Forum Topic

Official BayanDSL Thread (No piracy topics or hints)

  • daily refreshing ang tawag nila dun. buti na lang ni-record ko yung tawag nila... kaya nga papatanggal ko uli yung fiber eh, may katibayan kasi ako na unlimited daw at walang daily refreshing o capping, nag oo naman sila kaya ayun... mag de-debate muna kami. hehehe... may nakausap pa ako na supervisor, papatanggal daw nila pati landline, eh ang sabi ko retain yung phone dahil yun yung alam ng lahat na number namin. kaya mas pipiliin ko i-retain na lang yung bayantel at give-up yung fiber.
  • Pag na-reach na yung capping, umaabot na lang sa 1.5mbps.


    so pag umabot ka na ng 10gb/day ay 1.5mbps na lang?
    ok na rin yung speed na 1.5mbps, kasi yan naman ang speed ng 2mbps ko sa bayandsl plan ko ngayon.
    2mbps daw pero pag na check mo sa speedtest ay umaabot na lang ng 1.5-1.7 mbps.
  • Kung sa tutuusin wag na tayo mag papauto jan sa mga capped plans na yan. Tangina. Hintayin na lang natin yung galing China.
  • kung gagamit ka sagad ng 5mbps meron kang 4:46 oras para maging 10gb, then yung remaining mung time na 19:14 ay 1.5mbps makaka dowload ka ng 12.1gb so ang total mo ay 22.1gb kada araw.

    pero kung 3mbps ka meron kang 30.17gb.

    pro's lang ng 5mbps ay makaka panood ka ng 1080-1440p ng (medyo) walang lag ng mga limang oras.
    ang con's ay. after ng 10 gb mag 480p ka na lang may konting hiccup sa 720p XD.

    pero kung nag ddl ka panalo ka sa 3mbps lalo na pag mahilig ka mag share.... lalampas pa sa 30.17gb yan.


    (sa download-time ako nag compute nyan.. pa correct na lang pag mali :D)

    -- edited by 0221 on Jan 06 2018, 05:46 PM

    -- edited by 0221 on Jan 06 2018, 05:47 PM

    -- edited by 0221 on Jan 06 2018, 05:50 PM
  • dati naghukay lang sa area namin globe.. ngayon nagtatayo na ng poste kahit ganitong oras hehehe... sana maayos agad nila...
  • kung gagamit ka sagad ng 5mbps meron kang 4:46 oras para maging 10gb, then yung remaining mung time na 19:14 ay 1.5mbps makaka dowload ka ng 12.1gb so ang total mo ay 22.1gb kada araw.


    kung fb,twitter at browsing lang, mauubos kaya ang 10 gb per day?
  • @lodiman

    kung fb, twitter and browsing... go with cheapest na lang. sa palagay ko di mauubos 10gb per day... kahit maubos... kung maubos mo man heheh sapat parin ang 1.5 mbps.
  • @all plans under 1199 a month 5mbps subscription speed

    libre ba tawag sa GLOBE/TM using your bayantel landline?
  • If your account is bayantel, with pay P12peso per minute :)
    If globe account, libre calls to globe/tm
  • target ko 'yung plan 1899 50mbps ng globe na capped sa 600gb (500gb + 100gb youtube pa rin ba) monthly cap (may narinig din ako na +50gb daw nung last quarter up to now ng 2017 so 650gb cap na siya)... to clarify... kapag na attain mo na ba 'yung cap niya anong speed na ng plan 1899 50mbps?...

    then lumabas sa site ni globe 'yung bagong unli plans niya kaya go big na tawag sa mga plans na may cap... then go unli yung unlimited... sa 1899 go unmli eh 20mbps lang speed... ano kaya maganda?... 50mbps go big o 20mbps go unli?
  • @carlyn and ApA11: ncopy/paste ko lang doon sa bagong go unli plans

    "FREE LANDLINE and UNLIMITED CALLS TO GLOBE/TM for 24 months."

    so two years lang libre na tawag sa globe/tm cell numbers... after that may bayad na 'pag call ka ng globe/tm cell number...

    sa go big naman eto nakalagay...

