Forum Topic

The Coolers Thread: CPUs / GPUs / HSFs / Fans: New Products and Reviews

  • Cryorig pa lang, kahit na M9i... pagbukas pa lang, parang premium ang dating, may kasama ng spare clips at malaking tube ng compound. Tapos pag-salpak sa motherboard, nakakagulat! Kumpara sa stock na sobrang init (aabot ng 72C) sa testing sa Handbrake, dito naman sa M9i hanggang 52C lang.

    Highly recommended. For something this small, the M9 is beyond anything I used before.
  • Tanong ko lang po kasi madumi na yung video card ko pero mag one month pa lang pag tinnanggal ko ba buo heat sink ma void warranty ko?5 years kasi wareanty nito sa zotac
  • Yes. lalo na pag nahala na naikot yung mga screws
  • Nahalata...
  • Ano maganda gawin kaya dito pag lilinisin na hindi tatangalin heatsink at fan buga buga hangin lang?
  • blower o kaya canned air
  • May hyper 212 ako..... trip ko sana palitan yun stock fan niya.. ano options ko? pwede ba yun thermaltake riing? lol
  • Yup pwede yun HSP fan naman yun.
  • gowueld
    Any fan na 120mm ay pwede dyan mas ideal lang gamitin sa heatsink at radiator ang mag matataas ang static pressure rating na fan like Corsair SP120 or Omega Nova
  • silentorange19 Send Message View User Items on 13 Aug 17 @ 04:55 PM #
    gowueld
    Any fan na 120mm ay pwede dyan mas ideal lang gamitin sa heatsink at radiator ang mag matataas ang static pressure rating na fan like Corsair SP120 or Omega Nova


    boss ano static pressure rating ng Omega Nova?
  • boss ano static pressure rating ng Omega Nova?

    1.3MM/H20
  • @silentorange19

    bakit kailangan mataas static pressure for heatsink? noob question hehe
  • bakit kailangan mataas static pressure for heatsink? noob question hehe

    Static pressure is the force of the air coming out of the fan, as opposed to the volume. Pressure is important because it's what allows a fan to overcome resistance.

    since yung mag radiator/heatsink maliliit ang space ng bawat fines kailangan malakas ang static to penetrate air
  • Guys, naka noctua l9a ako sa amd pc ko, di ko matandaan kung kay linus ko na panood na may ginamit syang bracket para magamit sa intel yung l9a nya?ilipat ko sa intel kasi yung l9a ko, thanks..anung model pala ito? di ko mahanap sa noctua site kasi..
  • ano pong pinaka murang aura case fan kahit walang controller effects


  • may user po ba dito ng Bequiet! Dark Rock 3? pasilip po..magpapabili kasi ako..salamat
  • pa advice naman. iniisip ko kung papa change tube ko ung h100i gtx ko or bibili nalang ng u14s or d14 na air cooler. nagkaleaked kase ung isang tube wala naman tinamaan kase nangyari yun nung naglilipat ako ng placing ng radiator. 1.5k ang palit ng tube. TIA
  • Mga masters pa suggest naman ng magandang HSF para sa rig ko. Wala naman problem yung stock cooler ko kasi stable sa 40-45 deg yung temp ko.
    for "Aesthetics" purposes lang sana. As much as possible ay yung may red led light, black & red kasi color ng rig ko. Yung affordable lang po sana.

    Thanks!
  • ^
    Check mo yung id cooling dk03 halo, meron ata nun na red led yung fan.

    Kung ma stretch mo yung budget mo, yung coolermaster hyper 212 led. Red led din yan.

    Hth.
  • @curenei
    pa advice naman. iniisip ko kung papa change tube ko ung h100i gtx ko or bibili nalang ng u14s or d14 na air cooler. nagkaleaked kase ung isang tube wala naman tinamaan kase nangyari yun nung naglilipat ako ng placing ng radiator. 1.5k ang palit ng tube. TIA

    Suggestion ko sir pa-RMA or warranty mo nalang yung Corsair H100i kung under warranty pa siya. Kasi once pinalitan ang tubes niyan, magiging void ang warranty ng cooler mo.

