.
  • ^pm mo si sir imson_jay mukhang benta nya ps4 nya base sa reply nya sa thread
  • @Kabron

    Thanks, pero brand new na sana gusto ko para mas tumagal. Maingat naman kasi ko sa gamit. Yung PS1 ko buhay pa hanggang ngayon..sa katunayan nilaro ko pa kahapon ang NBA 1999. Hahaha.
  • ayun lang pati ba sa BataDlitz di available?
  • ayun lang pati ba sa BataDlitz di available?

    Wala sold out lahat. Dami sigurong nag hoard para ibenta ng mas mahal. Wait na lang ako sa dec. haha.

    PS: yung kay paps imson pala nakita ko IFS nya. Di kaya ng powers ko PS4 nya. Hanggang 15-16K lang ako max. Hahaha
  • ^ good as new yun sir hehe minsanan lang magamit, uupo ka na lang at baka di mo pa malaro lahat ng games sa dami, mura na yun, parang free na lang yung ps4 pro at hdd nya hehe, ipagpalagay na lang natin na 800 na lang kada bala sa digital downloads ko, tipid ka na dun....
    hayz pangit pala mag purchased ng games as digital... di tulad ng cd na lang bibiilin mo pwede pa ibenta paisa isa, kapag digital downloads automatic benta mo lahat...

    -- edited by imson_jay on Aug 08 2020, 11:42 PM
  • paanung annoying? baka ma annoy din ako hehehe.

    Annoying dahil hindi sila tulad ng mongols na madali patayin... :D

    yung state of play, mini nintendo direct ng sony no? mejo underwhelming yung latest.

    Not really underwhelming considered na ilan months na lang irerelease na yun ps5. plus yun AAA titles na out na (GOT & TLOU).

    Not Sure kung true? dami daw ni secured ng Sony from 3rd party titles.

    Kaya ang dami na naman salty xbox players na nagreact ng anti-consumer.

    -- edited by RyanEvans on Aug 09 2020, 12:50 AM
  • Goodam inquire lang hm bentahan ng bnew ps4 mega pack bundle? Thanks.