Forum Topic

Nawala na Tubig Sa Water Tank

  • Meron akong water tank na pinupuno ko bago mawalan ng tubig sa Maynilad. Alam kung puno ang water tank dahil umaapaw na.

    Sa umaga ko pinupuno. Pag puno na pinapatay ko ang valve para hindi na kumarga ng tubig from Maynilad.

    Sa hapon nawalan na ng tubig ang Maynilad. So pinatay ko na ang valve ng Maynilad sa metro.

    Pag bukas ko ng valve sa tanke wala ng tubig!

    3 beses na nang yayari ito. Siguradong walang leak ang tanke.

    Saan kaya napupunta ang tubig na nasa water tank mga bros? possible ba na reverse ang flow ng tubig ng maynilad at doon napunta ang tubig galing tanke?

    wala na kasi akong explanation.
  • Posible nga lalo na kapag mataas yung tangke siyempre dahil sa hila ng gravity. Baka meron din na ibang gumalaw ng valve na since isinara mo na nga ay akala niya ay siya ang nagsara. So in effect binuksan niya ito imbes na isinara nya. Mero kasing mga tao na nalilito sa clockwise vs counter clockwise direction.
  • DjDom: salamat sa sagot mo. na check ko na sa mga tao sa bahay wala naman gumagalaw sa mga valve. gusto ko lang masigurado na possible nga na bumaba ang tubig sa pipe pabalik sa maynilad. dapat pala naka sara ang valve ng maynilad kung mawawalan ng tubig if not walang pressure na mag counter sa pag baba ng tubig from tank .
  • Meron ka bang flow valve? Para hinde bumabalik ang tubig.
  • Meron ka bang flow valve? Para hinde bumabalik ang tubig.


    sa alam ko wala ... dalawa ang valve sa tanke.. sa kaliwang valve ang binubukas / sara pag gamitin ang tanke. sa kanan valve ang pang karga ng tubig from maynilad.

    pero pwede rin gamitin ang kaliwang valve pang karga ng tubig. mahina lang nga ang pressure.

    mag tanong ako sa hardware store kung pano kabit ang flow valve. thanks bro
  • tama ka CrashAndBurn - flow valve nga ang kulang. ngayon hindi na bumabalik ang tubig. thanks sa suggestion. yun din ang sabi ng plumber na tinanongan ko at nagkabit.
  • Palagyan mo din ng float valve yung supply ng tubig sa loob ng tangke.. yung parehas sa system ng toilet, para pag puno na di mo na kelangan patayin yung supply sa tangke... ganito tangke namin sa bahay...

    Swing valve yung kinakabit para di bumalik tubig sa pipes...

    -- edited by damnoldcoot on May 03 2019, 11:49 PM
  • @damnoldcoot - nag palagay ako ng float valve.. laking tulong! salamat sa idea
  • +1 sa swing check valve. twice na ako nasiraan ng spring check valve. lalo na sa lugar na hindi regular ang tubig. di kaya ng malakas na pressure sa biglang dating ng tubig.
  • check din paminsanminsan ang tank.....twice na ako na siraan ng float valve(stainless and black plastic) at nag overflow yung water.
  • @sethmartin - yes opo , tama. dito sa las pinas, araw araw may water interruption at nag kakaroon lang ng tubig for a few hours (minsan 3 am to 5 am) kaya dati yung wala pa akong floater puyatan. super convenient meron float valve.

    actually nakaka 2 floater valve na ako. yung una yung floater parang sa old school na toilet bowl tank, yung lumulutang pa yung plastic floater . pansin ko may konting trickle yung water tank. nung inakyat ko overflowing na, di na gumagana yung stopper (kahit todo lutang na yung floater)

    pinalitan ng 'floateless' na float valve , mas ok .

    pero 2x a week aakyat ako para check ang water level to make sure may tubig/ hindi overflow
  • Basta taga Cavite, kelangan talaga may water tank ka.

    I tried the blue plastic float valve, nung binuksan ko, sobra liit ng butas sa loob. Sayang yung pag gamit ko ng 3/4" na pipe, dadaan lang pala sa butas ng karayong. So I opted back to the stainless steel ball float valve.

    I've installed swing check valve in the pipe between the Maynilad and the pipe going up into the tank.

    Saan kaya napupunta ang tubig na nasa water tank mga bros? possible ba na reverse ang flow ng tubig ng maynilad at doon napunta ang tubig galing tanke?


    I meant, kahit naman walang check valve, hindi dapat mahihigop ng Maynilad yan since nasa taas naman yung opening ng main water line.

    LoL - 2016 pa pala ito.
  • ^ Dapat may check valve ka both sa inlet line ng water tank and doon sa main after ng meter to prevent yung backflow. Ganun lang ka-simple.
  • I was just wandering...
    Di ba dapat mandatory ang check valve along the water meter? When we were still in Marikina, our water meter had a check valve agad. Though this was MWSS.
    Pag Maynilad, wala?
  • ah yeah binalikan ko itong thread with an update na may check valve at floater na at no problems na heheheh.

    pero to this day di ko alam pano nawala isang full water tank nawalan ng tubig heheh

    sinilip ko yung water meter ng kaptibahay ko sa kaliwa and kanan, wala silang check valve