    "Free Landline with Unlimited Calls to Globe/TM"

    so kung lagi kang tumatawag sa cell number na globe/tm using landline eh mas maganda 'yung go big kaysa sa go unli after 2 years?... hehehe
  • For 2 years, (globe account) free tawag sa globe/tm no extra charge under contract ka pa kay globibo
    Pagkatapos ng contract o 24months, may additional charge ka lang ng P99pesos monthly
  • san po ba pwede lumapit ayaw kasi ng globe na migrate un bayantel ko sa globe 2017 pa ako nag request hanggang ngayun wala pa din lagi kasi sira un bayantel may globe fiber na samin 2 poste lang lang ang layo.3 years na ako sa bayantel.

    salamat sa makakasagot
  • @louievoys: kami... mag-apply na lang ng bago sa globe fiber... then kapag nakabit na at ok na saka paputol ng bayantel...
  • @louievoys

    Punta ka sa nearest globe store for the migration. Wag na wag ka tatawag sa customer service. Pero gaya nga ng sabi ni STASIS mas maganda kung mag-aapply ka na lang for new installation lalo na kung mahilig kayo sa netflix kasi may kasamang 6 months na free subscription. Madali lang naman magpaputol ng bayantel. Tatawag ka lang sa hotline nila wala pang 1 minute putol na agad bayantel line niyo.

    @STASIS

    Depende yan sir kung malakas kayo umubos ng data. Sa amin sulit na sulit yung 1899 50mbps 600gb data cap dahil hindi namin nauubos. May natitira pang around 150gb. Kung marami kayo sa bahay go for unli plans palagi.
  • @gosphel07: sabi ko sa ahente sa 20mbps unli na lang kami hehehe... ako lang naman gumagamit dito kaso malakas din ako mag dl lalo na kapag walang pasok or after work... nung compute ko eh parang aabot o minsan lalagpas ako ng 500/100 cap kapag go big 50mbps kinuha namin...

    nyahahaha... pag pinaputol ko bayantel.. di ako makakatawag mismo sa landline kasi laging walang dialtone... sa globe cell number ko lagi ginagamit sa pagtawag sa hotline... hassle walang landline...

    -- edited by STASIS on Jan 12 2018, 10:10 PM
  • @STASIS

    Ok yan. Mabuti nga at may unli plans na sila para mas maraming choices. Kahit samin dati puro globe cell lang ang ginagamit pang tawag sa customer service.

    Also notice to all. Kung mag-migrate kayo from bayantel to globe after, makabit ang globe line niyo itawag niyo agad sa customer service na ipapaputol niyo na yung bayantel. Yung sa tita ko 2 billings ang natanggap nila for the month of Nov. to Dec.
  • hahaha... bago pa lang sa area namin mga poste ng globe... sabi 750 meters lang max na sagot nila sa installation... sobra dun eh sagot na daw namin... hehehe
  • ok naman sana un bayantel 5mbps kaso 1 weak na sira un landline paputol putol un net maingay yung linya sabi ng globe tech.papalitan daw yung wire papunta samin di nman nila ginawa kasi daw dadaan sa poste ng meralco ang daming dahilan gusto magkapera ng tech. ng globe.kaya nagapply nalang ako ng globe go unli.
    paputol ko na yung si bagaltel.
  • Post deleted #12079308
  • Hi guys. Papakabit ko lang ng bayandsl plan 1199 5mbps with unli calls to globe and tm.. pero when I checked sa adsl status, ganito nakalagay

    Information DownStream Upstream
    SNR Margin 25.3 dB 6.1 dB
    Attenuation 3.4 dB 5.7 dB
    Data Rate 3069 kbps 952 kbps

    From that config, hindi ako makakakuha ng above 3mbps na speed tama?
    Which is mali sa side nila. Tinatry ko kasi kasi kausapin tong customer pinagpipilitan na ok lang daw yung nakukuha kong speed. Sabi ko naman kung ang naka configure sa akin ay 5mbps at ang nakukuha ko 3 mbps pwede ko mapalampas yun baka di lang talaga reliable. Pero hindi eh naka config sa akin 3mbps lang so kahit anong gawin ko jan di yan lalampas ng 3mbps.

