Nice! Ito na kasi yung sakto sa budget. Sayang yung Crucial P5 na spare ko, 1TB lang naman kaso bagsak sa requirement ni PS5 and wala pa heatsink kaya di ko din magamit. Hehe.
Guys any recommendation ng controller? Bibili ako ng bago since grabe na yung pagdrift ng current controller na gamit ko. Iniisip ko kung dualsense pa rin ba pero parang sakit yata ng talaga ng ds ang pagdrift so i’m considering yung ds edge. Kumusta naman sa mga gumagamit?
^ naka wiper type potentiometer yung edge (same as regular dualsense) so prone to drifting rin yon kung heavy user. Palitan mo nalang yung potentiometers ng dualsense mo. Mura pang sa Shoppee and Lazada. Kung hindi ka marunong mag solder, pagawa mo sa technician.
^^
Ang gusto ko kasi sa edge kung magkaroon ng problema sa stick module pwede palitan. Baka yun na lang bilhin ko then paayos ko na rin lang tong controller.
^ Yes madali palitan in case mag drift. Problem lang kasi for me is yung price. Makakabili ka ng 3 regular dualsense for the price of a dualsense edge. Tapos each stick module nasa 1,2k rin. So kung papalitan mo 2 stick modules, nasa 2,4k na yon. Konti nalang, isang buong dualsense na (based on 3,490 price tuwing may sale). Ok naman if you think it’s worth it, for me lang parang hindi sulit
Yung hori and orig dualsense charger, mga pinapatong lang ba yung controller dun? or may adaptor din tulad nung sa dobe na kinakabit sa usb c port para mag charge?