Forum Topic

RMA or ipa-repair sa local tech?

  • Hi, need help lang.
    Yung GPU ko kasi feeling ko defective. Gumagana naman sya ng maayos bago ko i reformat yung PC. Ni reformat ko sya kasi na corrupt yung files ng windows.
    Pagkatapos nun, nag DL ako ng bagong driver nya, at dun nag simula yung problema.

    PC specs:
    Processor: i5-4460
    GPU: MSI RX480 8GB
    8GB RAM
    Motherboard: Gigabyte b85 hd3 A
    PSU: Seasonic 620

    Okay sya kapag naglalaro ng light games kasama na yung God eater 3 (napansin ko rin na medyo bumaba FPS ko sa God eater 3) pero kapag triple A games na like DOOM 4, Witcher 3, Monster Hunter World, etc. bigla syang mag ba black screen tapos after 30 seconds to 1 minute, bigla na maghahang (Kahit sa furmark, pagkastart ko pa lang ng furmark, ganito rin yung magiging problema)

    Sinubukan kong mag DL ng lumang driver nung GPU ko, since bago ako mag reformat, old driver ang ginagamit ko at walang problema pero this time nagloloko pa rin sya

    Sinubukan ko rin magpalit ng OS (windows 10); pero hindi pa rin gumana
    Tinanggal ko rin yung GPU para paganahin yung onboard graphics tapos gumana naman sya (at nagstart din yung furmark gamit yung onboard graphics), so sa tingin ko GPU ko nga yung problema

    November 2016 ko binili yung GPU ko sa PCh*b
    tapos yung nakalagay sa resibo nya, 2w replacement, 1 year store, 1 year distro, 2years manufacturer warranty
    Sa tingin ko wala na syang warranty (correct me if I'm wrong, ang alam ko kasi hindi ina-add yung warranty years from store, distro saka manufacturer)

    Any suggestions?
  • Up to this
  • Up to this
    Need ko lang talaga ng tulong
  • Since paso na talaga ang warranty nya, no choice ka kundi ipatingin sa board expert yan kung kaya pa marepair.

    If di na kaya marepair, better yet bili ka na lang bago kung di na talaga nagana.
  • ganyan din nangyari sa hd7950 ko... biglang garbage... and wala nang warranty... kaya pinalitan ko siya ng rx580 nung 19k to 20k pa price ng dahil sa mining craze... you can go 2nd hand... maraming nasa ifs or mag brand new ka... as have suggested... kung kayang ibrepair... why not... pero hindi mo rin sure kung kailan siya mag fail...
  • @kuRey

    Try mo muna pa-warranty or pa-repair sa MSI distro, kasi kung tatanggapin nila for repairs at kailangan mo magbayad ng service fee yun ang best option. Sometimes tinatanggap parin ng mga distro yung card even if past the warranty but baka mag-ask sila ng processing fee or some service fee.

    Another option din is reach out to MSI Taiwan and see kung papayag sila i-repair ang card if you ship the videocard to them. Medyo mahal lang ang shipping but kung willing naman sila i-repair and return the videocard to you baka worth it din.

    Now kung talagang sinabi nila na out of warranty at hindi na nila tatanggapin for service or repair... dun mo lang isipin yung ibang options. Pa-repair mo sa mga local tech shops with reballing machine kasi usually sila lang ang may capability of re-installing chips / surface mount components. Baka kasi yung issue caused by loose solder / overheating kaya nag-hang or crash kapag nag run ka ng GPU intensive game or furmark.

    At this point, be ready na baka kailangan mo na bumili ng bagong videocard. Kung malaki din magagastos mo sa repairs / service, might be better kung ibuhos mo nalang yung budget sa next videocard purchase.
  • If i experience this problem and its somewhat usable on certain games, its probably a die issue already (not a hotair or reballing can fix this). What I sugget is open the catalys and somewhat underclock your GPU core and see if it persist, I doubt that this is a VRAM issue since if its VRAM, youll see the common garbage/artifacting display issue.

    once you have your stable underclock speed, and set your max clock speed to the stable speed, though this is optional.

    -- edited by polka on Apr 27 2019, 08:18 AM
  • @polka
    Try ko yung suggestion mo pero kung sakaling mag work sya, babagal ba performance ng GPU ko pag nag underclock ako? Di kasi ako familiar sa pag underclock
  • @kuRey

    BTW, before focusing all your attention sa videocard also try checking your PSU. Possible din kasi na yung PSU ang may problem especially if yung Seasonic PSU mo is more than 4-5 years old and hindi maganda ang quality ng AC power sa bahay nila. Baka degraded narin kasi ang performance ng PSU or out of spec na yung voltages. Kung may mahihiram ka na PSU or if may second PC ka with a true rated 500W PSU, try swapping them out and test your videocard with that PSU.

    Iniisip ko din kasi yung binanggit mo na "na corrupt yung files ng Windows"... nalaman mo kung ano ang nag cause nun sir? Hindi kaya dahil sa brownout or power fluctuation sa bahay? Anyway try looking at other components at baka iba ang cause ng issue.