    So I just need your help guys, those na naka subscribe sa plan 1199 ganyan din ba adsl status ninyo? Sa router GUI yan 192.168.1.1 advance->status->adsl status
  • ^Probably nakaconnect ka sa 3mbps na unlimited ni bayanDSL. papunta ka jan ng tech and pakita mo.
  • @oozefist: try mo ipa escalate sa manager nila at ipaalam 'yung stats ng modem mo na hindi tama 'yung downstream rate mo... kung 80 % reliability ang connection nila eh dapat ang stats niyan eh 4096... unless may pinirmahan kang contract.. check mo kung anong pinakamababa nilang pwedeng ibigay sa'yo...
  • @oz may 5mbps ba si bayan? hanggang 3mbps lang daw highest speed nila. di ko lang sure if area depentent ang 5mbps.
  • 24 months pala lock in ni bayan?
  • @all nireport ko na ng pulit ulit hoping na maging maayos. Dinetail ko na lahat ng pwede idetail.

    @vinceo oo daw.. at yun ang nakapost ng agent nila. Sabi rin ng customer service nila may 5 mbps daw ang bayandsl pwera na lang kung manloloko talaga sila.
    Pero before talaga meron sila 5mbps pero mahal mga around 2.5k yata yun.

    Actually may line na ako ng bayantel 1299 2mbps via pppoe with landline. Ayaw nila iupgrade lang gusto nila maging globe subs na lang ako. Ang kaso walang linya dito sa amin ng globe at ang inooffer nila eh globe lte which is capped na hindi pwede sa amin. Nag try din ako ng ibang isp wala eh pldt lang na based sa mga kapit bahay ay napaka unreliable compre to bayandsl sa area namin. So nagpakabit ako ng new line para makuha ko ung 5mbps na sinasabi nila tapos before mag end yung cycle nung luma ko lng subs papaputol ko na... bale kung 3 mbps lang talaga to eh nag######han lang kami ng globe dahil sa post nilang 5mbps unli. At sayang effort ko. Kapag ako nainis hindi ko sila babayaran hayaan ko na lang nila putulin to

    -- edited by oozefist on Jan 20 2018, 08:14 AM
  • after 9 days, naayos din.. mali nga yung pinagkabitan nung una.. kailangan mo rin sila kulitin ng kulitin at tawagan ng tawagan... may mga bwisit pang customer service rep na ininstruct mo na gagawin sa report nila hindi pa rin nagagawa.. pero happy na ako ngayon hehe ayos na! paputol ko na yung isa kong bayantel line na ayaw nila iupgrade hahaha.. globe lagi inooffer eh wala ngang globe sa lugar namin. so nagpakabit na lang ako ng bago..
    Speed test result <click here for link>

    -- edited by oozefist on Jan 27 2018, 08:43 PM
  • Kailan kaya discontinue and Bayantel service ?

    I want to hold on to the landline number as long as possible.

    Wala lang......
  • @ oz ok ah 5Mbps nga. dito sa amin hangang 3Mbps lang daw kaya.
  • Pasagot nman po nang tanong ko. Bago po ako subscriber sa bayandsl. Sabi saakin nung nag inquire ako walang capped ung 1199 5mbps with landline unlicalls globe/tm. Tapos ngaun nakita ko sa pinermahan ko meron nka lagay na 100gb. Paconfirm lang po. Tska ung landline namin hndi nman mkatawag sa globe/tm kahit sa hotline nila na 211. Not yet assign daw. Pahelp po please