-
trilobugz
on
02 Jun 16 @ 07:54 AM #
From the very start, ang plano talaga ng San Miguel ay ibenta ang 700Mhz nya. Pinataas lang niya market value by spreading rumors that they will enter the telco industry and Telstra is interested. Tapos latag ng konting infra para palabasin na totoo nga. Genius talaga itong si Ramon Ang. Nautakan niya halos lahat.
-
ricomambo
on
02 Jun 16 @ 08:36 AM #
Red tape and a new frequency are like Hell and Heaven, respectively. Why? Because red tape "controls" the telco in building new cell sites, while having a new frequency (in this case 700Mhz, meaning longer/wider reach) will improve the coverage of existing cell sites by just adding new antennas.
-
trilobugz
on
02 Jun 16 @ 08:50 AM #
One problem ng 700Mhz ay limited devices na supported that frequency. Most likely corporate at business plans ang mag-be-benefit niyan.
-
bizarre
on
02 Jun 16 @ 09:31 AM #
Suma total hindi pa rin tayo makaka alis sa dark age ng Internet dito sa bansa natin. Baka dun lang sa may ari maganda ang net pero sa million subscribers, bahala na tayo sa buhay natin dahil no choice tayo at sa kanila pa rin tayo aasa dahil wala silang kalaban. Baka pagandahin lang nila ang net sa bahay ni Du30 at sa Davao para masabi ng presidente na ok naman ang pldt at globe.
-
desvillar
on
02 Jun 16 @ 10:24 AM #
as a network admin, wala sa frequency yan nasa data capacity yan ng isang telco.. kahit gaano kaganda ang signal mo kung wala kang enough data bandwidth to support your subscribers useless yan..
ang totoong panalo sa frequency wars ay ang mga telco, kasi makakatipid sila sa pag tatayo ng maraming cellsites dahil sa wider range ng frequency..
pero same old problem parin kulang ang international gateway submarine cable data bandwidth...
anti competition lang ginawa nila kaya atat na ata sila dun kaya imbes na mag invest sa tunay na pagbabago na mag add ng bandwidth at cables for international connections ay mas inunana pa nila yung kunyaring solution na ang totoo e mas marami ang pakinabang nila dito kesa sa mga customers nila..
wag kayo maniniwala sa chocolate covered lies, sinasabi nila gaganda ang internet mga around 6 months dahil sa pag acquire ng 700mhz? ilan ba ang may mobile device sa pilipinas na supported ang 700mhz frequency?
paano yung mga wired at leased line? walang mag babago..
pero dahil greedy sila at hindi naman customer satisfaction ang priority nila, inuna nila mag invest sa mga bagay na makakasigurado ng pag konte ng kalaban sa negosyo kesa mag invest sa bagay na makakaganda ng serbisyo nila in all branches
-
froztburn
on
02 Jun 16 @ 10:34 AM #
ano po ba ang batas na naglilimit sa entry ng foreign capital for broadband infrastructure?
nakakafrustrate kasi makita sa listahan na nasa baba tayo in terms of speed compared to other nations, and nasa taas tayo in terms of price per data..
-
infoseeker
on
02 Jun 16 @ 10:44 AM #
on foreign na kasalanan ng 1986 constitution
hanggang 49% lang pwede nila ariin sa share of stocks sa isang company
so hindi nila pwede kontrolin kasi hindi sila umabot sa 51% na reuirement para makontrol mo ang isang company o corporations
paki-correct lang po if mali
sana if matuloy ang federalism, mabago din ang isang part na yan ng batas
or let see ano ilalatag ng DU30 admin na solusyon sa problemag ito
-
jeer1210
on
02 Jun 16 @ 10:53 AM #
^ alam ko na kung ano solution ni Digong jan.
Kill those mofos. On the spot. hehehe.
-- edited by jeer1210 on Jun 02 2016, 10:54 AM
-
froztburn
on
02 Jun 16 @ 10:55 AM #
^ alam ko na kung ano solution ni Digong jan.
eh mga sanavavitch pala kayo eh.. pakiarmalite nga yang mga yan :p
-
Lanzeloth
on
02 Jun 16 @ 01:47 PM #
^^ Pagkakatanda ko, ang sabi nya is naisip nyang tanggalin ung limit na yan, it's just foreign companies can't own a 'Philippine Land' where they'll put their company, they have to lease it which is OK since kung walang bawas kita or sabihin natin kahit meron silang 80% - 90% ok yan para pumasok ang mga ibang players and show the Two shitlords how it's done.
