Forum Topic

*Dito Telecommunity - 3rd Telco (Mislatel)

  • pwede na dyan yung huawei 936 supported B1 B41 ng DITO
  • May naka try na ba nung ZLT S10G openline?
  • saan server kayo naka connect ng cloudflare using DITO? pa check naman po sa 1.1.1.1/help
  • Ano ba mga cellular 5G frequency ng Dito?
  • Hindi raw nag eextend yun advance promo nila kung may old data ka sa DITO. Nireklamo ko ito as nag renew ako before expiration ng dito 99 365 days, lo and behold, nag expire yun old data ko at hindi nirollover. Ang laki pa naman yun, 80 GB kaya nagrereklamo ako sa Dito, katwiran nila iba raw yun old promo, eh kaya kinuha ko ang 365 days is because ayaw ko na magisip kailan magrerenew at roll over lang ng roll over, yun pala, wala kwenta.
  • Meron na nakaranas sa inyo hindi makapag reply sa BDO (225678 yung number) kapag nag sesetup ng mobile digital banking? Number ko sa DITO yung nilagay ko upon opening ng account eh.
  • Sa Gomo din may nabasa akong same problem. Di sila advisable pang otp and contact info for banks, email etc Hassle kasi in case magkaproblem.

    On a side note, bakit kaya walang calls for landline sa mga promos nila? Ayos sana ito on top of all network calls.
  • Sa smart paren main sim ko regarding sa e wallet at online banking kasi hindi pa stable ang sms ng dito kahit calls di din stable pang data lang talaga gamit ko
  • panay benta na ng assets si dennis uy nalulugi na crony ni du30, ano na kaya mangyayari sa DITO?
  • kelan ba maglalabas ng 5g itong DITO
  • @kasisiflores

    May 5G na dito sa NCR. Yung sim ko nasa Poco M3 Pro 5G na phone at nakakasagap ng 5G signal ni DITO.
  • Ginamit ko na yung isang extra sim bago mawala hehe
    Port ko nalang sa Smart after 60days.
    Mas ok pa rin kasi sakin yung Magic Data dahil no expiry
  • May 5G na dito sa NCR. Yung sim ko nasa Poco M3 Pro 5G na phone at nakakasagap ng 5G signal ni DITO.


    hindi ganun ka ingay launching ng 5G nila, pati yung home broadband release wala pa, hindi na sila makasabay sa dalawang higante
  • sana may pumasok pa na bagong telco mahihirapan un DITO pag sya lang un bagong telco e
  • ^ starlink sure na pasok yan operational na sa 4th quarter
  • starlink pero sure na di pang masa ang presyo..5K monthly ay sobrang mahal para sa mga pinoy.
  • Post deleted #12418688
  • kamusta na mga naka DITO? ending yata nito sa china tel bagsak ng ownership, yung plano na broadband rollout for 2022 nawala
  • i focus na lang sana sa province yung DITO kaso mga NPA eh naninira ng mga tore
  • @Hamz
    Sa Singapore server ako naka connect sa Cloudflare, ganun din sa IPv6.
  • Dito Data Sachets
    Data 50 - 5GB for 7 days
    Data 20 - 2GB for 3 days
    Data 10 - 1GB for 1 day
  • ok din yung offer nila na 713 pesos for 1yr 96GB of total data, meron rollover data,call&text for unused,


    sorry for the noob question. So kasama ito
    * Data
    * Unlimited DITO-to-DITO calls
    * 1800 mins. of calls to other mobile networks
    * Unlimited texts to all mobile networks
    validity 365 days

    for example if naubos ang 1800 minutes mo, is this like globe and smart where if naubos ang promo minutes, kakainin nalang ang prepaid balance mo?
  • for example if naubos ang 1800 minutes mo, is this like globe and smart where if naubos ang promo minutes, kakainin nalang ang prepaid balance mo?


    Yes. Regular rates are posted here: <click here for link>.

    Honestly I only use DITO for the data. I have a legacy Globe postpaid na 299 a month with 25 minutes of calls, 100 texts, 700 MB of data that I hardly utilize to begin with. Main reason I keep it is that it's a 23-year-old number and I don't want to lose it if I port to prepaid then my sim gets stolen or deactivated.

    Otherwise, my overall usage (data, call, texts) isn't even enough for DITO's 713/year advance pay lol. Medyo issue rin na si DITO doesn't have nationwide coverage yet but sa areas na ginagalawan ko ok naman signal nila.
  • I have been using Dito for a couple of months now and I observed na mas malakas ang signal nila sa mga probinsya na pinupuntahan ko(Peñaranda, Nueva Ecija and Nasubu, Batangas) compared sa Globe and Smart. Sa metro manila, malaki pa din advantage ng smart and globe pero I like the fact that they seem to be concentrating sa mga provinces and rural areas.

    I like how I can purchase data that is good for one year pero honestly I am a bit underwhelmed sa offers nila. I was hoping that they will offer unli data promos pero right now, smart nalang ang may unli(I believe GOMO has already discontinued their unli data).
  • Anong Band ang gamit ng Dito sa 5G?
  • nag avail ako ng advance pay na 713 kasi may isp naman ako sa bahay tingin ko di ko mauubos to for the whole year kasi may top up naman ako data dati naipon ko pati calls 7000 mins nga eh di ko magamit tapos sa data naipon ko 112gb goods na yun for 1 year kesa mag bayad ako ng 199 every year 59 pesos lang pumapatak ang per month yung binayaran ko masaket lang sa una pero sulit na saken di na ako pati mag rerenew every month

    sa coverage naman sa bahay lang namin olats ang dito pero sa office at sa mga main site like malls o puntahan oks ang dito samen kaya goods na to for me
  • Anong Band ang gamit ng Dito sa 5G?


    n78 5G SA (3500MHz)

    Make sure supported ng firmware ng device mo ang 5G SA sa n78.
    For example, nakikitang nasasagap siya ng Mi10T Pro ko using diagnostic apps pero di nakakalatch on sa network nila.

    -- edited by dmz01 on Jul 11 2022, 04:46 AM
  • @dmz01,

    sa specs ng Poco F3 may n78 5G pero hindi makakuha ng 5G signal ng Dito. May nagsabi naman sa ibang forum na Band 66 sa 5G ang gamit ng Dito. Walang Bang 66 sa 5G yung Poco F3.
  • buti nalang satisfied na ako sa 4g+ ni dito sakto pang social media lang naman ako
  • @dmz01,

    sa specs ng Poco F3 may n78 5G pero hindi makakuha ng 5G signal ng Dito. May nagsabi naman sa ibang forum na Band 66 sa 5G ang gamit ng Dito. Walang Bang 66 sa 5G yung Poco F3.


    Anong MIUI version mo ba?

    Yung friend ko na naka MIUI V13.0.3.0.SKHMIXM eh nakakasagap and nakaka-connect.