Forum Topic

Proper AIO Radiator positioning in CPU case

  • gumawa na lang ako bago thread para hindi na ooff topic sa ibang forums at para maka tulong sa mga nagbabalak mag AIO watercooling at para mapahaba ang lifespan ng kanilang AIO

    my problem started when my pump died on my nzxt kraken x62. after a couple of reading ang pointers from other members here, i realized na kaya mabilis nasira ang pump ko (4 months use and no leak whatsoever) e dahil naka front mounted ako at nasa itaas ang tube ko pna papunta sa radiator. yun pala mas maganda na top mounted ang radiator para hindi nawawalan ng water yung pump, at kung sakali man gagawin na front mounted, dapat ang hose na papunta sa radiator e dapat nasa ilalim at hindi sa ibabaw para nde mawawalan ng water ang pump in the long run.

    as of now, i have bought a new case just so i can have a top mounted radiator setup. i know it can be over acting but based on my experience and trauma, having an expensive AIO and failing in just 4 months is leaving be clueless and phobia that it may happen again to me and not having a spare cooler to finish my task

    feel free to add your thoughts, all suggestions are welcome may it be assertive of contradictive to what i am saying just so we can have a better understanding on how this works

    i made a diagram to simply illustrate the concept of what i am talking about.




    -- edited by o00adonis00o on Jun 29 2017, 04:45 PM
  • Hello sir nasira din yung X62 ko a few days ago. Pareho tayo ng positioning ng cooler natin, baka nga yun ang cause ng pagkasira niya. Last Feb. 14 ko lng nabili yun e. Ang problema dito ay yung case ko is NZXT S340 so hindi talaga pwede na ilagay sa top yung cooler. Napa RMA ko na yung cooler ko sa shop na pinagbilhan ko.




    -- edited by AhohoBalaTimoJan on Jun 29 2017, 04:48 PM
  • ^ oo hindi kasya yan, kaya ako nagpalit ako ng case from inwin509 to phanteks enthoo pro TG, para ang radiator sa itaas na naka posisyon at hindi na agad agad masisira pa uli

    3 weeks hihintayin mo sa RMA niyang x62




    -- edited by o00adonis00o on Jun 29 2017, 04:46 PM
  • Magkano ang ganyan na case sir? Wala pa yata akong budget para bumili ng bagong case e. Ok lang ba na gayahin ko yung sa picture mo na baliktarin ko na lang at sa bottom siya?

    Ask ko na rin po pala paano kayo nakakapag upload ng photo dito. Baguhan lang kasi ako dito e. Thanks.
  • ^ nasa +- 10k ang bili ko dito sa case ko

    kung babaliktarin mo at sa ibaba mo ang tube baka hindi aabot ang length ng tube at tatama sa videocard, maliban na kang kung maiksi lang ang card mo gaya ng gtx1050ti

    mag uupload ka ng pics dito <click here for link> tapos copy mo yung direct link at ikulong mo sa[img][/img]

    edit: base sa picture mo mukhang kakasya naman pag binaliktad mo radiator kasi maliit lang pala video card mo

    -- edited by o00adonis00o on Jun 29 2017, 04:52 PM
  • Salamat sa help sir nakuha ko na rin. Ask ko na rin po pala kung saan ka po nag pa RMA , sa shop din ba kung saan ka bumili or direct na sa NZXT? Diba 6 years warranty yung X62 so after nyo po ba na receive yung rma'd X62, 6 years pa rin status nya or bumababa sya tuwing nag papa rma ka?
  • ^ sa dynaquest ako nagpa RMA kung saan ko nabili yung cooler ko, actually 3 weks na ay hindi pa din dumadating yung replacement ko from nzxt kaya ang ginawa ng dynaquest e inabonohan muna nila yung pampalit, sila na maghihintay nung unit na ibibigay ni nzxt at binigay na lang nila sakin yung stock nila sa store. regarding warranty duration, i have no idea...
  • mas maka bubuting ilagay mo sa harap ang radiator kung aftermarket ang graphics card mo.
    regarding sa diagram. I have no idea it matters
  • pafs pano kaya pag naka inwin 303?




    safe kaya yung AIO ko?
    ano po pala yung RMA??
  • ^ base sa picture mo e nasa taas naman ang radiator kaya safe na safe yan, ang RMA ay return to manufacturer ata, pag may defect ang product at nasa warranty pa e papalitan ng shop ng bago




  • Another forum which says hose at bottom is better
    <click here for link>

    -- edited by o00adonis00o on Jul 04 2017, 08:00 PM
  • Post deleted #11973900
  • @o00adonis00o [TS]

