Forum Topic

TPC Canada Chapter

  • @thechad098

    Sir ask ko lang kung magkano kaya yung travel insurance? kuha lang ako ng idea para alam ko how much yung pwede namin magastos just incase magplan kami na mag visit sila dito sa Canada? TIA.

    Nakakatakot din kasi hindi kumuha ng insurance lalo na yung mga balita na nababasa and nakikita mo about sa walang insurance.
  • free quote naman sir yung mga online like DestTravel and GMS. ang kinuha muna namin eh 31 days for 50K with pre-existing condition (high-blood pressure). $140 each. kung 178 days, ang quote is around $700 each. do note na yung GMS eh a bit cheaper pero nakalagay na di nila i-cover ang COVID kaya yung DestTravel ang kinuha namin na medyo mahal ng kaunti pero at least kasama yun.
  • @thachad098

    kaya naman pala. kala ko naman kasi sobrang mahal ng magagastos namin. mas okay na muna siguro na sila muna dumalaw dito keso kami dadalaw dun (family of six). atleast kung yung brother and yung mom ko lang ang pupunta dito, more or less $1700 lang magagastos namin compared sa kung 6 kami na uuwi. lol. Thanks sir!
  • @smoke4twenty
    hahaha! yes, apart sa pamasahe... syempre mag-expect ang mga tao dun na dahil galing abroad ka eh mayaman ka na so dapat may baon ka na pang-gastos na mga 3k-5k siguro...

    kakarating lang ng in-laws ko nung biyernes, naka-isolate muna sila sa basement. super bilis ng biyahe nila and di na tinatatakan ang passport nila... contactless nangyari, kinuha lang lahat ng papers nila and may very stern warning na pag di sila nag-comply sa quarantine plan eh $1M fine and kulong pa.
  • DIY LTE router for my backup internet connection -

    dual SIM android phone running Android 8.1
    Old TPLINK router running stable openwrt

    Dual sim phone contains 2 data only SIMs at 4gb each at 5$ each. Usb tethered to the router and then the clients connects to the router. Router has adblock support (using steven black hosts file) to save on data usage too.
    Tested it and i can access my tools and remote login to computers without problems.
    Cheap and it works. Only 10$ per month for 8gb of data!


  • @ryanrudolf
    astig! anong network sir? prepaid?
  • ^ fido postpaid data only plan
    Mas OK sana kung prepaid kaso dehins. Still cheaper kesa kumuha ng DSL line for backup.
  • @ryanrudolf

    di mo na ba nagawan ng 100% discount yung data? Yung sa akin, 3GB pa rin, pero nung tumawag ako to cancel (dahil kukuha ako ng $5 4GB with free tablet), nag offer yung CSR to make it 100% off na lang for 2 years... so tinanggap ko na and plan to get another 4GB na lang
  • ^ yung orig 3gb ko is 100% discount pa din. Then lately kumuha ako ng additional CPO tablets and 5$ yung data plan for the next 24mos
  • @ryanrudolf

    may mga taga RFD na nakakuha ng 100% discount for both the tablet and the plan... bale $0 to get a tablet and 4GB data per month... did you try it? sinubukan ko at sinabi ko "my friend got a text about $0 for tablet and dataplan", tapos sinabi ng CSR di daw ako qualified. pero I will try again sometime, baka maka tsamba...
  • ^ I tried pero di qualified. OK na din, 10$ per month for 8GB backup internet, compared sa 45$ DSL for backup. May free 2 tablets pa!
  • Hi TPC Canada peeps,

    Question, my friend is inviting me to migrate in Canada. Actually, matagal ng invite ito, like 8 years na. And recently, I am contemplating yung idea na mag-migrate.

    Share ko na rin, I lost my job dahil sa pandemic at doing freelancing (email copywriting) at insurance agent right now. I am single by the way at 37 years old.

    Now, my questions are.

    1. Ano yung reasons at motivations niyo why you moved/migrated to Canada?
    2. Masaya ba kayo sa naging decisions niyo?
    3. If given the chance na balikan yung nakaraan will you still choose Canada or Pinas?

