Palinaw naman mga sir, nag order kasi ako sa isang online shop ng laptop, nasa discription na Brand new old stock daw, at "good battery daw'.

Nang dumating ang item (laptop) tinest ko at napansin ko mabilis magcharge at mabilis din malowbat kahit magplay lang ng music, 15minutes lang lowbat na agad.

nag desisyon ako na ibalik ito, sinabi ko na defective ang laptop dahil mabilis malowbat. ayaw pumayag nung seller, pinipilit nito na dapat daw may "X" sign yung battery para masabing defective.'

Ang sabi ko, sila ang mas nakakaalam sa kundisyon nung laptop, sila ang nagtest bago ipadala sa buyer..sabi ko , kung nilagay nila sa discription nung laptop na 15mins lang ang itinatagal ng battery e di ko bibilhin yun,
pero nilagay pa rin nila na good ang battery at pinadala pa rin ang item.
Di daw masasabi kung gaano ang itatagal ng battery, depende daw sa app o program, ang sabi ko naman, tinest ko nga sa pag play ng music at sa tingin ko ay napaka normal naman yun sa isang computer.