    Thanks sa info sir!
  • nagtataka lang ako bakit sa combo pa ng x52/x62 plus s340/s340 elite naging problematic yung aio nila samantalang yun ang orientation nila even sa box. hindi ba dapat nagkaroon sila ng global recall dahil sa design flaw na ganito? nakaka frustrate lang tsk
  • and sa fans ng mga rads, ms ok daw ng pull config...dko pa natry...push/pull(sandwich) lng ntry ko
  • Having the same dilemma with the rad hose positioning inside my In Win 301. I got the ID cooling Auraflow 240 and the only placement I can put it in is at a front mount position. Sadly, I can only orient the hose facing up since if the hose is placed at the bottom I cannot place my graphics card properly without having to distort the hose in the most peculiar position. I just hope This liquid cooler lasts longer.
  • Bakit parang mga nzxt kraken x52 at x62 ang lagging nag kakaproblem sa ganyang orientation?
  • kaya nga para iwas problema, habang bago pa lang ang setup e itama na ang posisyon ng radiator
  • kaya nga para iwas problema, habang bago pa lang ang setup e itama na ang posisyon ng radiator



    So possible ba e reverse ang position ng pump or hose pag s340 elite ang case mo. mukha kasing di aabot. sabihin nating ang gpu is strix na 1060.
  • ^ kung ilalagay mo ang radiator sa harap at magagawa mong iposisyon ang tubo sa ibaba imbes sa taas e mas maganda, wala ako idea sa laki ng s340 case kaya mahirap masagot kung pupuwede ang nais mo o nde, mas maganda actual testing kasi dun lang malaman if kasya at nde tatama sa video card, sakin kasi nde talaga kasya kaya napilitan ako magpalit ng case and tinarget ko yung case na may malaking allowance for top mounted radiator
  • @o00adonis00o [TS]


    ok naman cguro ang NZXT Noctis 450 noh? nakita ko kasi pwede ring e topmount ang aio cooler. any feedback po.
  • ^ mukhang ok naman, maporma din, ayon sa psecs kasya naman 2x140mm radiator on top which is a spec of x62, basa basa ka lang muna reviews sa net if walang problem sa ram clearances, yun kasi ang sinugal ko nung binili ko case ko eh nakipagsapalaran ako na nde tatama yung radiator sa ram, ang sakto nga 2-3mm lang ang difference at sapol na ang ram. update ka lang dito kung ano ang mabili mo.
  • thank you sa tip boss.. will look into that.
  • Bakit naman magkakaroon ng air sa loob ng AIO? Alam ko puro liquid lang sa loob ng loop ng AIO at kung meron man air/bubbles ibig sabihin lang nyan may problema lng talaga AIO mo since from the start.

    Sa mismong site ng NZXT na nangaling kung ano ang tamang orientation ng front mounted AIO cooler
    <click here for link>



    -- edited by garie234 on Oct 23 2019, 12:10 AM

    -- edited by garie234 on Oct 23 2019, 12:11 AM

    -- edited by garie234 on Oct 23 2019, 12:12 AM
  • kahit ano orientation Pwede yan.
  • Bakit naman magkakaroon ng air sa loob ng AIO?

    Kapag masyado mainit ang temps ng coolant (60C and up) may evaporation nangyayari at nag permeate yan through the tubing. Maliit lang na amount baka less than a drop, pero over the years nag form siya ng air bubbles. Also hindi punong puno ng coolant ang AIO at may konting air sa loob yan as allowance for coolant expansion. Kung 100% puno yan, once nag expand ang coolant mo dahil sa high temps pwede mag leak dahil sa pressure.

    Sa mismong site ng NZXT na nangaling kung ano ang tamang orientation ng front mounted AIO cooler

    Best rule of thumb sa watercooling loops is keep the pump wet always, in other words palagi siya submerged sa coolant. So ang reservoir mo dapat mas mataas ang position kesa pump. This also helps air bubbles rise away from the pump at maipon siya sa highest portion ng loop.

    Kasi once mag run yan ng dry, possible magkaroon ng friction sa pump bearing or air bubbles sa pump at masira siya kaagad. Malalaman mo naman kung ang pump mo may air bubbles kung maingay na parang may buzzing sound (tunog aquarium pump).

    Problem kasi with a front mounted AIO radiator, may chance na magkaroon ng air bubbles trapped sa pump kasi ang coolant reservoir ng AIO is the radiator itself. So placing the pump at a higher location than the radiator means yung air bubbles will rise to the highest part ng loop which is the pump itself.

    Now to be fair, limited naman din ang lifespan ng AIO watercooler and will not last for more than 4 years without performance degradation / corrosion / or some kind of failure anyway. So whether mount mo siya sa front panel or top panel sooner or later bibigay din yan. Pero I suggest mounting it sa top panel para kahit papaano medyo maiwas din ang air bubbles sa pump problem.
  • mga sir ask ko lang nag karoon kasi ng ingay yung aio ko nag search kase ako po sabe baka daw air bubbles . delikado po ba yon? or paano po ma tangal yon? im using id cooling zoomflow 360 po thank you po




  • -- edited by ViperXtreme on Oct 20 2020, 09:02 AM