    Salamat sa mga magsh-share :)
  • ^

    1. For our kids ang main reason

    2. Yes super happy. Best decision we made

    3. I'd still choose canada and hope we did it earlier. We migrated last 2015
  • @trebor11584

    Kapag may pera at opporunity for growth sir walang tatalo sa Pinas. Masarap kasi ang buhay dito basta may datung at upward mobility. I am friends with more than 50 immigrants and 95% will retire here as soon as they can pero hindi sa Metro Manila.
  • 1. For the next generation, mostly pero para din makatulong sa mga naiwan sa Pinas and medyo maka-tamasa ng mas maganda gandang buhay

    2. very happy as well, dito ramdam mo kung saan napupunta yung mga taxes na binabayaran mo. lower crime rate compared sa pinas considering Winnipeg daw ang worst among Canadian cities, nakabili (mortgage) na ng bahay na di ko na-picture ang sarili ko na magkakaroon ng sarili (renter my whole life there) and medyo nakakabili ng mga luho paminsan-minsan unlike before na sobrang tagal ng ipunan and decision making before makabili ng luho

    3. same here, i wish we have gone sooner, 2017 kami nakarating ng Winnipeg, kung earlier sana eh baka nakuha pa namin ang mga kapatid ni misis... hirap na kasi ngayon ng MPNP unlike nung time namin
  • mahigpit ang mpnp bago mag covid pero kung may kakilala kayong pasok sa express entry e ipag file niyo asap

    <click here for link>
  • @ryanrudolf ngayon ko lang napansin yung go gopher logo mo sa laptop

    -- edited by adonis827 on Feb 20 2021, 01:15 AM
  • mahigpit ang mpnp bago mag covid pero kung may kakilala kayong pasok sa express entry e ipag file niyo asap


    This is only for Canadian Experience Class (those who have Canadian work experience and currently in Canada)... wala pa rin balita for other categories, pero baka bumaba ang requirements for Federal Skills Immigrant applications.

    As for MPNP wala pa rin balita kung bababa ang points requirements, pero in light of COVID, ang priority right now, is yung mga nasa Canada na... I doubt they will open up for those outside of Canada, since potential COVID carriers ang mga ito...
  • 1. Ano yung reasons at motivations niyo why you moved/migrated to Canada?
    2. Masaya ba kayo sa naging decisions niyo?
    3. If given the chance na balikan yung nakaraan will you still choose Canada or Pinas?


    1. Traffic primarily. Quality of life din... It takes me 2 hours to get to work everyday from Novaliches to Makati, 3 hours naman ang pauwi. Bale 5 hours of my life ang nawawala every day. Here in Winnipeg, it takes me 15 mins to get to work from home... I was able to afford buying a house a year after I arrived, daming mga gadgets na naka-sale, all my kids have their own computers, education plans, etc... We can go anywhere in the world with a Canadian Passport vs. Phil Passport.

    2. Masaya din, we miss pinas, lalo na ang mga relatives, pero for visiting na lang, malabong tumira kami ulit diyan, pwera nga lang kung mayaman kami and can afford just living in resort...

    3. If given a choice, we still choose pinas. Kaso for me there is no choice, since there is no future in pinas, lalo na with the state of corruption coming back... Wala pa rin solution ang traffic and over population.. Mas lalo na ngayon... nung umalis kami, mura pa ang mga bilihin and compared sa Canada/US, tuwang tuwa kami na $1 to $2 lang ang Mcdo/Jollibee meals sa exchange rate.. ngayon halos pareho na ang presyo ng meals sa pinas compared dito sa Canada...
  • @trebor
    di ako migrant, muntik lang. pero may plan pa rin kahit papano. hehehe!
    kapatid ko and his wifey ang nag-migrate sa Canada since 2019. share ko na lang mga happy and sad life ng bro and hipag ko.

    1. Ano yung reasons at motivations niyo why you moved/migrated to Canada?
    2. Masaya ba kayo sa naging decisions niyo?
    3. If given the chance na balikan yung nakaraan will you still choose Canada or Pinas?

    1. next generation and makatulong na rin daw para umasenso naman kasalukuyang buhay namin. kaka-push na rin ng ilang relatives and friends na andun, but now, where are they? *ahem*

