Forum Topic

(Rent) makatarungan ba maningil ng x10 sa Kuryente?

  • Ask lang mga Paps...

    Makatarungan or Legal ba maningil ung may ari ng Commercial/ Pwesto ng x10 ung Bill ng Kuryente?

    actually ung Pwesto namin is made from Kahoy then wala pa CR.

    Then ung tinda lang is Miryenda and Damit.
  • hindi grabe nman yan abusado na yung ganyan ..kausapin pg ayaw alis k na lng sila lng bubuhayin mo..
  • Hindi po kaya hanap ka na lang ng ibang pwesto.
  • grabe nga eh... parang kami na nag bayad nun Kuryente nila .. naka Sub-Meter... pala un...
  • grabe naman time 10 sa kuryente........diretsuhin mo sila na hindi pwede un.....pag ayaw alis ka na lang
  • Konsumo mo bayad mo. Ipabarangay mo yan, masyado sugapa. Dapat documented yung consumption nyo kada reading tapos compute agad kung magkano babayaran. Nagpapaupa din kami dati pero may sariling linya ng kuryente yung unit. Sa tubig kami naghahati, kinukwenta up to the last centavo.
  • pag ganyan either mag generator ka or pakabit ng nakabukod na metro ng kuryente. kalokohan yang x10 na yan.
  • tama lang yan. kunin mo yong total kwh sa meralco bill then idivide mo sa total amount ng current bill. kita mo more than 10 pa nga minsan. yun ang imultiply mo sa reading ng submeter mo equals yun ang babayaran mo. sana makatulong sa yo.
  • Pano mo nasabing 10x ? Pwede mo ba post yung actual consumption mo at saka magkano binayad?
  • wala po ako scanner pero ang total kwh reading ko ay 856 ang total amount ng babayaran ko ay 8,296.76. bale 9.69 per kilowatthour. kung ano reading mo sa submeter ay x10 mo. yun ang babayaran mo.