Forum Topic

Patulong po!

  • Mga boss, patulong naman sa cpu temperature ko. Umaabot na kse ng 90 degrees celcius ung init nya, overheat na sya tlga. After 2-3hrs nag shushutdown na sya. Una akala ko hsf ang prob so nagpalit ako ng hsf. Pero ganun pa din sya. Wala nman ako pang test ng processor tingin ko kse bka processor na. Ano ba sintoms kapag sira na processor natin?

    My pc specs
    Amd A8-5600k processor ko
    Fm2+ Board
    Tru rated power supply seasonic 600w
    6gb ram
    500gb hdd

    Any suggestions or advice?
  • sure ka ba na maayos at magandang quality ang thermal paste mo? baka kasi pangit contact ng HSF sa CPU kaya ganyan.
  • dagdag lang sa tanong ni poor prince:

    meron ka ba intake at exhaust fans? ilan bawat isa? gaano kalakas itong mga ito?
    naka OC ka ba?
    ano gamit mo thermal paste? paano mo nilagay yun?
  • PoorPrince Send Message View User Items on 08 Apr 18 @ 02:42 PM #

    sure ka ba na maayos at magandang quality ang thermal paste mo? baka kasi pangit contact ng HSF sa CPU kaya ganyan.

    -yung tig 100 po na thermal paste ang nilagay ko.
  • redwing0001 Send Message View User Items on 08 Apr 18 @ 03:00 PM #

    dagdag lang sa tanong ni poor prince:

    meron ka ba intake at exhaust fans? ilan bawat isa? gaano kalakas itong mga ito?
    naka OC ka ba?
    ano gamit mo thermal paste? paano mo nilagay yun?

    - kumpleto nman po exhaust ko, 2 po nakakabit. di po ako naka OC.
  • wala ka intake fan?

    natry mo na maglagay ng malakas na intake fan dyan?
  • redwing0001 Send Message View User Items on 09 Apr 18 @ 02:12 AM #
    wala ka intake fan?

    natry mo na maglagay ng malakas na intake fan dyan?

    -meron po ako sir hsf at exhaust fan. Na try ko na din po malaking hsf. Gnun pa din po nag ooverheat.
  • if your cpu reach around 90c then you got some CPU problem and that problem is thermal grease under the IHS you might need to delid just google that . That thing is tricky to remove you can damage your cpu so know your responsibility
  • 90 degrees celcius


    baka nag-install ka ng program recently kaya gradual na umaakyat sa 90 C ang cpu temp mo.
  • ^
    subukan mo rin gumamit ng live linux iso. dun ka muna mag boot tapos saka mo check kung 90 C pa rin ang temps. pag namatay pa rin pc mo, then wala sa windows ang problema at nasa hardware
  • 90 degrees celcius


    This could never be a problem of exhaust or intake fans or even paste. Di naman sobrang laki ng difference na nagagawa ng exterior fans sa pagbaba ng temp ng cpu. - i.e., di magic na biglang baba cpu temp from 90 to say normal load na 37 ambient temp. sa ganyan kalaking jump, edi dapat naging superior components na ang external fans... i have had PCs na may isang fan lang noong chipipay days and halos wala naman difference sa cpu temp with working and quality HSF kahit nung dinagdagan na ung fans.

    Kahit thermal paste, di yan magic na from 90 magiging normal around 37-40. ano yun around 50 degrees maibabawas ng paste? You can even look for benchmarks comparing without paste->crappy paste->superior paste at walang ganyan kalaking difference.

    Ang masasabi ko lang, i had the same problem before, nag rireach ng 90 ung cpu temp. ganyan di, nag shushutdwon after certain minutes na 90. The culprit was the hsf - i was using (for the first time) AIO liquid cooler, ung radiator pala not working. umaabot ng 90 dahil in sense para kong walang hsf sa cpu. it went back to normal by just replacing the whole AIO.

    So ano bang gamit mong hsf? sabi mo sinubukan mo rin palitan and same result. kung AIO yan, pinalitan mo ba buong AIO system? kung air, honestly nakakapagtaka...and most probably ung processor na nga yan pero rare kasi un.

    -- edited by imgreat on Apr 09 2018, 10:50 AM
  • ^

    observe mo rin kung nakalapat ng maigi yung cpu cooler mo. baka may awang yan kaya di mapalamig ng husto ang cpu mo. saka kung may ininstall kang mga software bago tumaas yung temps mo, uninstall mo muna at malamang yan ang naka contribute sa pagtaas
  • IMHO ang issue nyan ay sa HSF. either defective or hindi maganda contact. kung naka air type HSF ka, kung umiikot naman yung fan ng maayos, my bet is your issue is on the thermal paste baka hindi tama lagay mo. first time ko na magpalit ng thermal paste sa CPU nagkaganyan din pc ko, idle temps is around 65 to 70 tapos pag under load mahigit 90 umaabot pa nga 100 bago mamatay. naka tatlong tanggal, re-apply ng paste at balik ako bago ko nahuli ng maayos.

    Regarding exhaust fans, tanggalin mo lang side panel mo pag tinetesting mo yung unit. kung bababa ng more than 20c yung temps nya, you might want to consider your airflow sa rig.