Forum Topic

*Dito Telecommunity - 3rd Telco (Mislatel)

  • Hello mga boss. Share ko lang na nagkaroon bigla nang VoNR sa phone ko kanina. Mukhang tinetesting sya sa area namin pero after reboot nawala na ulit.

    <click here for link>
  • ^ nice kung ganun. Location boss?
  • @bisdakol

    Malolos, Bulacan ako sir. Try ko ulit kalikutin yung phone ko if masagap ulit.
  • ^ try mo chat support sabihin mo pa enable mo. hehe
  • Hello mga boss. Share ko lang na nagkaroon bigla nang VoNR sa phone ko kanina. Mukhang tinetesting sya sa area namin pero after reboot nawala na ulit.


    baka glitch lang sa phone mo yan paps, pag lumabas ulit try to make a call kung stable yung logo ng VoNR
  • @bisdakol

    Na contact ko na sir pero sabi nang CS wala pa daw silang ni rorollout na VoNR sa area pero pina document ko at nag pa file ako case. Baka need lang i escalate. Mukhang tinetest lang siguro for now kasi wala daw sa resources yung CS or update sa kanila na may VoNR. Prinovide ko din screenshot for reference. Sana ma activate para di nag fafall back sa LTE kapag may tumatawag sakin haha


    @Hamz

    Possible din sir kaso yung friend ko sa may Tarlac area may Vo5G/VoNR na sya stable daw.


    ————



    UPDATE: Binigyan ako survey with matching free 1GB data. Ewan ko if normal to Haha

    -- edited by Kaii_12 on May 05 2024, 01:32 AM
  • @Kaii_12

    Normal talaga kapag may pasurvey sila may libreng 1GB kung tumawag ka sa customer service nila. Ginawa ko yan kanina matapos tumawag ako para maka-activate ng VoWiFi sa Redmi Note 11 ko.
  • @kr0hng

    I see sir kasi ilang beses na rin ako nakasagot nang surveys pero this is the only time na binigyan ako nang 1gb free data. Hehe
  • curious lang kung meron ditong mga lugar walang signal during power outage?
  • Sa mga naka enable ang VoWiFi sa sim profile nila, nagana ba right now ang VoWiFi nyo ngayon? Di kasi nagana sa kin pero yung Smart sim ko nagana yung VoWiFi.
  • napapagana nyo ba ang ang face time at i message sa iphone using dito ?
  • Sa mga naka enable ang VoWiFi sa sim profile nila, nagana ba right now ang VoWiFi nyo ngayon? Di kasi nagana sa kin pero yung Smart sim ko nagana yung VoWiFi.


    Nawala din ung sa akin and kay misis starting Wednesday night. Smart Globe okay naman.
  • napapagana nyo ba ang ang face time at i message sa iphone using dito ?


    for me yes po. using iphone xs max. basta nakaon ang data at VoLTE pati call sa ibang network. not sure sa ibang model ng iphone xs max pababa. kasi kay misis ung iphone 8plus nya sa ibang sim like smart and globe nandun ung VoLTE option pero pag DITO sim na sinalpak nawawala. nakakatawag din naman sya sa facetime at iM/viber/whatsapp/messenger using her email add not DITO number kasi via data.
  • @bisdakol

    Salamat sa feedback. Mukhang may prob si DITO sa VoWiFi.
  • ^ antay nalang ako tawag ng tech support nila na escalate ko kasi. baka din kasi ninja moves ung pag activate ko ng vowifi.. LOL!

    -- edited by bisdakol on May 09 2024, 11:29 PM
  • @bisdakol

    Hehehe hndi naman siguro. Sa kin kasi may DITO sim settings pa din sa app at default sya na meron nung nag apply ako postpaid plan ni DITO.
  • Wala kasi sa compatible list ung unit ko. hehehe
  • regarding VoWIFI, sa mga ios user, activated na din ba VoWIFI ni DITO nagagamit nyo? or pang android pa lang?
  • regarding VoWIFI, sa mga ios user, activated na din ba VoWIFI ni DITO nagagamit nyo? or pang android pa lang?


    Sa iPhone 15 PM with iOS 17.5 RC until now walang vowifi kahit enabled sya sa app. Ok naman calls and texts. Kaso yung imsg at facetime ko with prefix na 0898 hindi pa rin na-activate. 5G still not functioning hopefully ma implement ni Apple sa PH yung toggle na SA only baka sakaling gumana na 5G ni Dito or ma certify na.


    @all

    Skl sa Xiaomi Redmi Note 12 and iTel P55 5G android phones ko nawawala yung VoWiFi na nang ilang araw di lumalabas sa signal icon ko pero kapag sa pocket wifi ko na smart lumalabas naman. Hindi ko sure if firmware issue sa device or sa side ni Dito kaya noong tumawag yung sales team nila for installation ko nang 5G home WiFi putol putol. May times din na nag no no signal sa Vito Cruz area.
  • Gumagana na ulit VoWiFi ng DITO. hehe.
  • ^ yes. Mukhang system issue.
  • Hello, question lang guys nakabitan ako home wifi ni Dito pero hindi ako makapag open port hindi naman naka cgnat yung ipv6 ni Dito diba? Hindi ko sure kung ano mali unless mag vpn ako.

    By the way, may na share sakin yung technician nila while installing my Home WiFi sabi malapit na daw ilabas yung fiber plans nila tapos same set-up daw sa 5G unli home wifi na 50% off. Sabi nya 200Mbps 745php for the first 6mos. Medyo nadulas pa sakin si kuya kasi ayaw sabihin yung ibang details.

    -- edited by Kaii_12 on May 17 2024, 07:51 PM