    2. HALF... ofw kapatid ko and his GF (na asawa na nia ngayon) sa Saudi, maganda buhay nila dun pero iniwan nila para maging Canadian dahil nga promising ang opportunity daw doon.
    masaya sila sa Canada kasi kahit newly wed sila, nakapagpundar na sila ng house and lot dito sa Pinas in just 1 year. nakakabili na rin sila ng mga luho. actually, kahit nung nasa Saudi naman sila e marami silang nabibiling mga luhos and everything. btw, ayos na ayos yung healthcare nila dun. yung matagal nang iniinda ng kapatid ko na paa nia e napagamot na nia dun ng halos libre.
    pero ang sad life, nung nasa Saudi sila na halos lahat e part ng company nila yung mga foods, houses, freebies. ngayon sa Canada e sila na lahat gagastos, foods, house, electric, etc. hirap sila dun lalo at starting period pa. tapos yung mga nagpupush na mga friends nia, cannot be found na. mga relatives na andun, hanggang invite invite lang, pero di man lang tumulong sa processing ng papers nia dati, kahit man lang patuluyin sila ng kahit 1 week or so, di man lang nila ginawa. as in, nagsimula talaga sila sa wala. naging dagok pa yung kasagsagan ng lockdown period kasi isa sila sa mga minalas na nawalan ng job. yup, di lang dito satin ang maraming nawalan ng job, meron din sa ibang bansa. gusto na nga nila sumuko, gusto na rin namin sila pauwiin, pero ang iniisip namin mas walang future dito sa pinas.
    buti na lang, medyo nakakahinga na rin sila lately. thankfully, nakaswerte sila ng mabait na amo ngayon, sila tumulong sa kanila during their downfall.
    pero gaya ng sabi ko, masaya sila, pero malungkot pa rin.

    3. starting period pa lang naman kapatid ko kaya naiisip niang sana di na lang sya nagCanada at nagremain na lang sa Saudi. pero kung nakatagal na siguro sila at di natamaan ng pandemic ang buhay nila, malamang isa rin sila sa mga nagsasabing, "the best ang Canada!"
    about 6yrs bago nagmigrate kapatid ko, nagtangka din ako dati pumunta Canada, unfortunately, bumagsak ako sa medical. ngayong andun na kapatid ko, gusto ko sya samahan dun kaso naging mas strict sila ngayon dahil na rin sa pandemic issue.

    tip lang...
    mahirap kung mag-isa ka lang dun, kailangan mo ng katuwang sa buhay (asawa, kapatid, anak, parents, kaibigan). maliban sa may kamahalan mga house, foods, at iba pa, nakakabaliw din yung wala ka kakilala. pero ingat lang, marami pa ring pinoy ang merong utak talangka doon.

    -- edited by Reim on Feb 20 2021, 02:04 PM
  • Salamat! sa inyo. I can't help but smile habang binabasa ko yung mga shinare niyo. :) Ang napansin ko na common theme is that walang regrets lahat. Kung meron man, kaunti lang pero mas lamang pa rin yung happy kayo sa naging decisions niyo.

    @Reim

    I talked to a lot of my friends na nasa Canada. At ang napansin ko, tama ka. Mas maganda talaga yung may kasama ka na katuwang sa buhay. Kasi karamihan sa kanila na andun na yung family or kung sino man ang importante sa buhay nila, no regrets sila moving.

    Yung iba namang andito pa yung majority ng family members sa pinas eh half-half yung nararamdaman.

    Pero tulad nung nasabi niyo, dyan nga daw nakikita nila yung napupuntahan ng taxes nila.

    Additional question pa.

    If mag-retire na kayo, sa Pinas niyo ba plano mag-retire?
  • @trebor
    If mag-retire na kayo, sa Pinas niyo ba plano mag-retire?

    i think kahit sino naman, mapaPinoy man yan, Kano, Tsekwa or anumang lahi, gusto umuwi sa tinatawag na HOMETOWN.
    pero ang tanong e may babalikan ka pa ba dito?
    kung meron, e di dito ka magretire, basta ba nakaipon ka ng pangpinansyal mo while naghihintay ka ng oras mo.
    kung wala, siguro mas ok na pikitmata ka na lang sa ibang lugar at yakapin mo ang kung ano meron ka dun.

    saka merong point yung sinabi ni idolve. mas masarap buhay dito pag may datung.

    pero syempre di natin alam ang future. nasayo na yan kung ano magiging choice mo balang araw.
  • Guys, okay lang i-share niyo mga naging work niyo dyan mula nung unang dating niyo hanggang ngayon? ????
  • @trebor

    1st job- overnight stocker sa walmart for 1mo
    2nd job - call center agent / tech support for 3.5yrs
    3rd job - volunteer IT support sa church and sa non-profit organization that caters to newcomers
    4th job - got promoted on my 2nd job as infra support

    Im still with the same company, turning 5yrs na this jun2021.

    Yung volunteer stint ko is around 2mos lang, para mabago naman yung daily routine and to meet new people. Once OK na ang corona virus, will go back to doing volunteer stuff.
  • wow, amazing. magkakaiba yung field ah.

    Ano pala yung previous work mo dito sa pinas @ryanrudolf?

