Forum Topic

Usapan LPG pang luto/cooking - tips and tricks

  • napansin ko wala usapan ng LPG dito, saan ba tayo makaka tipid sa pag gamit ng LPG sa pag luto/cooking?

    kame gamit namin total gas (orange tank) - P530/11kg sa taguig city NCR

    baket eto gamit namin, di ko din alam, saan ba tayo makaka tipid?

    pasensya na, hirap ng buhay kase...

    Sources:

    DOE LPG info <click here for link>

    DOE LPG safety <click here for link>

    DOE LPG Price watch <click here for link>

    DOE fake LPG Cylinder and weight check <click here for link>

    -- edited by Adventure on Jul 03 2020, 01:14 AM
  • Hala mura ng gas niyo :( Sa amin 780
  • ano ba pinagkaiba ng mga brand na ito?

    MGas
    island
    total
    gasul
    fiesta
    liqui gas
    solane
    super kalan?
    gasulette?
    Shine gas
    PR gas
    Pryce gas
  • ^ ang distinction ng mga kilalang big brands sa mga hindi kilala ay quality control as in meron qc inspector na nag-check na dapat tama ang net weight, integrity ng tanke lalo na kapag may kalawang, quality ng valve, meron tamper protection seal at ibang quality standard parameters ng gas kasi pag may halong ibang hydrocarbons (latak) ang propane or butane ay blue flame ay nagiging orange flame or mausok....

    napansin ko sa ibang reseller ng other brand ay halos kalawangin ang mga tanke sa ilalim na very serious issue pagdating sa safety ng consumer at minsan dinadala sa mga discrete refiller so hindi na alam kung ano yun pamamalakad nila doon basta karga lang ng karga sa mga tanke
  • hindi ko na pansin yan tamper protection seal sa total LPG, sa susunod na bili namin ma check nga, baka kapiraso plastic lang na naka pasak sa valve yata?

    hmmmm, dito sa gamit namin (total lpg) di ko magawa yan blue flame (most efficient) lagi may yellow flame kahit ano adjust ko ng breather hole sa ilalim ng stove (todo bukas / mid open / sakal)
  • siguraduhin na tama ang timbang ng binibili nyo :)
  • Blue flame pag solane
  • Akala ko pa naman based sa research ko eh may pinagkaiba ang kulay ng tangke tulad ng blue eh butane at orange ay propane. Yun pla brand color lang at halo propane&butane ang LPG natin... 40/60 ratio

    mas mura daw yung butane? Ibig sabihin ba nun pwede ibahin ang mixture para maka tipid mga LPG sellers/brand?

    alin kaya mas mura, yung locally produced or yung imported?

    -- edited by Adventure on Jul 03 2020, 01:13 AM
  • MGas
    island
    total
    gasul
    fiesta
    liqui gas
    solane

    600 sa marikina mga ganito.

    blue flame naman sila na may onting orange. so baka may nakahalo.

    edit:
    question. yung net weight na 11 kg ay lpg + lalagyan?

    -- edited by songerph on Jul 02 2020, 12:36 PM
  • question. yung net weight na 11 kg ay lpg + lalagyan?


    yung weight na naka print sa tangke ay weight ng tangke pag walang laman...

    15.5 kg wight ng tangke + 11kg na lpg laman = 26.5 total weight ng tangkeng may laman...

    para malaman mo kung tama sa timbang yung mgas mo ay dapat 11kg less the total weight of tankeng may laman equals the printed weight of the tank...

    pag di nagtugma... under weight yung nabili mo at nadaya ka...