    Also kapag pinalitan ang tubing hindi siya guarantee na hindi na magkakaroon ng leaks kasi sealed cooler ang H100i at naka pressure fit ang tubes and fittings niyan from the factory. Hindi din natin alam anong coolant ang ipapalit sa loob kasi dapat yung coolant may anti-corrosion formula, at hindi pwede ang distilled water lang. Lastly baka mas dumami ang air bubbles sa loob kung hindi siya na bleed properly.

    Advice ko sir, pa RMA mo yung Corsair H100i then bili ka ng affordable aircooler muna as temporary replacement. Kung may kasamang stock cooler yung CPU mo, pwede mo din gamitin muna habang naghihintay ng replacement sa H100i.

    -- edited by sleepygeepy on Aug 20 2017, 03:09 PM
  • ^walang warranty nabili ko kase 2nd hand to. nahihirapan din ako magisip dahil limited din budget hehe. pa suggest pala ng air cooler na pwede pang oc sa i5 4670k. salamat
  • @curenei

    Well kung 2nd hand yung H100i and out of warranty narin, pwede mo din i-try na papalitan ang tubing kesa hindi na magamit. Pero baka risky din kasi hindi natin masabi kung lumalala ang leaks once napalitan ang tubing. Option mo na yun sir.

    Try mo muna i-stress test ang H100i out of your PC, baka working fine naman siya at yung droplets na nakita mo hindi galing sa tubing. Could be moisture lang or malay mo napatakan lang ng pawis o tubig nung nag u-uninstall / linis ka etc. Bihira narin kasi ang leaks sa AIO and usually ang pump na ang unang bumibigay sa mga AIO. I think malalaman mo na leak kung yung drops nag leave ng water mark or stain kasi may corrosion inhibitor ang coolant.

    What I suggest is try mo i-plug yung AIO sa PSU and run the pump at full speed, then leave running for maybe 2-3 days non-stop. Then check for signs of leaks, droplets, moisture etc. Also check the pump kung smooth running parin. Just make sure lang na malayo yung AIO at positioned siya well outside the case kung sakali magkaroon ng leak.

    Pero kung ayaw mo narin mag AIO at para maiwasan ang risk ng leaks, here are some good aircoolers for Core i5-4670K:

    Php 2,350 = Cooler Master Hyper 212 LED Turbo
    Php 2,800 = Noctua NH-U12S
    Php 2,999 = Cryorig H7 Quad Lumi

    You can also go for bigger aircoolers tulad ng Noctua NH-U14S, Noctua NH-D15 or DeepCool Lucifer, DeepCool Assassin etc. Pero medyo malaki na sila at dapat check kung compatible siya sa case and motherboard mo. Pwede magkaroon ng compatibility issues kung ang motherboard mo is Micro-ATX or smaller or kung yung case mo may height restriction sa cooler.

    -- edited by sleepygeepy on Aug 20 2017, 04:30 PM
  • @sleepygeepy

    Parang leak kase iba ung texture nung tubig parang malagkit pero baka nga pawis ko lang pero pano ko tetestingin? Saksak ko pa din sa mobo ko tapos nakatanggal ung processor?

    Ung cryorig h7 quad and h7 parehas lang ba rgb lang pagkakaiba? Sa tingin ko kasya naman sa case ko ung malalaking air cooler naka corsair air 740 po ako. Mobo ko z97 mark1. Parang is trip ko ung u14s or d14 di na kaya ng budget ung d15 hehe ung deepcool lucifer v2 ba pwede pang oc?
  • @curenei
    Parang leak kase iba ung texture nung tubig parang malagkit pero baka nga pawis ko lang pero pano ko tetestingin? Saksak ko pa din sa mobo ko tapos nakatanggal ung processor?

