Forum Topic

The PC Gamers Official Thread

  • hehe, panahon ng mga net cafes :D

    Miss ko tuloy yung pwesto namin dati :)
  • mga sir,

    ano po maganda na controller for pc gaming?, mostly for single player campaign games, like tomb raider, gta v, nba 2k21, etc.
  • Diablo II
    one of the first PC games na kinaadikan ko nung natuto ako sa PC gaming. hahaha! 2002 if i'm not mistaken, basta highschool days. nakikilaro ako sa PC ng kaibigan ko kada lunch break or pag walang pasok (kunwari may pasok pero wala pala). pero di ko natapos yung story nia nung HS days ko. nung mga 2008 ko ata natapos yung story nian, nung nakabili ako ng very first PC ko.
    nakalimutan ko na mga ginawa ko dati. pero nung natapos ko yung story, uulitin yung game eh. hardcore mode ata yun.
  • ano po maganda na controller for pc gaming?, mostly for single player campaign games, like tomb raider, gta v, nba 2k21, etc.


    xbox360 yung orig
  • Diablo II
    one of the first PC games na kinaadikan ko nung natuto ako sa PC gaming. hahaha! 2002 if i'm not mistaken, basta highschool days. nakikilaro ako sa PC ng kaibigan ko kada lunch break or pag walang pasok (kunwari may pasok pero wala pala). pero di ko natapos yung story nia nung HS days ko. nung mga 2008 ko ata natapos yung story nian, nung nakabili ako ng very first PC ko.
    nakalimutan ko na mga ginawa ko dati. pero nung natapos ko yung story, uulitin yung game eh. hardcore mode ata yun.

    Makakabalik ka sa iyong kabataan, with improved visuals and audio! <click here for link>(D2 Resurrected)
  • @Bangbros

    copy sir, salamat!


  • -- edited by Zanarkand on Feb 20 2021, 11:28 PM
  • ahaha
  • Predicted Diablo 4 specifications:

    <click here for link>

    Min:
    CPU: Intel Core i3-560 3.3GHz / AMD Phenom II X4 805
    RAM: 4 GB
    HDD: 60 GB of storage space
    GPU: NVIDIA GeForce GTX 1050 Ti 4GB / AMD Radeon R9 380X
    OS: 64-bit Windows 7, Windows 8, Windows 10


    Reco:
    CPU: Intel Core i5-9500 3.0GHz / AMD Ryzen 5 2500X 3.6GHz
    RAM: 8 GB
    HDD: 60 GB of storage space
    GPU: NVIDIA GeForce GTX 1070 / AMD Radeon RX Vega 56 8GB or
    OS: 64-bit Windows 7, Windows 8, Windows 10
    DirectX: Version 11
    Screen Resolution: 1080p
  • Share lang sa mga nagbabalak bumili ng Sony Dual Sense para sa PC gaming.


    <click here for link>
  • Guys sale yung World War Z sa Epic...pag nagustuhan nyo Left 4 dead 2, magustuhan nyo din un.
  • Hindi na blizzard in house yung gumagawa nung Diablo 2 Resurrected. Vicarious Visions (Crash Bandicoot Remake, Tony hawk Remake) na may hawak so parang in better hands ang pag gawa ng "remaster" or remake niya.

    Kinda ironic na ganyan na nangyari sa Blizzard. Pumanget talaga management. No pre-orders guys. Let's see the game reviews first before you buy.
  • ^kaya pati Overwatch napabayaan na din, isang taon nang walang updates. Puro pa-asa lang ginawa nila sa Blizzcon, wala naman substantial info na binigay.

    Di ako magugulat kung maging "free-to-play" na lang yun pag lumabas na Overwatch 2...
  • stopped playing overwatch around the time ashe was introduced so no idea narin ako sa state of the game. Wala na pala update after ni echo? nag focus siguro sila sa overwatch 2.

    Also watched the discussions sa blizzcon nung overwatch 2. Parang pinipiga nila magsabi ng magandang bagay about the game they're developing. Just browsing the whole clip, pero ang nag stand out yung sound improvements daw nung game. Pero wala ako nakuha about sa significant changes from the first one.

    -- edited by blue_apple_pencil on Feb 22 2021, 10:02 PM
  • ^onga e, I mean some people siguro will get excited about their new "sound tech" pero geez, hindi naman yun ganun ka importante sa game play. Wala na ba silang ibang pwedeng i-bida...
  • Hindi na blizzard in house yung gumagawa nung Diablo 2 Resurrected. Vicarious Visions (Crash Bandicoot Remake, Tony hawk Remake) na may hawak so parang in better hands ang pag gawa ng "remaster" or remake niya.

