Forum Topic

Laser Eye Surgery (LASIK)

  • Hi All,

    Mukhang nadelete yung old thread about this topic.

    Last December, nakapag LASIK nako sa Shinigawa, and so far so good, 20/12 ang vision ko.

    Minsan may dryness ng eyes, pero buti na lang may pampatak lagi ako bitbit, isa sa bag, isa sa office at isa sa bahay (nasa ref, para may cooling effect hehe)
  • ^magkano pa lasik? 600/500 grado ko..
  • @March21

    saan o anong lugar ka nagpa lasik at ano dati ang grado mo?
  • ^That time nung nagpa Lasik po ako nakapromo si Shinigawa (Makati/Ortigas)

    sa Ortigas po ako naoperahan.

    grado kopo is 400/375 with astigmatism na.

    total na binayan ko lang is 60k, bali SM advantage card promo po iyon that xmas season. Today alam ko 68k ang flat rate promo.

    Ang tip dyan, pwede pala din makipagnegotiate sa matatapat sayo na clinic assistant, parang ahente ba, bibigyan ka pala ng discount if wala sila promo na mababa, me nakasabay kasi ako nasa 55k lang sa kanya, sayang din yung 5k haha!
  • @booker

    may mas mataas pa po grade sayo, pero depende sa kapal ng cornea kasi dun sila magke-create ng flap. hehe. para makita yan at maassess, magpapacheckup ka sa kanila, kasama sa package na iyon if qualified ka, if di ka qualified, you have to pay 3K for that fee. Dadaan ka sa series ng checkup, which is walang sakit or anything, yun lang palalabuin yung mata mo to see your true grade, me konting itchyness lang.

    The operation itself, basta masunurin ka sa doctor if san ka pinapatingin, aabot lang ng less than 15mins both eyes. At painless sya talaga :)
  • ^magkano yung operation itself? at gaano katagal recovery bago wala ng restrictions sa mga daily activities? thanks again
  • salamat sa info bro. 200/300 grado ko

    tumatanggap ba sila ng HMO at may effect pa rin ba yung promo nila kahit may HMO ka na? at pwede ba pagsamahin yung dalawa?

    paano pala pag bigla kang napatingin sa magandang assistant ni dok? hehe :)
  • gaano katagal ang 20/20 vision after lasik? babalik pa ba sa dati mo grado?
  • @booker

    sa akin po that time, 60k all-in na kasama na yun initial eyecheckup. yung mga susunod na checkup which is 1 week, 1 month, 3 months, 6 months, 1 year, so on. libre na po yun para mamonitor mo ang grado ng mata.

    @fooo

    magundergo ka po first talaga mandatory yung checkup sa mata, if eligible at pwede ka magpa LASIK, ang di lang po talaga nakakapagundergo ng LASIK ay yun manipis yun cornea kadalasan. 1 promo at a time lang po, example, if discounted 50% off kana using HMO card like Intellicare etc, di na po makakadiscount sa existing promo nila like yung past na BDO Advantage/SM or yung 68k promo, mainam bro, pili alin mas mura sa 2 hehe, one at a time lang talaga.
    Jackpot nga bro, magaganda mga assistant dun at mga receptionist helpdesk hahaha! kita ko agad sila.


    @slyfox

    sir maniwala ka or hindi tancha ko po pagka laser ng left eye ko ang linaw agad kita ko agad yun machine at buong kwarto, plus painless talaga.

    kinabukasan after ng operation, need bumalik agad to check. pagsalang ko nabasa ko agad yun 2nd to the last na pinakamaliit na letter lines, na equals to 20/12 vision, pag nabasa yun last line, 20/10 vision, ang 20/20 vision ang target, bonus na lang na mas malinaw pa sa 20/20 yun vision after lasik hehe :)

    -- edited by March21 on Feb 22 2018, 01:03 PM
  • @booker

    regarding po sa activities, bawal ka muna mag swimming ng up to 3months, para talaga di umangat yung corneal flaps, at magheal sya talaga, if naggym ka, pwede naman, bawal lang ang contact sports muna for half a year sabi nila, like basketball, baseball, rugby, volleyball, lalo boxing etc hehe.

    @slyfox

    sabi ng doctor pagtanda/age at detorioration nalang ng eyes ang paglabo. pero matagal mo naman maeenjoy na wala ka salamin. ang hirap pag umaambon mag wipe kapa ng eyeglasses tapos pag galing sa aircon na lugaw me fog pa, at lalo pag nagdadrive.

    for me okay naman yun resulta ng LASIK. sa ngayon alaga lang mata ko sa drops at wag muna mag cellphone. sa work naman nasa IT industry ako at lagi nakaharap sa computer pero nagpapahinga din ako, at nagsusuot ng anti radiation glasses. basta lahat ng sobra sa mata masama talaga ngayon healing process.
  • ^5months okay na okay ang vision ko, best decision in my life hahah! :)
  • @March21,

    Yung mother ko is noon pa malabo ang mata. Since last year lang sobrang ininda na nya yung pagkalabo ng mata niya. Recently nung last checkup nya inadvise na sya na need ipaopera yung eyes nya kasi in due time lalabo ng husto hanggang sa mabulag. Yung surgery ata para sa nerves na ng mata.
    Tanong ko lang, nerve operation rin ba yung LASIK procedure?
  • Tanong ko lang, nerve operation rin ba yung LASIK procedure?


