-
Veridis [TS]
on
31 Oct 16 @ 12:32 PM #
Hello!
Question lang po sa mga pogi diyan. Nagbabalak kasi akong gumawa ng sarili kong gaming/editing rig... Pero, syempre kailangang maganda rin 'yong computer table kung gagawa ka ng malupit na rig 'di ba? Haha. Ayaw ko sana 'yong mga pipitsuging mga computer table na binebenta kung saan saan. Hehe.
Mayroon po bang nakakaalam sa inyo kung saan makakabili no'ng mga Ikea Linnmon Table na ginagamit ng mga sikat na Youtubers? Or kung sa tingin niyo mas mura magpagawa na lang, magkano ba kadalasan 'yong presyo ng mga gano'n? Atsaka ano 'yong mga dimension niya?
Salamat sa makakatulong!
-
polka
on
31 Oct 16 @ 01:34 PM #
mine is just a ordinary office table meron lang automatic height adjustment sa akin,
cost me around 10k ish with that table pero worth it naman since more than 5 years ko na gamit.
-
techieguy28
on
31 Oct 16 @ 01:46 PM #
Sa furniture source may ikea linnmon, search mo na lang sila sa facebook. Linnmon din yung gusto ko dati, kaya lng pagdating sa store nila may mas nakita ako mas maganda, yung ikea melltorp dining table sya pero ginawa ko pc table.
-
frankeedoodle
on
31 Oct 16 @ 01:57 PM #
Kamusta mga tempered glass tables? May nakatry na ba?
-
Veridis [TS]
on
31 Oct 16 @ 08:41 PM #
Bossing techiguy28,
Saan po ba 'yong store ng Furniture Source? Baka may makita rin akong maganda do'n. Hehe. Trip ko 'yong Linnmon kaso lang hindi ba masyadong maliit? Haha!
Bossing polka,
Ano naman hitsura no'ng sa 'yo? :) Patingin naman!
-
techieguy28
on
31 Oct 16 @ 08:52 PM #
Sa dulo ng gilmore bago mag ortigas, check their fb page.
-
techieguy28
on
31 Oct 16 @ 08:55 PM #
Dalawa size ng linnmon, may maiksi at mahaba, pili ka na lang. What I dont like about linnmon is hollow sya and not solid. I mount my monitors and naka clamp sa table yung stand.
Kaya nauwi ako sa melltorp, laminated and solid, medyo mas mahal lang ng konti.
-
MrBungle
on
31 Oct 16 @ 11:50 PM #
@techieguy28
thanks for the tip. Matagal na ako naghahanap ng Bekant desk.
-
Veridis [TS]
on
02 Nov 16 @ 06:08 PM #
Salamat sa inyong mga input mga chong! Tingnan ko 'yong Furniture Source. :)
Goods na ako sa Ikea Linnmon Table, kaso lang may mga review kasi na nagsasabi na nagbebend siya sa gitna... Ang mahal masyado no'ng Bekant! Haha! Mamumulubi ako kapag bumili no'n. Hehe.
-
techieguy28
on
02 Nov 16 @ 06:16 PM #
May mga cases nga na nagbe bend linnmon nila, kasi nga karton lang na honeycomd laman nya kaya sometimes ganun.
-
Laserion
on
02 Nov 16 @ 07:04 PM #
parang mga particle board yata laman nun kaya mura yung mga ibang IKEA tables... mahal kasi kapag hard wood gamit talaga pero matibay...
-
DjDom
on
02 Nov 16 @ 07:11 PM #
Pwede kaya yung bumili na lang tapos tibayan na lang kaya. Katulad ng nabili kong kabayo ng plantsa matibay pero yung paa humihiwalay. Tinalian ko na lang yung apat na paa together kaya almost 15 years buhay pa rin.
-
barry13
on
02 Nov 16 @ 07:41 PM #
yung sakin executive table 2200mm by 900mm. kailangan ko ng ganyan kalaki dahil sa bigat ng cpu at multiple monitors.
it's a hard wooden table na matibay na pinag gastusan din, worth 10k if i can remember.
mag tingin ka sa office warehouse. may mga nakita rin ako sa mandaue shops na magaganda at hindi mumurahin.
-
MrBungle
on
02 Nov 16 @ 09:43 PM #
Langya, naunahan ako nung Bekant desk na 160cm x 80cm na naka sale. Ang laki ng discount sana. Nakita ko nung gabi, kinaumagahan wala na. Sayang.....
Ngayon pinagiisipan ko kung mag papaorder ako ng Skarsta sit/stand desk....
Sana mag open nalang ang Ikea dito. lol
-
Laserion
on
02 Nov 16 @ 11:01 PM #
diba may balita na mag o-open dito ang Ikea kaya lang baka pang mall pricing din yung furnitures nila...
-
MrBungle
on
02 Nov 16 @ 11:52 PM #
^ Nabalitaan ko rin yun pero walang confirmation ang Ikea.
-
techieguy28
on
03 Nov 16 @ 07:44 AM #
@mrbungle
May isa pang importer ng ikea, mobler ang name ng store, sa may bandang palanan makati. Search mo din sa fb.