    Kinda ironic na ganyan na nangyari sa Blizzard. Pumanget talaga management. No pre-orders guys. Let's see the game reviews first before you buy.

    In-house yung Starcraft Remastered and Warcraft 3 Reforged by the Classic Games Team. Ok lang yung SC Remastered kaso disaster yung WC3 Reforged kaya na dissolve sila. Vicarious Visions pumalit, galing Activision pero makes sense dahil sa Activision-Blizzard merger. Mukhang maganda naman track record. According to Diabofans promising yung D2 Resurrected project nila: "The goal was to stay true to what Diablo II was, without adding anything that did not belong. Any changes or additions came with great deliberation." Fair din yung $39.99 price tag imo. Sana $29.99 hehe pero I can't really complain kung maganda yung game.

    <click here for link>
  • I bought MHW, no iceborne, last 2 years ago pa, kanina ko lang ulit nag try laruin, hindi ko magets objective parang ang dami or talga mahina lang ako sa ganitong game
  • ^Grind to win yan mein as well as mastering movesets nun monsters and weapons na gamitin mo. Kelangan mo seryosohin builds after matapos yun base game. Pag naoptimize mo builds, augments ng weapons na gusto mas mahirap ka na patayin at mas madali ka hunt ng monsters na gusto mo.
  • yep sobrang grindy ng mhw..

    days gone sa pc na rin !!!
    <click here for link>

    -- edited by breadcrumbs11 on Feb 24 2021, 10:55 AM
  • parang Blizzard just stopped innovating..era na ng mobile gaming and MOBA type games pero hindi na sila nakasabay..sad to say pero ung strategy type and mmorpg type of games like diablo and starcraft eh unti unti ng namamatay..i bet yung D4 baka saglit lang din ang lifespan nyan.. pero few people knew na galing talaga sa blizzard yang concept ng dota 2,,Heroes Of the Storm was good sana pero they just stopped innovating kaya kumonti players.maganda sana siya kase bakbakan agad parang ung early days lang ng ML
  • pero few people knew na galing talaga sa blizzard yang concept ng dota 2


    Naalala ko nung nagsimulang mauso to dati, custom map lang to na madaming tumangkilik. Parang nabasa ko din somewhere online na nanghinayang si blizzard kasi hindi nila kinopyright ng maaga, sana napagkakitaan nila ng husto. Later on naglagay na yata ng disclaimer si blizzard na lahat ng map creations sa games nila automatic na magiging property nila. Again nabasa ko lang to so hindi ko confirmed kung tinotoo nga nila.

    yep sobrang grindy ng mhw..

    Magaan pa nga yan, mas grindy yung mga naunang monster hunter.

    days gone sa pc na rin !!!

    Unti-unti na dumadami ang mga pc port ng mga sony exclusives. Laking bagay din talaga maging patient gamer. Mahirap mag day1 buy, kelangan pakiramdaman muna ang reaction ng mga naunang buyers para hindi manghinayang ng bili.
  • COD Black Ops Cold War $40 yung standard edition. Mahal pa din pero mukang yan na ang magiging lowest price ever ng game na yan

    https://us.shop.battle.net/en-us/product/call-of-duty-black-ops-cold-war

    -- edited by macgraydee on Feb 25 2021, 08:49 AM
  • Mahirap mag day1 buy, kelangan pakiramdaman muna ang reaction ng mga naunang buyers para hindi manghinayang ng bili.


    Sana nga matuto na mga tao from what happened with CP 2077... pero I doubt it, buti na lang talaga pwede mag refund
  • Kelan eksakto Days Gone sa PC? Di ko makita sa Google release date, alam ko lang this year.
  • ni add ko na sa wish list ng steam ung Days Gone :D walang nakalagay na release date eh..nakalagay lang spring 2021
  • dami nag aantay na malipat ang bloodborne sa pc. Buti na lang din hindi masyado kataasan reco req ng days gone.
  • Post deleted #12362760
  • Lagi po ba nag sale yung Witcher 3 sa Epic Games ng 350 pesos? Or ngayon lang to nangyari? Sorry. Newbie lang and thinking if need ko na ba mag panic buy kasi hanggang mamaya nalang yung sale.
  • ^
    install ka nalang ng gog client pinamimigay lang yan dun ng libre
  • @Gaming_Peasant

    Yan ba yung dapat meron ka na nung game from console? Wala kasi akong console boss. Or yan ba yung Enhanced Edition? Gusto ko sana ma try yung game na hindi modded.