Forum Topic

Nintendo Switch

  • ^

    actually yun din ang iniisip ko tsaka yung warranty in case may mangyari sa unit..

    cguro db or itech will be the best or kung may alam kayong iba pabulong naman ngaun or bukas ako bibili :)
  • ^ Parang gusto ko na patusin yung sa DB at 18k Hahahaha. Taena yan. Nangangati kamay ko para sa LOZ:BOTW tsaka portability aspect eh.
  • i bought my first switch sa gamextreme (forced bundle with 1 game at 23K) and my 2nd unit sa DB (18k+). Pero kung unit lang pag uusapan, di naman nagkakalayo presyo ng major game stores. Talo talo na lang siguro sa freebies kung meron man.

    Just remember do your due diligence in researching the games you want to play on the switch. Tulad nga ng post ko sa taas, hindi lahat ng games malalaro mo agad kahit physical copy kasi yung full size ng game hindi na kasya sa cartridge so yung remaining parts need mo pa idownload - dito ngayon papasok yung need na bumili ng microsd na atleast 32GB.

    Eto reason nakikita ko kung bakit may mga ibang switch owners na kakabili pa lang nagbebenta na ng mga units nila so its better to keep that in mind bago ka bumili.

    -- edited by gggggrrreeeyyyfffoooxxxx on Dec 14 2017, 07:52 AM
  • vittovitto and ken0001 good luck sa pagbili ng Switch! exciting times yan.

    sayang wala na yung sale sa Lazada. ok na deal na rin para sa akin ang 1 month warranty. by that time lumabas na siguro mga factory defects nun. at least hindi 1 week warranty lang kagaya ng ibang grey units.

    nagkaron na kami dati warranty claim sa Lazada for shower heater pero deretso kami sa seller nakipagusap, inayos nila on site, di na kailangan return sa Lazada. pero baka iba iba policy depending sa item or seller.

    di ko akalain ma-addict ako sa LOZ-BOTW binili namin Switch para sa mga bata pero parang ang tatay ang pinaka nag enjoy. haha natapos ko na lahat shrines at si Ganon, gusto ko pa sana gawin yung ibang side quests pero parang dami ko na naubos na oras kaya pass na muna.
  • vittovitto and ken0001


    thanks sir! will get one bukas megamall at greenhills ang pupuntahan ko.. :)
  • Atat na din ako bumili dahil may sahod na! XD Sana maganda makitang bundles bukas sa iTECH. Sana may Arms na din. Gusto ko sana mag BOTW tapos Arms muna habang nagaantay sa Switch Pokemon game. Or magantay nalang ako ng Pokemon edition na Switch LOL
  • usually mas mahal pag bundle.. kung stand alone unit muna bibilhin mo tapos isang game at accessories mas makakamura ka pa kumpara sa bundle ang bibilhin mo
  • kung gusto mo makatipid bili ka lang ng stand alone switch tapos 2nd hand games. or buy digital games kapag naka sale. laki ng difference vs bundles.
  • Ganun po ba grey? Mga nasa magkano ba yung accessories ng switch balak ko sana kahit pouch at screen protector lang muna. Sana may NEON pa na kulay.

    So kung Unit at game nasa mga 21k tama po ba? kahit BOTW palang mauna.
  • tried selling my 2nd unit bagsak presyo na ng 16k walang gusto pumatos haha... unit and charger lang. oh well...
  • yung binili ko 2nd unit ko sa DB sinabayan ko na rin ng bili nung snakebyte accessories na may kasamang earphones, wipe cloth, tempered glass at hard case pumalo ng 19k+ all in. Kung sasamahan mo ng game (depende sa title) aabot ka ng 20k+.

    Kahit wag ka muna bumili ng memory card wala namang issue.

    -- edited by gggggrrreeeyyyfffoooxxxx on Dec 15 2017, 01:15 PM
  • yung binili ko 2nd unit ko sa DB sinabayan ko na rin ng bili nung snakebyte accessories na may kasamang earphones, wipe cloth, tempered glass at hard case pumalo ng 19k+ all in.


    Nice so plus game mga magkano kaya? papalo ng 21-22k? Nakakexcite. Nagsasawa na ako na pinapanood lang yung mga lets play ng BOTW. Iniisip ko pa need pa pala ng SD Card so mga dagdag 1k pala sa gastos.
  • Aabot ng 22K pero depende nga sa title, yung presyo ng mga big titles sa switch kasing halaga na rin ng bnew na ps4 games.