-
rodriv
on
02 Jun 16 @ 02:37 PM #
lagi nalang ginagawang savior kuno ang mga bago.
savior sa mabagal na internet. LOL.
pero business is business. Profit driven.
so if may pumasok na bagong player. palagay nyo mag papaka martir sila? kahit foriegn pa yan.
-
AmalgamvsAloof
on
02 Jun 16 @ 05:20 PM #
so if may pumasok na bagong player. palagay nyo mag papaka martir sila? kahit foriegn pa yan.
like wi-tribe
-
LechonJames
on
03 Jun 16 @ 01:34 AM #
pero dahil greedy sila at hindi naman customer satisfaction ang priority nila, inuna nila mag invest sa mga bagay na makakasigurado ng pag konte ng kalaban sa negosyo kesa mag invest sa bagay na makakaganda ng serbisyo nila in all branches
+100
tama yan, bakit sila mag iinvest ng 70billion for 700mhz frequency lang, sa halaga nayan pwede naman sila mag invest for other telco equipment & infra for better services, inshort binili lang nila yung smc telco para mawalan ng 3rd player sila pa din ang panalo
-
adrianbuenaventura
on
03 Jun 16 @ 02:34 AM #
tama yan, bakit sila mag iinvest ng 70billion for 700mhz frequency lang, sa halaga nayan pwede naman sila mag invest for other telco equipment & infra for better services, inshort binili lang nila yung smc telco para mawalan ng 3rd player sila pa din ang panalo
+200 :D
Just like what PLDT-SMART did to DIGITEL-SUN, pasaway daw kasi si SUN pina uso Unli.
-
traveler68
on
07 Jun 16 @ 07:27 AM #
wag kayo maniniwala sa chocolate covered lies, sinasabi nila gaganda ang internet mga around 6 months dahil sa pag acquire ng 700mhz? ilan ba ang may mobile device sa pilipinas na supported ang 700mhz frequency?
Agree ako dito sa komento ni
@desvillar
Kagabi nga, while watching the news, natawa ako sa publicity ng Globe na meron silang initial testing ng 700mhz sa isang cell site sa Quezon City na umabot ng 100Mbs/s ang resulta sa OOKLA Speedtest. Hindi kasi malinaw ang methodology ng testing na yan, lalo na hindi talaga nila ini-reveal kung anu-anong devices ang ginamit. Meron akong nakita sa video footage na meron silang bitbit na Huawei B315, pero hindi naman sinabi kung yun nga ang device na ginamit. (Kung yun nga, malamang ito yung B315-22 dahil meron itong 700Mhz).
Kasi nga, anu-ano bang mga devices currently ang capable para diyan sa 700Mhz frequency na yan? Napakaliit ng percentage, kung meron man. In other words, walang silbi sa nakararaming users, in the short term.
In the long term, agree din ako sa dagdag na komento ni @desvillar:
ang totoong panalo sa frequency wars ay ang mga telco, kasi makakatipid sila sa pag tatayo ng maraming cellsites dahil sa wider range ng frequency..
Ang pagpasok ng mga foreign telco sa Pinas ang babasag sa DUOPOLY. Sana maisakatuparan ni Digong ang tunay na reporma at pagbabago sa sektor na yan.
-- edited by traveler68 on Jun 07 2016, 07:28 AM
-
LechonJames
on
08 Jun 16 @ 12:04 AM #
Kasi nga, anu-ano bang mga devices currently ang capable para diyan sa 700Mhz frequency na yan? Napakaliit ng percentage, kung meron man. In other words, walang silbi sa nakararaming users, in the short term.
possible yung 700mhz frequency target na market nyan is for home broadband users, mag iimport na yan ng mga modem supporting 700mhz,
ano na kaya mangyayari dun sa mga tower ng belltel?
-- edited by LechonJames on Jun 08 2016, 01:12 AM
-
1311006
on
11 Jun 16 @ 08:02 PM #
Regarding devices dyan sa 700mhz spectrum na yan. Curious ako anong pocket wifi supported nito? Planning to buy soon din kase.