    ---------------

    Going back to your videocard...

    Check mo din sir kung nausog or nagalaw yung GPU cooler habang nag troubleshoot ka or nung tinanggal mo yung videocard from the PCIe slot. Possible na yung thermal pads sa ibang components (like VRM) hindi na nakalapat so possible na may overheating issue. Try mo silipin with a flashlight and see kung may nakikita ka na gaps between the thermal pads. You can also try tightening the screws ng GPU cooler para maipit ang thermal pads, but do it slowly at huwag masyado mahigpit ang pag-tighten (quarter turn at a time only). Only do this kapag wala ka na plans ipa-warranty or ipa-RMA yung videocard, kasi kung nakita ng technician na may scratches or marks sa screws baka maging void ang warranty kasi may signs of tampering.

    Before nung nagkakaroon ako ng VRM temp issue with my Radeon 7950, ito yung ginawa ko to lower VRM temps. It's worth trying sir at baka makatulong with your RX 480...

    On Radeon Settings >> Gaming tab >> Global Settings >> open Global Wattman. Adjust the Power Limit % setting from zero percent (0%) to negative 10% or negative 20%. Yung mangyayari is i-lower mo yung power draw ng GPU so hindi din masyado mataas ang load sa videocard VRM's. Yung benefit is less ang power na kailangan ng VRM and also mas mababa ang VRM temps. Yung downside is mas mababa din ang clock speeds ng GPU kasi parang sinasakal mo yung power limit niya.

    This is similar to underclocking so kailangan mo din i-test for stability. When adjusting the power limit settings to a negative value, try running a GPU intensive benchmark to test for stability. Run something like Unigine Superposition or 3DMark Timespy or other gaming benchmark in a loop and see kung stable ang operation. Do not use Furmark or other stress test na mag 100% ang GPU all the time at baka lalo magkaproblema.

    Try mo i-lower ang power setting as much as possible na hindi mag crash or mag-hang ang GPU. I think somewhere between -20% to -30% is possible pero case-to-case basis din depending on the videocard. On my Sapphire NITRO RX 580 kaya naman niya ang -50% (lowest setting) and looks to be stable, but hindi ko pa na-try i-stress test for very long periods.
  • @sleepygeepy

    Thanks sa advice, wala lang talaga ako extra CPU para ma test kung PSU ko nga ba yung may sira, actually iniisip ko rin na baka yung mobo ko yung may sira e, pero nung sinubukan ko naman paandarin yung PC ng wala yung GPU ko e ayos naman sya sa furmark
    Yung dahilan kung bakit na corrupt yung windows e dahil gumamit ako ng DDU para i uninstall yung lumang driver ng GPU ko tapos pagka restart ko, ayun, nag stuck na sya sa loading ng windows 7

    Pwede kayang dalhin ko sya sa PCh*b tapos pakiusapan kung pwede ma test you GPU (Kunwari ipapa check ko kung sakop pa sya ng warranty tapos, kapag sinabing hindi, pakikiusapan ko na lang na baka pwedeng i stress test nila yung GPU)
  • @kuRey
    Yung dahilan kung bakit na corrupt yung windows e dahil gumamit ako ng DDU para i uninstall yung lumang driver ng GPU ko tapos pagka restart ko, ayun, nag stuck na sya sa loading ng windows 7

    Sometimes delikado gumamit ng DDU especially kung AMD based PC, kasi pwede ma-uninstall ang ibang driver components. Anyway next time uninstall lang using the regular method at may clean install option ngayon ang Radeon drivers.

    Pwede kayang dalhin ko sya sa PCh*b tapos pakiusapan kung pwede ma test you GPU (Kunwari ipapa check ko kung sakop pa sya ng warranty tapos, kapag sinabing hindi, pakikiusapan ko na lang na baka pwedeng i stress test nila yung GPU)

    No harm in trying... kung pupunta ka lang narin sa PC shop dalhin mo na yung buong CPU unit para pwede nila i-troubleshoot yung PC. So in case walang problema ang GPU, pwede nila i-test yung PSU, motherboard, or other components para ma-isolate ang problema. Hassle lang magdala ng CPU unit pero tingin ko mas ok na yung 1-time-big-time hassle kesa pabalik-balik ka sa PC shop. Try mo pumunta on a weekday morning para konti ang customer at pwede asikasuhin ang PC mo kaagad.

    Basically pupunta ka sa PC shop para mag-avail ng troubleshooting and repair service. So expect mo narin na mag-si-singil sila ng service fee or technician fee.
  • @sleepygeepy

    Try ko ipa check pagka off ko
    Ask ko lang kasi bago pa magka problema ng ganito, yung display ko nagloloko na sya kaso bihira, yung biglang mag static yung display (yung parang sa TV kapag walang antenna or nasasagap na signal)

    Hindi ko lang pinapansin dati kasi bihira talaga mangyari
  • Logitech mouse saan pa RMA?