    By the way, kamusta pala ang opportunities ng mga network engineer dyan? May idea ka ba? Yung friend ko kasi is taga Edmonton.

    Eto rin pala yung current ko na pinapanood na channel sa YouTube regarding sa migration sa Canada

    <click here for link>

    -- edited by trebor11584 on Feb 22 2021, 09:04 AM

    -- edited by trebor11584 on Feb 22 2021, 09:04 AM
  • ^ work ko sa Pinas is on site IT support and after several years got promoted to vmware admin.
  • @trebor11584

    Nung unang dating ko, around 3 months ako walang work, so I took call center work, as tech support for Telus Dial up internet. A month later, may offer ako as Progress 4GL Developer sa Bus manufacturer, pero I was a Powerbuilder/VB/DotNet developer, ok lang naman sa kanila dahil database knowledge ang habol nila... inabot din ako ng 5 years doon sa company na yun... na-downsize on the fifth year, na tengga for 6 months and got job sa consulting company and am still there going 10 years (this year) na...

    Prior to that before coming here in Canada, nag New Zealand muna ako for 2 years, tried applying as Permanent Resident pero na-deny (dahil di nila recognized ang BS Comsci degree from AMA)... di ko na pinursue dahil nag ka offer naman sa USA, so after that sa USA naman ako pumunta.... kaso mahirap mag green card sa USA (matagal, at least 5 years processing) and mahirap maka-hanap ng client... so umuwi ako pinas nung natapos ang contract ko sa USA, and nag-apply na lang sa Canada as immigrant (inabot din ako almost 3 years sa pag-apply).

    Puro consulting firms ang mga employer ko, so depende din sa market ang naging issues ko... kung magaling lang ang consulting firm ko sa USA, baka nag permanent ako sa USA. Minalas lang na inabot ako ng downturn ng IT jobs nung nasa america ako nun...

    Almost 20 years na ako wala sa pinas, so parang di ko na feel ang mag stay ng mag tagal sa pinas, lalo na sa taas ng cost of living na dyan... dati rati tuwang tuwa pa ako at malakas ang purchasing power ko bilang dollar earner... pero ngayon, almost same na ang presyo ng products...
  • starting period pa lang naman kapatid ko kaya naiisip niang sana di na lang sya nagCanada at nagremain na lang sa Saudi.


    Hirap din siguro sila ngayon sa Saudi... my bro-in-law was an OFW din sa Saudi, and at first ayaw din niya lumipat dito sa Canada, pinilit lang namin dahil di naman niya kasama ang wife and son niya sa Saudi, and one month per year lang siya dalaw sa pinas. Masarap daw buhay niya doon dahil buong sweldo niya, padala niya sa Pinas, at wala siyang problema sa gastos sa Saudi dahil bayad lahat.

    Napilit din namin at almost 10 years na sila rito... may bahay na, nasundan pa ng dalawang bata yung panganay nila (15 years old na yung panganay nung nasundan)

    Huling balita niya, is na layoff ang mga kasama niya doon sa Saudi, bumaba ang demand dahil sa pandemic, nasa pinas na ang mga kasamahan niya at apply sa ibang employer (pero hirap din dahil maraming OFW sa pinas ngayon). Ubos na ang ipon ng kasamahan niya, nag sangla ng mga bahay nila, nag sideline na lang ng mga kakanin or turo turo...

    Ang difference lang kasi, kung sa Saudi ka, malaki nga kita, or masarap ang all-expense paid employment, pero walang job security, walang govt subsidy, sisipain ka pag walang employer, TNT, etc... mahirap din mag invest ng oras mo, sa country na di ka naman pwede mag stay...

    Dito sa Canada, pag nawala ka ng trabaho, may CERB, Employment insurance, di ka nila pwede sipain paalis, kung gusto mo, pwede ka umuwi muna ng pinas kung wala kang kamag-anak na pwede tambayan habang walang trabaho... balik ka na lang pag mag improve ang jobs outlook (kung citizen or PR ka). Libre healthcare, education (K-12), daming mga subsidies and government grants...

    -- edited by rolandg on Feb 23 2021, 02:51 AM
  • ^ regarding CERB, nakaka hinayang na TY na lang dun sa mga hindi naman talaga qualified pero nag avail dahil confusing daw yung requirements

    -- edited by ryanrudolf on Feb 23 2021, 04:13 AM
  • in other news, netfile is open! I always do my taxes DIY style using turbotax. We bought a house last year and because of the 400$ work from home tax credit, malaki-laki ang refund namin!