Forum Topic

Installing Windows 10 error

  • Pa help naman po mga boss, kakabili ko lang ng bagong pc sa gilmore, by parts. All brand new. Pero laging nag e-error pag nag iinstall ako ng OS.

    Error 0x80070057 : Windows couldn't format a partition
    Error 0x8007025D: Windows cannot install required files

    Una, yung unang error nag unang lumilitaw, nag try na ako ng mga bootable software para maayos, nabasa ko rin yun magpalit ng sata cable yun pumasok nakalagpas. Pero after nun ang lagi ko namang na eencounter na error yung pangalawa, hash check, using the ISO from media creation tool from microsoft site mismo. Triny ko na rin po gamitin yung harddrive sa PC ng kaibigan ko kung makakapag install ng OS gamit yung rig niya pero wala pa rin. Ubuntu, Windows 8 at Windows 10 na triny ko pong iinstall wala po talaga, ang hindi ko na lang tinatry is installing without the video card. Bad hdd po kaya yung naibigay sakin? 2 days pa lang sakin to, Ipa warranty ko na po ba ? Ang problema ko lang walang box na kasama nung binigay sakin yung hdd, binili ko po sa P**ub E*ge. Tanggapin kaya? Although matatandaan naman siguro ako pag pumunta agad ako.

    PC specs for additional info:
    i3 6100
    asrock b150m pro 4 hyper
    Avexir core 2x4Gb 2400 Mhz
    1Tb Seagate
    Seasonic M12II 620 watts
  • up! hindi na ako marunong maginstall since nagimplement ng UEFI haha..
  • Update para na rin makatulong sa iba kung sakali. Dinala ko na lang sa store yung hdd tapos ayun pinalitan agad, ang labas may defect pala yung hdd kaya ganun.

    @froztburn
    madali lang, bootable usb lang gamit rufus or cmd command tapos okay na, parang dati lang din
  • Error 0x80070057 : Windows couldn't format a partition
    Error 0x8007025D: Windows cannot install required files


    basta ganyang error, unang suspect mo agad yung HDD since bago ito.... kung 2nd hand, iba ang problem niyan.
  • @redwing0001
    oo boss hdd talaga yung panira pag ganyan pala, magandang ipa replacement agad pag bagong bili or ibalik pag 2nd hand
  • http://www.infoworld.com/article/2989972/microsoft-windows/windows-10-installation-problems-and-what-to-do-about-them.html
  • Add ko lang mga sir

    Na exp ko po ito Error 0x8007025D
    Habang nag install din ng Win 10.

    Confirm po BAD ram ang nag cause sa akin