Forum Topic

The Coolers Thread: CPUs / GPUs / HSFs / Fans: New Products and Reviews

  • guys ask ko lang kasi yung tecware case na bibilhin ko(nexus m2/forge m2) mukhang molex connectors yung fans nya

    pwede ba i daisy chain itong tatlong fans tapos isaksak sa molex ng psu? need paba ng adaptor?

    kasi napanood ko itong video na ito sa youtube ginamitan pa ng adaptor


    balak ko kasi ako nalang mag build ng pc tapos medyo di ko gets yung daisy chain ng fans .. walang kasi ako makita tutorial sa youtube pano gawin yung pag daisy chain ng molex eh..

    salamat!
  • @TheSoulKing

    guys ask ko lang kasi yung tecware case na bibilhin ko(nexus m2/forge m2) mukhang molex connectors yung fans nya
    pwede ba i daisy chain itong tatlong fans tapos isaksak sa molex ng psu? need paba ng adaptor?
    kasi napanood ko itong video na ito sa youtube ginamitan pa ng adaptor


    Specific fans na gagamitin mo? Kasi yung exhaust fans ng Tecware ay pwede naman sa molex lang, then kung yung ibang fans na bibilhin mo lalo na kung RGB/ARGB ay usually PWM at pwede ikabit directly sa mobo or fan controlller.

    Pero kung gusto mo ma control fan speed ng lahat, kailangan mo rin palitan stock fans.
  • @fakuryu
    sir faks yung stock lang muna na fans ng tecware forge m2 yung gagamitin ko argb ata sila kaso rgb lang mobo na paggagamitan eh
    to follow nalang siguro yung arctis p12.

    balak ko kasi yung molex ng stocks fans ng tecware forge m2 daisy chain ko nalang tapos isaksak sa molex ng psu nagtataka lang ako sa video ng aerocool gumamit pa sila ng 3pin adaptor..
  • ^Ground yung pin 2 na walang connection sa adaptor, pero yung pin 3 sa tabi niya ground rin. Ang kailangan lang para umandar nung case fan mo through molex +12v(pin 1) & ground(pin 2 or 3).
  • ^sir noob question yung tecware nexus air m2 yung 3fans nya daisy chain ko tapos power on by molex hindi ba delikado na 100% all the time yung fans? may chance ba na masunog?
  • ^Hindi naman masusunog yan kung susundin ang molex standard good up to 11A per pin, ang case fan kadalasan mga 0.2-0.5A lang ang rating kaya safe parin magsaksak ng 2-3 kahit sa motherboard header lang(usually 1A rating). Designed naman yung case fan motor na magrun ng 100%.
  • Sir Ignus salamat po sa pagsagot sa tanong ko

    Ask ko lang po balak ko rin kasi palitan stock fans ng tecware nexus air m2. ano po kaya magandang fans? May nakikita po ako recommendations na arctic p12 saka idcooling xf12025 non rgb yung budget ko po is 250-450 per fan total of 5 fans sana kasi may IDCooling SE 224 xt white led hsf po yung pc na papalitan ng fans bali papalitan yung led fan ng hsf gagawing push pull yung hsf tapos yung 3 fans magiging 2 intake saka 1 exhaust.
  • kung kaya go with the pst co fans ng arctic...
  • ^

    Mura na din ung 5 pack ng P12 PWM PST (1.5k) kung di mo trip RGB

    Gamit ko ung 140mm version (P14 PWM PST). Sulit naman

    -- edited by GENTLEMEN on Sep 12 2021, 10:18 PM
  • @extracarbs: hahaha... po post ko sana with the caption... ampugee... hehehe... good thing nai post mo na!!!

    <click here for link>

    not sure... pero mukhang thermalright?... hehehe...

    -- edited by STASIS on Sep 14 2021, 09:48 PM
  • Deepcool Gammaxx parin ba goods if ayaw mag stock cooler?
  • ^Oo or any of the ID-Cooling SE-224-XT variants.

    @STASIS


    Kaprice siya ng AS500 Plus so 3.1k Php & wala pang LGA1700 support.

    Review here: <click here for link>
    So na-outperform/match niya ang NH-D15 using 10900K, best air cooler for monolithic die @3.1k Php lol.

    Abang nalang sa review with Zen 3 & Alder Lake CPU's kasi convex yung base plate baka iba performance kapag chiplet design.

    -- edited by Ignus on Sep 15 2021, 07:10 AM
  • @ignus: gawa sila ng 140 mm version... kagat ako dyan... hehehe... baka ilang months lang makakita na tayo siguro ng white at black version... saka pala... rgb... nyahahahah...


  • thermalright ahahaha... sayang... di pwedeng salpakan sa gitna nung bagong phanteks 30mm... pwede lang front and back...

    -- edited by STASIS on Sep 15 2021, 12:17 PM
  • baka kaya siguro nag-reschedule si noctua to 2022 dahil sa mga bagong labas na coolers ngayon..

    sana maglabas si deepcool ng pure black, kahit heatsink,wait lang ako ng official release ng windows 11.

    go full black na ako, so far DRP 4 or NH d15 pa rin choices ko.
  • kung id-cooling naglabas niyan... saglit lang yan.. may white, black at pa argb version pa... ahahaha...
  • I like the design. Very subtle and minimalist.
  • @nelo182: check out thermalright... afaicr... sila nauna sa ganyan... cmiiw...
  • gusto ko yung design ng AK620 parang gusto ko tuloy bitawan itong Noctua NH-U12S Redux ko
  • Maganda rin design ng bagong CPU cooler ng ID-Cooling, SE-226-XT parang may included na noctua chromax cover.




    -- edited by TPC_GameGuard025 on Sep 15 2021, 08:29 PM
  • Jonsbo HX7280




    2x140mm fans, 1x120mm fan, 7x6mm heatpipes, Overall Dimensions:140 * 155 *160(H) mm, Thermal Grizzly Hydronaut, with L.N.A. connectors(like Noctua)
    <click here for link>
    <click here for link>
    5k Php yung unang listing sa Sh*pee, malamang bababa pa price niya sa ibang shops. Mukhang gusto ng Jonsbo na maging premium cooler ito based sa extras na kasama, hopefully talo niya NH-D15 & Assassin III.

    -- edited by Ignus on Sep 19 2021, 05:37 PM
  • ^
    pogi nga yan ah..
  • After 2 years naglabas rin sila ng airflow version lol



    Inupdate rin nila ang Kraken M22 as Kraken 120: <click here for link>
  • Post deleted #12393427

  • Delayed ulit ito ng 2 months, mali yung specs ng mesh panel na ginawa ng factory lol.
  • sana makakita na ng review ng JONSBO hx7280.
  • may natripan akong mobo from asus, B560-g, micro atx. upon checking sa compatibility checker ni noctua (nh d15), si nh d15 chromax black "will overhang the top PCIE x16 slot"..

    pero si NH D15s, pwede naman. weird, nung na-check ko yung dimensions nung both coolers, same same lang naman halos, inalis lang yung isang fan above the ram. pero the heatsink width of both is 150mm. may mali ba sacompatibility test ni noctua?
  • pero si NH D15s, pwede naman. weird, nung na-check ko yung dimensions nung both coolers, same same lang naman halos, inalis lang yung isang fan above the ram. pero the heatsink width of both is 150mm. may mali ba sacompatibility test ni noctua?


    Naka-offset yung heatsink ng D15S pataas kaya na clear niya yung topmost PCIE slot.

    CTTO:

  • oh, i see..

    so pwede ako bumili ng d15s, then add an additional 2nd fan?