    Hmm... kung malagkit at iba texture baka coolant nga yan na medyo patuyo na. Unless natapunan ng softdrinks or ibang liquid nung nag u-uninstall ka ng radiator hehe.

    Anyway kung gusto mo parin i-test, kailangan running yung PC mo. Plug mo yung power connector ng pump sa PSU and yung header niya sa motherboard. Then set mo lang na yung pump mag-run at full RPM para ma stress test. Pero test mo yung H100i outside the case para kung sakali magkaroon ng leak hindi mababasa yung components ng PC mo. Now kung wala ka pang spare CPU cooler, then no choice but bili ka muna ng aircooler. Hindi ko alam kung pwede mo i-run yung H100i using the PSU lang kasi parang kailangan yata nakakabit sa motherboard yung pump header niya.

    Ung cryorig h7 quad and h7 parehas lang ba rgb lang pagkakaiba?

    Mas improved na yung Cryorig H7 Quad lumi dahil naka quad heatpipes na siya. So supposedly mas maganda ang performance niya compared to yung regular H7 na naka triple heatpipes lang. Also mas maganda na yung retention mechanism niya at hindi na yung parang "scissor" bracket na gamit ng lumang H7.

    Sa tingin ko kasya naman sa case ko ung malalaking air cooler naka corsair air 740 po ako. Mobo ko z97 mark1. Parang is trip ko ung u14s or d14 di na kaya ng budget ung d15 hehe ung deepcool lucifer v2 ba pwede pang oc?

    Ah kung naka Corsair Carbide Air 740 ka then kasiya naman mga malalaking heatsink. Yung nakikita ko lang na kailangan mo i-double check is kung mag fit sa ASUS Sabertooth Z97 Mark 1 motherboard mo yung CPU cooler. Mataas kasi yung dust shields sa VRM area ng motherboard at baka tumama sila sa fins ng malalaking CPU cooler.

    Nag check ako sa Noctua website at guaranteed compatible sa motherboard mo ang Noctua NH-U14S, NH-D14, and NH-D15. Hindi ko sure kung magkakaroon ng compatibility issues ang DeepCool Lucifer V2 pero to be safe stick with Noctua nalang. Baka kasi masayang pera mo kung bumili ka ng DeepCool Lucifer V2 then makita mo na hindi mo ma-install dahil tumatama fins niya sa dust shield ng motherboard.

    Try mo sir maghanap ng second hand na Noctua NH-D15, baka may sellers dito sa TipidPC. Hindi naman mabilis masira ang Noctua aircooler at usually may 6 year manufacturer warranty sila. Also magandang investment din ang Noctua heatsinks since nagpapadala sila ng free retention bracket sa mga bagong CPU like Ryzen, Coffee Lake, etc. So magagamit mo parin yung cooler sa future upgrades.
  • matibay din ba to mga sir? kahit walang fan? saka ok din kaya ung RMA nito kung sakali?



    -- edited by lorin1992 on Aug 20 2017, 08:17 PM

    -- edited by lorin1992 on Aug 20 2017, 08:18 PM
  • Parang gusto ko yun cryorig na quad lumi, kaso kakabili ko lang ng cm 212x :(
  • Anyone know where to find these fan clips locally ?



    -- edited by gaLj on Aug 21 2017, 07:29 PM
  • my concern po ako sa icekimo 120w ko, bigla nalanng nggnng 90-100 ung temp kht wala running apps.
  • baka kulang sa thermal paste o kaya maluwag pagkakamount. Check mo rin yung pump baka di tumatakbo.

    -- edited by LeonCielo on Aug 24 2017, 08:16 PM
  • @sleepygeepy

    nakabili nako deepcool lucifer v2. compatible sa z97 mark 1. medyo mahirap lang maghanap ng ganitong cooler. pero worth it naman. feeling ko eto na pinakamaganda performance sa price range niya hehe. salamat sa tulong sir.