    -- edited by taobakoinay on Jul 02 2020, 01:26 PM
  • based dun sa LPG price watch (see page 1 on 1st post), pinaka mura na pala yung nabili namin, pero di dyan nag tatapos kase nga yung flame sa amin eh blue nga at may konti yellow, pinaka efficient kase pag blue lang tulad nung napapanood natin sa cooking show sa tv (modern na ngayon kaya pwede din sa youtube)

    may kinalaman ba yung lpg stove sa flame output? lets say bago lpg stove siya so wala pa mga carbon deposits (mura na lang kase lpg stove ngayon sa online wala pa P500 pag sale)
  • mostly ang design naman ng burner ng gas stove ay meron air vent sa dulo na adjustable para sa mixture ng air at gas.... kapag kulang sa hangin or close yun vent ay yellow flame ang makukuha at may usok (unburned gas) at kapag sobra na naman sa hangin or fully open yun vent ay blue flame at may ugong or maingay ang sunog kaya ina-adjust as desired yan na tama lang ang pagburn ng gas na blue flame hindi maingay... petron gasul ang gamit ko at full blue flame sya and since ang blue flame ang pinaka hottest compared sa yellow flame so mabilis sya makaluto






    regarding sa pagpili ng gas stove, yun dapat tingnan mo yun build quality kasi yun sobrang mura ay napaka-nipis ng ginamit na bakal
  • muntik na kami ma aksidente dati dahil sa mga fake/refiled na dati ay madami sa area namin. yung valve ng tanke ay hindi na umangat kahit dapat ay umangat pag tinatangal ang regulator.
    ililipat lang sana ng pwesto ang tangke dahil maglilinis ng kusina, pag ka tangal sa regulator aba sumirit ang gas. buti ay vacant pa lot sa likod bahay kaya na ihagis pa sa bakod.. hindi naman pumutok kaso bago pang bili at wala pa one week na nagagamit..

    mula nuon sa authorized dealer/reseller na kami bumibili.. :)
  • @taurexn - na subukan ko na po adjust yan breather hole sa ilalim ng stove, mula sa sakal, gitna at full open - same results lahat na di ko makuha yung pure blue flame, lagi may halo konti yellow

    ang hirap naman mag palit ng iba brand, pati regulator palit din... di naman pwede mag stock ng spare regulator kase masisira pag di ginagamit
  • Ang napansin ko lang, nung de-salpak pa ang regulator ng tangke namin, mabilis maubos gas, minsan nakakatakot pa dahil mahirap ikabit ng tama, sumisingaw. Nung nagpalit kami ng de-roskas, safer na sya, madaling ikabit, at pansin ko lang na mas tumatagal. Solane gamit namin.
  • Totoo ba sa 11kg na lpg eh meron ma titira mga 1kg sa tangke in liquid form pag ubos na yung gas tangke at masasayang lang?
  • ^ sa dating work ko meron lpg tank na singhaba ng bus at tuwing may maintenance si petron ay may pumapasok na tao sa loob sa empty tank para maglinis at maglabas ng sludge or latak. napaka delikado yan mga latak kasi kahit pinapaagos yan sa kanal papunta sa waste water treatment ay bawal yun mga sparks ng ngwewelding or naninigarilyo dahil pwedeng lumiyab ang mga yun. so totoo na may naiiwan latak ng gas sa loob ng tanke pero hindi enough na magcreate ng pressure para umagos sa hose at minsan yan ang palatandaan na kapag malapit na maubos ang laman na lpg ay humahalo ang vapor ng latak sa gas kaya dumidilaw ang apoy.

    yun timbang ng latak ay hindi rin maisama sa net weight kasi kapag nagkarga ng lpg tank ay ipapatong lang yan sa digital scale tapos re-zero tapos hihintayin lang ng bantay na maabot yun desired na timbang at disconnect na yun filler hose

    yun pagkarga ng gas sa malalaking lpg tank ay pwede rin sa timbang bale idaan yun tanker sa truck scale at compute na lang ang nabawas or sa mismong tanker ay meron yan meter gauge katulad sa dispenser ng gasolinahan na sinusukat per liter ang na-transfer na gas



    Ang napansin ko lang, nung de-salpak pa ang regulator ng tangke namin, mabilis maubos gas, minsan nakakatakot pa dahil mahirap ikabit ng tama, sumisingaw. Nung nagpalit kami ng de-roskas, safer na sya, madaling ikabit, at pansin ko lang na mas tumatagal. Solane gamit namin.