Try mo baka may bekant sila.
-
Alpha_13
on
03 Nov 16 @ 08:32 AM #
^ Nabalitaan ko rin yun pero walang confirmation ang Ikea.
Well Hi!
Office namin (Archi Firm) magdedesign ng shop ng IKEA. It will be integrated sa malaking mall expansion ng Ro******* sa San Fernando Pampangga. It will be a 3 ha warehouse type store. malaki talaga.
Kaya walang confirmation.. It is CONFIDENTIAL status project pa, internally sa office. tapos sinasabi ko no. lol.
anyway i wont mention my office and my real name is not this obviously
actually, pinag aagawan pa siya ng Ayala at SM pero kay R na most likely mapupunta. hehe
-- edited by Alpha_13 on Nov 03 2016, 08:33 AM
-
MrBungle
on
03 Nov 16 @ 09:00 AM #
@Alpha_13
That is certainly good news pero medyo malayo. Ayos lang, malapit ata yan sa NLEX.
Kung ganun, pag-tiyagaan ko na muna itong Liftime folding table ko na nabili ko sa S&R for the next couple of years until mag bukas ang IKEA Philippines. haha
@techieguy28
Nakapunta na ako sa Mobler dati. Order basis daw. Medyo malaki patong nila.
-
Laserion
on
03 Nov 16 @ 01:42 PM #
yun din iba kinababahala ng mga kakilala kong mga toy collector and pc enthusiasts... baka maging pang mall ang mga pricing ng display cabs nila at office and furnitures... baka maging triple ang price...
...pero sana hindi malayo sa pricing ng IKEA...
-
Veridis [TS]
on
03 Nov 16 @ 09:45 PM #
Hahaha! Ang benta lang no'ng nagbigay ng info sa gagawing Ikea. Salamat sa information! Grabe lang naman sa layo, taga-South ako tapos dadayuhin pa 'yang Pampanga para lang makabili ng madaling masira na table 'no? Hehe. Pero pweds na rin siguro 'yong Bekant if magkaro'n ng pera or mas mura kaysa binebenta ngayon sa FB... :))
Baka magpagawa na lang muna ako ngayon ng custom na table. Kinuha ko 'yong mga dimension ng Linnmon Table pati Alex Drawer Unit. Sana magaling 'yong mapagpapagawan ko, atsaka sana matuloy! Post ko rito kung sakaling magkaro'n ng bunga 'yong mga pinaplano ko sa buhay. Haha! Atsaka, sana mas malapit sa Manila 'yong maging Ikea para makadagdag sa traffic 'no? Parte na ng sistema ng katawan natin 'yong traffic, e. Hehe joke!
Salamat sa mga nagpopost ng mga input nila rito. Sobrang appreciated mga tsong!
-
Laserion
on
03 Nov 16 @ 10:45 PM #
kung sakali magpapagawa ng custom table pwede mo narin isama sa design ang cable management kung gusto mo naka hidden...
credits to the original poster (pics taken from internet)
-
vinzes
on
03 Nov 16 @ 11:50 PM #
Kung gusto nyo matibay at foldable, go for Lifetime brand. Nabibili sya S&R at ACE Hardware :)
-
redwing0001
on
04 Nov 16 @ 12:07 AM #
I have two tables.... one for the monitor/kb/mouse and the other for my 3 very big and heavy desktops..... pero ordinary 70 inch x 40 inch folding leg table lang siya na kahoy ang table mismo.... nakuha ko as sale item sa shopwise.... bigat at made in Thailand pa!....
yung sa monitor ko baka palitan ko ng mas matibay at lumulundo, e.... ito yung folding na picnic table.... akala ko kaya 22 inch monitor di pala.
-
immortalkings
on
11 Nov 16 @ 01:56 PM #
yung ikea MELLTORP ba kasya na yung 1 utrawide + CPU sa side? hirap na kasi ako sa table ko dahil sa sobrang lapit ng monitor sa keyboard and distance ko sa screen :(
-
MrBungle
on
19 Mar 17 @ 09:59 PM #
Confirmed na daw ng Swedish ambassador to the Philippines yung IKEA opening dito.
Anyway sana ipasok nila yung FREDDE computer workstation table. Kumpleto with anti-glare side panels, cup holders at shelves for speakers.
-
bakitakonabanned
on
19 Mar 17 @ 10:37 PM #
sana may mag try nung sa rakk na table
-
damooves021
on
19 Mar 17 @ 11:12 PM #
^may nakapagtry na ata nun eh. Sa show me your rig thread ata yun nagpost.
-
tongerks
on
25 Jul 18 @ 09:25 PM #
tulong ko lang sa mga naghahanap ng ikea alex linnmon table with drawer meron gumagawa ng ikea inspired sa marikina :)
the woodpecker manila
customize sila :)
-
axelangel007
on
24 Sep 20 @ 07:55 PM #
computer table,pagawa kayu ng table,3700
Rico Unop
''
price is 3700
location
Sisa Sampaloc, Manila.
<click here for link>