    Hindi po sya sa nerves, sa corneal flap lang po sir. Kaya kahit magpaLASIK po mother nyo, if nerves po ang problem, di po lilinaw vision nya, parang example po tv chord (saksakan), kahit okay ang plug head nya, if sira cable chord, di po aandar ang tv.

    Di po ba cataract ang pacheck nyopo maige, kasi nacucure naman po. if nerve related po, medyo pricey.

    -- edited by March21 on May 18 2018, 12:21 PM
  • maganda naririnig ko about lasik, pero natatakot pa rin ako. :(
  • @barry13

    sir walang sakit as in promise haha! pwede nito mabago buhay mo, lalo if matagal kana naka eyeglasses at mataas ang grado. hehe
  • Up lang sa thread na to.

    Sino pa dito nagpalasik? 2 years na yung akin tpos mag 1 year yung enhancement.

    Unfortunately, lumalabo ng onti yung eyes ko. :(

    pero malayo parin naman sa grado ko dati na 400+.

    Siguro dahil araw2 ako sa laptop due to nature of work. Kaso bat yung iba 20/20 perfect vision parin kahit babad sa t,v/ laptop etc.

    Does it mean mahina lang tlga mata ko kaya mejo lumalabo na ulit? (still malayo sa 400+).
  • pero malayo parin naman sa grado ko dati na 400+.

    far o near ka paps?
  • ^near sighted ako.
  • ^ayun. 3 yrs na si left at 1 yr 9 mos si right. So far so good.
  • Kaya ba i-correct ni Lasik kung 2000+ ang grado? Yun kasi grado ko eh. Legally blind na nga daw ako sabi ng ophthalmologist ko.
  • I think vision can also be affected by high blood pressure or illness such as diabetes. mas ok ata magpa screen din for those. Consult a doctor to be sure.
  • Kaya ba i-correct ni Lasik kung 2000+ ang grado?

    Optha makakasagot niyan. Pero teka, galing ka ng optha bakit di mo pa tinanong?
  • 3 years na po yun sa akin last Dec 2020, and so far malinaw pa rin. Fatigue lang minsan dahil sa IT work at computer games, pero make sure ko lang nakakatulog ako ng sapat.

    Happy New Year!
  • Question guys,

    Medyo natatakot ako sa operation eh, baka kasi maigalaw ko yung mata ko habang inoopera. Alam ko walang sakit na mararamdaman pero what if kung bigla kong naigalaw yung mata ko? May device ba silang ginagamit para steady lang yung mata?

    Balak ko nading magpa laser kasi hussle masyado ang salamin at ang dami ko nang salamin ay nabasag.
  • Okay, nagdecide na ako na hindi na ako tutuloy, bale pumunta ako for initial checkup para malaman kung qualified ba ako at kung anong surgery ang powede sakin. PRK daw ang para sa mata ko. Then inischedule nila ako after 2 weeks. Nuong una ay excited ako and then niresearch ko yung mga potential side effects ng lasik. May side effect pala siya kaya swartihan lang kung successful or hindi ang operation. Sa makatuwid ay hindi ko isusugal ang aking mata, dahil life changing in a negative way kung makadevelop ako ng complication. Elective naman ang lasik kaya hindi ko kailangan itong surgery na ito. Ayokong irisk ang aking mata. Ikikeep ko nalang ang eye glasses ko.

    At isa sa napansin ko during my visit ay parang salesman/businessman kung kausap kong opthalmologist. Talagang pinepersuad nila ako na mag-avail ng lasik, ang daming pangako tulad ng painless surgery at maaachieve daw ang 20/20 after surgery. Kaya medyo nagduda ako, hindi din nila binanggit at mga potential side effects at risk nung lasik. Kaya medyo parang scammy yung dating. And after that ay I did my own research about the risk of lasik. Watch this youtube video guys.

    https://www.youtube.com/watch?v=tlZ396O7O5E
    https://www.youtube.com/watch?v=OyfmUxnl65g
    https://www.youtube.com/watch?v=82rvmMahIJw
    https://youtu.be/bs0HsRYeDNE
    https://youtu.be/tjSHXi60Wws
    https://www.youtube.com/watch?v=PqDASYD4uDI

    Guys, hindi ko kayo dinedescourage or sinisiraan ang lasik. Just do your research first dahil irreversible ang procedure na iyan.

    -- edited by about_us on Feb 11 2021, 04:46 PM
  • ^Speaking from experience: underwent PRK 11 years ago. Eyes still ok; best money I've ever spent, as my eyesight prior was approaching 4 digits.

    -- edited by karahasan on Feb 12 2021, 04:02 AM
  • ^yes. Though mejo lumabo sakin ng onti. Still the best investment. Di nako nag eeyeglasses for 3 yrs mahigit na.
  • After a year..

    Nagffluctuate yung vision ko (labo-linaw). Pero mas severe sa right eye.

    Hays..