Forum Topic

Locked Frame Rate: 30fps Max Settings vs 60fps Medium Settings.

  • Maraming ako nababasang discussion about sa PC Gaming na mas better ang gameplay kapag 60fps dahil "smooth" daw pag ganito ang frame rate pero to achieve this kailangan ng powerful GPU or kailangan babaan din yung graphical quality nung games.

    Sa consoles naman, most of AAA titles naka locked sa 30fps, obviously hindi kasing powerful ng consoles yung PC kaya ni-locked yung fps para hindi ma compromise yung graphical quality ng laro.

    May nabasa din kasi ako na mga PC users na ni-locked nila yung game @30fps pero naka ultra-ish yung settings para consistent yung frame rate vs medium settings @60fps at para sa kanila mas better daw yung ganun.

    So the question is, kung hindi kaya ng rig niyo na imax lahat ng settings @60fps, willing ba kayo na i-lock yung game @ consistent 30fps on ultra quality or mas pipiliin niyo padin yung higher frame rate at the cost of graphical quality?.
  • 90fps kasi masasabi kong smooth, 60 hindi pa
    Miss ko na yun CRT monitors at expensive pa sobra ngayon yung mga 144hz monitors, sana in 3 years mag muna na to 15k level yun may mga G-sync

    Back to topic, 60 fps low settings d ko matiis yun lower than that.

    Binubura ko agad may mga under 60 fps unless RPG kaya sa consoles puro JRPG lang ako.
  • minimum sa taste ko currently is 1080p 120fps @ultra or high settings.

    i could've gone 1440p or 4k, pero as a programmer, ang hirap magbasa ng code sa ganung kalaking screen (yes pede mo i-adjust yung font-size, but its hard to explain na mas madaling basahin kapag every statements is nasa single line lang, hindi yung nagwwrap pa.

    as for gaming, i believe yung mga nagdedefend na walang difference ang 30 sa 60 or 120 eh hindi pa talaga nakakaexperience ng high frame rates.

    madali lang naman makakuha ng ganung framerates, but i think ang usual na pumipigil sa iba para mag-invest sa parts na mag-eenable nito eh siyempre 'expensive' daw.

    depende na rin siguro kung ano talaga priorities mo sa buhay. i can never justify why i spent so much on my PC sa taong hindi naman talaga interested sa smooth framerates. malamang ang sasabihin lang ng ganung tao eh real gamers don't care about graphics, its the gameplay. and i agree on that. for those kind of people siguro they'd be better off playing games on a console. there's no need to discriminate but andami kasi nilang console gamers na nagiinsist na console is better than PC.
  • Sa totoo lang, visible sa mata yung difference ng 30fps at 60fps sa PC. Ako ang gamit ko padin eh yung 4-year-old "gaming" laptop ko at ang priority ko ngayon ay malaro ang mga games at 30fps++ kahit sobrang low na ng quality basta gumana lang hahaha. Plano ko bumili ng PS4 para malaro yung mga latest games yun nga lang yung mga AAA games naka locked sa 30fps dahil hindi naman talaga kaya ng hardware ng PS4 yun sagad na settings. Mura kasi initial price ng consoles kaya madaming bumibili unlike PC na doble ang presyo pero syempre doble din ang performance lol.

    About naman sa mga console users na walang pakialam sa frame rates, may nabasa ako na article before na magkaiba daw yung locked 30fps sa console vs PC, ang difference nila is yung "frame time", sa consoles mas mabagal daw yung frame times kaya kahit naka 30fps eh smooth-ish padin unlike sa PC na mas mataas ang processing power sa consoles, mabilis daw ang frame times kaya feeling daw nung naglalaro kapag nag dip sa 30fps yung game e mabagal na. (Eto lang natandaan ko sa binasa kong article so correct me if I'm wrong).