    Yung BOTW kasya sa catridge yan kasi yan ang 1st and only physical game ko noon kaya wala kang problema dyan. Yung save files diretso naman sa internal memory.

    You can also go for digital games PERO mas mahal sya depending on the region na bibilhan mo. Good thing about switch is (and im sure you've read about it) is region free, pwede kang bumili ng games sa kahit na anong region at malalaro mo naman ng walang problema, ang issue lang is yung price - like, yung 59.99 USD na game pag kinonvert mo papalo ng 3k+ pesos pero ang physical counterpart nya dito sa pinas is abot lang ng nasa 2,700+.
  • EarlOfMillenium hindi mo kailangan ng SD card para malaro BOTW. suggestion ko rin maghanap ka second hand BOTW (nasa 2k usually) para makatipid. para sa akin mas ok ang physical kasi puede mo benta ulit pag nagsawa ka na.

    -- edited by paul_sns on Dec 15 2017, 02:01 PM
  • Dami na nagbebenta 2nd hand botw since most early adopters got switch bundled with botw and 1-2 switch games.
  • Thank you all for your inputs. Hanap muna ako ng mabibilhan ng BOTW na 2nd hand. Unahin ko muna yung unit + accessories na recommend ni sir grey
  • ^yung accessories na nabanggit ko is called snakebyte starter kit and accdg sa resibo ko it costs 1095 lang. Kung di ako nagkakamali may kasama pa yatang silicon cover for the analog and joycons. Tapos yung stand alone unit is about 18995 nung binili ko sa DB.

    -- edited by gggggrrreeeyyyfffoooxxxx on Dec 15 2017, 03:23 PM
  • THanks sir grey. Sa DB lang ba meron nyang snakebyte o kaya sa iTECH meron din? sa may SM North Annex ako bibili eh magkatapat lang naman yung iTEch at DB.

    Wala naman problem sa warranty ng DB? Based sa readings ko kasi mas madali magbalik ng unit sa iTECH although wala pa naman ako nagiging issue sa mga binibili ko sa DB so far.
  • i dont know about itech kasi hindi pa ko nakakabili sa kanila, DB lang kasi ang meron dito sa area namin. I would assume meron din si itech ng ganun pero para sigurado tawagan mo muna sila bago ka pumunta.

    As for the warranty wala naman siguro issue pero i remember the branch manager clearly telling me na hindi daw covered ang dead pixels so kung issue syo yun you may want to think about it first. Pero ipapatest naman syo upon purchase so dun pa lang mapapansin mo na kung meron man.

    -- edited by gggggrrreeeyyyfffoooxxxx on Dec 15 2017, 03:56 PM
  • Sir grey, yung mga DB staff ba naglagay ng screen protector nyo ng switch o ikaw na? lagi kasing sablay pag ako gumagawa.
  • ako na naglagay nung akin. Madali lang naman pag tempered glass. Basta importante linis na linis yung screen walang alikabok tapos ipantay mo lang at dahan-dahanin mo. Magkaron man ng air bubbles tulak mo na lang papunta sa edge gamit ang daliri mo. Magkamali ka man pwede mo iangat at ulitin as long na hindi pa nawawala yung dikit.

    Ang ayaw ko ikabit yung plastic screen protectors dun talaga madalas ako sumablay at mahirap ibalik.
  • worth it ba mag-buy ng switch today? any reviews po?
  • marami reviews online tungkol sa switch na nag mention ng mga pro's and con's nya. Dun pa lang magkaka idea ka na
  • thanks sir greyfox! :)

    baka tomorrow, ill buy switch. Im thinking if unit only or with games na bilin ko.
  • mas makakamura ka pag bibili ka ng stand alone unit muna tapos games kesa mag bundle ka. Samahan mo na rin kahit tempered glass lang
  • worth it ba mag-buy ng switch today? any reviews po?

    10M buyers cant be wrong.
  • @sir greyfox - ill take that note of that. thanks!
  • I think ok na rin yung bundle ng Super Mario Odyssey bundle. 4k difference.

    2.8k game
    1.2k tempered glass, mario pouch, premium ng red joy cons? Haha. Plus may stickers pa.
  • Need ba na may microsd kana if bibile ka nang switch?
  • Depende sa games mo. Sa amin walang sdcard. Physical: SMO, BoTw, mk8. Digital: splatoon and a few other smaller games.

    Some physical games require addl huge downloads (ex nba 2k) and of course kung digital games kukunin mo malamang kakailanganin mo.