First time builder po ako kaya wala talaga alam. Hindi ko po alam kung ano laman ng pc, kung ano yung gpu, memory, 4core, 8core, ram, hindi ko rin alam pagkakaiba ng mp3 at mp4.

Mahilig po ako sa animation. Puro hand drawn 2D stop motion lang gawa ko at tinransfer ko na lang sa laptop para icompile. Pero ngayon, balak ko na gumawa ng 3D at 2D na digital.

May parts list po ba kayo na mairecomend? Kahit hindi specific brand/ model. Kailangan ko lang po talaga malaman yung mga kailangan bilin para maitanong ko na rin dito sa Gilmore.
(Case, motherboard, memory, battery, o kung ano pa man wala talaga ako alam)

Thank you po!