Forum Topic

PS3/Xbox360 Rental Business 2017, papatok kaya?

  • Hi Guys! ask lng ako ng opinion and suggestions nyo.
    (for mature people only. bawal bata or batang isip)

    I'm planning to set up a gaming rental. Iniisip ko kung alin ba mas-ok: PS3, Xbox 360 or PC? 2nd hand units prefer ko. Papatok pa kaya ito kung itatabi sa sangkatutak na computer shops na laging puno? Pls need your opinion.

    TECH KNOWLEDGE:
    PS3 - maspamilyar ako kc ayun meron ako, pamilyar sa games, sa jailbreak at sa inject games, at sa possible defects at YLOD, at sa gaming accessories
    Xbox 360 - no other idea, other than sa may games na meron sa PS3 meron dn sa Xbox. Di gano pamilyar sa Jtag, etc.
    PC - I know to operate pero alam ko n sangkatutak ang pwd maging problema lalo na't wla kong alam sa pagging Computer Technician/Mechanic unlike sa gaming consoles.

    GAMING ASPECT:
    PS3
    - madaming PS3 exclusive games n tlgang mgaganda like TLOU, Uncharted and God of War. Pwd dn ako magpa-inject games ng mga favorite sa shop like NBA 2k16/17, FIFA, GTA V, Tekken Tag 2, CoD Black Ops III. While CD na lng yung iba like Assassin's Creed, RPG games, FPS games, kc need magiwan ng malaking free space para sa Save Data File ng mga maglalaro. Pwd nmn daw makapag-online sa inject games db kht di jailbreak? or hnd 100% chance safe?
    Xbox 360 - madami din games pero mas-marami sa PS3 (i think?). Pwd din Jailbreak or Jtag n tntwag nila then CD dn yun iba. Pero hnd daw makakapag-online (nabasa ko lng). or pwd na ngayun?
    PC - pinakamaraming gamers at dominant sa gaming rental industry. Dahil sa LoL at Dota2. Pwd dn nmn maginstall ng mga console games, bili lng ng installer sa bangketa or copy sa high memory USB. Pero baka d kaya ng sobrang gagandang graphics like GTA V. Kc d nmn high class kung sakaling PC kukunin ko. Also, aside sa gaming, pwd ka mag-internet, youtube, porn? (BAWAL), gawa ng assignment sa MicroSoft tools.

    INVESTMENT AT INCOME: (150k budget ko)
    PS3 - prefer ko 20/hr renta. bibili ako ng 7 SuperSlim 500GBunits (yung bundle na worth 6k-7k) may ksma nang 2 controller at some games (inject or CD) so 42k, Bili pa ko 7pcs 24" Ace LED HD TV (brand new) kc ito gamit ko at tiwala na worth 4k isa, so +28k = 70,000 na. UPS pa na 7pcs para iwas sira sa brown-out (1.6k cheapest sa Lazada), so +11.2k = 81.2k na. Plus 1 PC n gagamitin ko sa business works and auditing +9k = 90.2k na. Space Rent 10k monthly budget, so bka 2months advance 2month deposit, +40k = 130.2k na. or kung 1month advance 1 month deposit lang = 110.2k lng. So natitirang 39.8k ko pagkasyahin ko sa renovation (isang haba na plywood table at plastic chairs), window type na aircon na 10k, internet installation at business permits. INCOME: 16hrs daily operation, assuming na 12hrs ma-occupy kada unit. So 20x7x12 = P1,680 per day (hnd pa less expenses). So x30 days, approx. 45-50.4k monthly (hnd pa less expenses).
    Xbox360- same lang sa plan ko sa PS3 20/hr din.
    PC - delikado kung 2nd hand kukunin ko. Bka sangkatutak maging sira kpg na kalagitnaan ng operation na. 9k cheapest brand new PC sa Gilmore. Di pa yun high class. So less na ang UPS, renovation, business permits, rent advance&deposit, internet installation (80-90k agad, rent advcane pnkamalaki) baka 5-6 PC lng mabili ko ksma na server. Eh ang PC rent naglalaro sa 15/hr, 25/2hrs, 12/hr, 10/hr. Lets say 25/2hrs ako. INCOME: 25x6(12hrs divided sa 2)x5 = 750 lng daily, 22,500 lng monthly (di pa bawas expenses, sa renta p lng wla na).

