Magandang umaga po sa lahat.

Plano ko po mag upgrade and plano ko mag add ng case fans. Nabasa ko na maganda daw ang negative pressure sa loob ng case. Ang case na ko na bibilin tecware alpha. At ang heatsink fan with push/pull config.

Fan compartment sa case:
Front - 2 x 120m or 140mm
Top - 2 x 120mm
Rear - 1 x 120mm

Problem 1
Scenario 1: 3 x 120mm static pressure intake sa rear and top tapos 2 x 140mm airflow exhaust fan sa front. Sabi ni science hot air goes up, e nasa lower front ang exhaust ko. Kaya naguguluhan ako.

Scenario 2: 2 x 140 static pressure intake sa front, 1 x 120mm static pressure intake rear and 2 x 120mm airflow exhaust sa top. Ok sana to pero baka mag laban ang papasok sa harap at likod.

Problem 2
Kung scenario 1 ang napili, dapat ba itulak ng HSF ang hangin papunta sa harap kung nasaan ang exhaust, pero dadaan ang mainit na hangin sa mga RAM.

Kung scenario 2 naman saan itututok ang exhaust ng HSF?


Salamat po ng madami sa mga tutulong sa akin. More power sa TPC.