Hi guys, long read pero kelangan ko ng tulong.

Meron akong GTX 770 na nabili ko in used condition earlier this year (mga Jan-Feb yata) and okay naman sya. Medyo umaabot lang sya dati ng 80C while benchmarking kaya nilinis ko (sobrang dumi grabe) and pinalitan ko ng NT-H1 yung thermal paste. That was around March-April. Yun lang, never overclocked/overvolted.

Medyo effective yung ginawa ko, mas malamig pa sya sa CPU kong watercooled. around 32-33 idle, and 66C at 100% load. So far happy naman ako until last week.

Naglalaro ako ng Witcher 3 nang biglang magka-artifacts. Normal lang yung framerate ko pero sobrang distorted na nung screen. So I closed the game, and tried loading up another game to diagnose the issue. Saints Row 3 to be exact.

Ayun, may artifacts parin. Nung nagclose na yung game, meron parin artifacts (minimal, pero halata) sa desktop. Pinaghinalaan ko yung driver (latest from NVidia, nakalimutan ko version) so inuninstall ko gamit DDU then reinstalled an older one. Gumana sya ng walang problema for the past week. Balik laro.

Nitong weekend lang, while playing (Witcher 3 parin), yung framerate ko biglang bumaba, from 60, to 40, to 30, hanggang umabot ng 3fps tapos nag 0. Nagsstutter na rin yung audio. 100% GPU usage parin (per MSI afterburner), running at 42C (madaling araw, malamig) so I'm sure hindi temps. Tried with other games, same result. So nagtry ako ng iba pang driver versions (361,368, etc.), same issue.

So sa badtrip ko, itinulog ko na lang muna. Naglaro ako kinabukasan, okay na sya ulit. Kaso mga 30 minutes lang. Balik sya sa issue nya.

Ano kayang problema nun mga sir? May maipapayo ba kayong steps to check kung masasalvage ko pa? Medyo tight kasi ang budget ko and naghihintay pa sana ako magpasko para makabili. Pwede nyo rin ba ako irefer sa mga pinagkakatiwalaang repair guys dito?

Thanks and more power TPC!