    LOCATION:
    may prospect na ko at alternative locations, malapit sa public university n npkaraming students, sangkatutak ang computer shop n laging puno pagsapit ng 3pm onwards. Presyuhan nila 15/hr, 25/2hrs, 12/hr, 10/hr. May 10/hr pero sobrang ayos maglaro ng League of Legends. May shop na kasing ganda ng Mineski Infinity pero 12/hr lng maningil.
    Pero wala ni isang PS3/Xbox360 or PS4/XboxOne na shop kaya console naiisip ko.

    Please advise mga ka-gamers at ka-negosyo. Open mind ko sa opinions at suggestions nyo. Salamat!
  • hello guys =)
  • ^up
  • anyone still running their PS3/Xbox360 business today?
  • Kung kaya ng budget, try mo kaya paghaluin like 6 na pc units at 6 na consoles para kakaiba. Practice na to way back nung nagsisimula mauso ang pc/ps1 rental business (late 90's). Obviously malaki ang hatak ng pc users lalo na sa gaming sa panahon ngayon. Di pa kasama dyan yung mga magpapa-print/scan.

    Sa pc syempre isalpak mo yung mga uso ngayon tulad ng dota. Sa consoles naman, lagay ka ng mga multiplayer games.

    Pero check mo muna pala sa city hall nyo about city ordinances sa mga business na ganito lalo na pag malapit sa mga school. Baka kasi legit ang mga pc rental pero console gaming eh hindi pala.

    Idea ko lang naman.
  • @grayfox17

    oo nga sir eh, laking gulat ko nung tawagan ko yun may-ari ng space. Sabi nya bawal dw ganun, video games. Sa malapit sa PUP, Sta. Mesa, Manila ko balak. Dun ako nagtapos kaya alam ko pwd ka magDotA/LoL o kung anu mang PC games kahit within normal school hours, kasi ganun kami ng mga tropa ko dati. Naisip ko may alibi yun mga computer shop na nagreresearch students kya napasok sa shop (pero games lht ng nsa monitor).

    Pero may alam ako sa University Belt sa Maynila na ganito. Console Gaming at kung anu-anu pang for entertainment. Rockband NetCafe name nya. Harap mismo ng UST. Apat n nga branch nila at malalapit pa s school.
  • ok kaya kung maglalagay dn ako ng PS1 at PS2? Para sa mga nostalgic gamers
  • Binalak ko na kasi dito yan sa manila noon pero dahil alanganin ang pwesto namin hindi ko na tinuloy. Sayang pa naman kasi bukod sa mga student, dami pa namang seaman dito.

    Ang pagkakaalala ko kasi may specific distance from the school na dapat sundin from the place of your establishment tapos yung di ka dapat magpapasok ng mga naka uniform during school hours, mga ganun ba.

    Ewan ko lang pagdating sa mga college schools pero pag mga elementary at highschool ang malapit sa vicinity ng business mo ang medyo mahigpit kaya dapat i-clarify mo muna sa city hall. Mahirap kasi pag nag open ka na tapos nag reklamo yung principal ng school sa city hall madadale ka pa ngayon.

    Way back 2001 nung highschool pa ko nagsimula na ipatupad dito sa manila yung ganyang restriction, pano pa kaya ngayon? Puro elementary school pa naman ang malalapit dito sa min kaya nga yung mga computer shop sa area namin medyo nasa malalayo pang kanto mula sa school mismo.
  • @grayfox17

    salamat ng marami sir sa advice. No hope for my desired location.
    Na-contact ko yung Brgy. Hall na sumasakop sa location "bawal po video games dito" sabi ng sumagot. Well, I guess I have to find alternative locations. Hirap kasi categorized as Video Game Rentals ang gusto kong business, iba sa Internet Cafe. While same lng nmn sila na gaming pinagkakakitaan.

    The local government are kind'a dumb in seeing student gamers on what they so called "internet cafe" various gaming hub.