Mga Tech Gurus,

Patulong naman po.
Yung laptop ko Toshiba L50T-A with Windows 8.
Nung bago pa lang, gumgagana nang maayos ang keyboard. Pag hinold mo isang key, magre-repeat sya nang mabilis. Pero nitong huli, kailangan ko pa pindutin paulit-ulit para lang mag repeat ang keystroke.
Na-check ko na lahat ng settings sa Control Panel at nakaset na lahat sa gusto ko pero wala pa ring nagbago. Nagkabit ako ng external keyboard at walang problema. Nireset ko na rin yung laptop sa factory settings. Yun lang talagang built-in keyboard sa laptop.
Ano kaya ang solusyon sa problema na ito?
Salamat nang marami sa inyo!

-- edited by GeCube on Jan 30 2016, 08:40 AM