Forum Topic

paturo naman sa steak

  • Nanood ako sa youtube kaso iba yung available na items para d2 samin.

    Wala kasi kaming grill so balak ko sa oven na lang. Ngayun kelangan pala isear yun bago ilagay sa oven. Tenderloin yung balak kong cut. Tapos, pano ba gawin ito. Wala kasi ako iron pan. Sizzling plate lang. Pede na ba mag sear dun? Kelangan ba sobra init nung pan bago ako mag sear? Tapos after sear, rekta na ying sizzling platr sa oben? Well syempre lagay konti pa accdg to youtube. Main concern ko lang is pede ba substitute ung sizz plate sa iron pan.

    Ty
  • nag steak ko using turbo broiler di ako nag enjoy mali yata ginawa ko, sayang ang beef na binili ko
  • @ineedaphone888

    Ang pag sear ay yung pag sunog dun sa surface ng karne ng mabilisan para di ma over yung luto sa loob. Kung pwede yung sizzling plate ay depende kung paano sya uminit. Kailangan umiinit talaga sya (yung mga aluminum kasi trinatransmit lang yung init) at nag reretain ng heat. Pwede yan. Ginagamit ko sa pag sear yung mga makakapal na kawali na usually pinangsasangag.

    Ang nakikita ko lang na issue ay pag sinama mo yung sizzling plate sa oven. Patuloy syang iinit tas parang mapiprito yung karne sa loob ng oven kasi di makakatulo yung mantika. Nagiging greasy.

    Di naman talaga kailangan isear yung steak pero ok sya dahil parang nalolock yung juices sa loob ng karne.
  • Kuha ka stainless steel or aluminum pan, wag nonstick if possible, tapos painitin mo then lagyan mo mantika. Season yung steak with salt and pepper. Lagay mo yung steak sa pan. Alam mo na mainit kapag nagsizzle. Turn every 30 seconds each side hanggang magform ng parang crust, usually less than 5 minutes total. Tapos saka mo lipat sa baking sheet or pan. Preheated na dapat yung oven bago mo ilagay yung seared steak. Kung yung sizzling plate gagamitin mo sa oven kailangan preheated na rin siya kasabay ng oven.
  • Una, bili ng magandang cut ng beef, google mo lang para alam mo kung ano trip mo.

    Ikalawa, kelangan di nagyeyelo yung napili mo na beef cuts pag luluto mo, dapat wala na siyang kayelo yelo saka kalamig lamig. Ikatlo, pag ok na yung karne, budburan ng asin at paminta at ng iyong napiling herbs, hayaan lang na iabsorb ng karne ang pampalasa.

    Ikatlo, magpainit ng kawali na parang grill yung lutuan, kelangan mainit na mainit ah yung tipong umuusok na yung kawali bago ilagay ang steak.

    Ikaapat, pag ok na yung kawali, ilagay yung steak at hayaan sa kawali ng 3/5/7 minutes bawat side, wag balik baliktarin kasi malalamog saka di magiging ok luto.

    Ikalima, pag ok na ang luto ng karne ay hanguin sa kawali at ilagay sa pinggan o chopping board at iwan sa loob ng 5 minuto, gumawa ka muna ng iba o iprep mo na yung hapag kainan, basta iwan mo yung karne para sumuot pa yung lasa.

    Ikaanim, pag ok na lahat bukod sa steak, hiwain mo na yung steak diagonally para maganda at iserve.

    Ikahuli, kumain at ienjoy ang iyong steak at maranasan kumain tulad ng mga nasa taas ng alta sosiyodad, haha.
  • @ineedaphone888
    bile ka ng Sous-Vide hindi maaover cook and steak mo, 90% ng steak juice magstay sa steak. (youtube mo yung sous-vide)
    pag nag steak ako salt and pepper lang.

    kobe o wagyu beef

    -- edited by b0n3z on Feb 11 2016, 03:34 AM
  • Ok salamat try ko to mamaya.

    May nakita ako pan d2 hahaha. All metal naman and d sya non stick.

    Painit ko yung pan mga 2mins then 1 min with oil then 3 mins each side steak total 9mins.

    Then lagay ko na sa preheated oven for 7mins, di ko lang sure kung ano kakalabasan nito, medium ba or rare. Testing run lang muna ako.

    Gamitin kong cut yun tenderloin 1.5inch 2*225 g
  • importante din na mag take notes ka :D para kugn sakali di mo nagustuhan ang results eh mababalikan mo kung anong part ang i-adjust mo para sa next batch mo ulit :D
  • Post deleted #12217902