    buti nabanggit mo ito dahil 6 yrs na pala di pa ako nagpapalit ng hose at regulator ng gasul,,, baka this payday na lang, mahal kasi ang regulator nasa 500 yata bili ko noon at madaling isalpak sa gasul tank at hindi sya matatanggal kapag naka-open at may safety feature na kapag pag-open mo at malakas paglabas ng gas ay matic cut-off lalo kung nakalimutan i-off yun stove




    -- edited by taurexn on Jul 04 2020, 03:04 PM
  • ang gulo pala ng systema ng LPG regulator ng pang de-roskas (m-gas), nag tingin ako online, meron mura, meron mahal ,pero pareho lang sila ng itsura at features,\

    meron may safety device, meron may gauge, at meron plain lang. tapos may bad review pa na kahit ano higpit nya sa hose nag leak pa din, aba hindi ba standard ang laki ng mga output pipe nito?
  • ec gas ung gamit namin pricey nga lang pero safe naman
  • @sephy

    totoo po ba mga claims ng ec gas tulad ng mga sumusunod?

    1. translucent, visible LPG level - talaga ba makikita mo pa remaining na laman?
    2. auto shutoff if output exceeds 1kg per hour
    3. auto shutoff if hose is ruptured / disconnected

    yung iba di ko na itatanong kase obvious naman na rust free siya kase plastic

    nasa magkano level po siya (estimate?)

    baket kaya di mag click o bumenta ito EC gas, dito sa amin iisa ang dealer sa buo taguig city
  • meron ako na basa, ang LPG stove consumption pala ay .27kg per hour

    so kung P530 per 11 kg ang LPG = P48 per kg = P12.96 per hour

    kung mag induction cooker naman ay 1500w /1000 (kwh) x 1 hour x P9.75/kwh (estimate price) = P14.625 per hour

    kung mag induction cooker naman ay 1000w /1000 (kwh) x 1 hour x P9.75/kwh (estimate price) = P9.75 per hour

    tama ba computation ko?






    -- edited by Adventure on Jul 06 2020, 11:50 PM

    -- edited by Adventure on Jul 06 2020, 11:50 PM
  • @adventure

    1. Yup. No need buhatin or hawakan. Mkikita mo tlaga xa in case na malabo ang mata ilawan mo na lang ng flashlight.
    2. d ko namn pa naeexperience wala namn kc pa nliliuto c misis na umaabot sa 1kg output
    3. same as number 3 pero un nga sinsabi nung naginstall.

    looks good talaga kc walang kalawang. pag nahawakan mo xa ramdam mo na maganda ung build quality.
    5.8k po ang initial na maggastos mo, complete set na xa at ksama na din dun around 1.5 -2k refundable kapag binalik mo ung lalagyan sa kanila. mabilis ung delivery if maubusan ka. Refill is 500

    i think sa pricepoint kaya hindi xa magclick also sa marketing d ko alam na may ganito pala, nakwento lang ito nung kasama ko sa work.

    -- edited by sephy on Jul 10 2020, 05:11 PM
  • Hi! not sure if my initial message was posted, so here again:

    does the gas stove brand has anything to do with gas consumption? Yung previous stove namin is Standard brand and umaabot ng 2 months or more before we refill. now we are using La Germania and for the past 3 months we have been refilling every month ( minsan less pa). We have it checked na for leaks or anything pero okay naman ang installation.
    the only thing different na napansin ko is that the size of the burner is bigger so mas mas malawak ung flame. is this the possible reason? or are there brands na talagang malakas ang consumption?

    Thanks in advance sa magaadvise.
  • ^or it could also be the content of the lpg itself. Di maiiwasan na minsan baka kulang din ang laman. Pag madalas ang pag gamit, mas malakas din ang konsumo.
  • @90boi

    salamat sa reply. actually, nung first month pa lang na napansin namin 1 month lang ang tinagal ng gas, we shifted to Petron Gasul. mas mahal pero trusted btand naman. pero same thing. ganun pa din 1 month refill ulit. so we were thinking the stove itself might have something to do with it. so baka magpalit kami ulit ng stove na gas-efficient brand (if there is such a thing heheh)

    * ung usage namin is the usual naman din. actully mas madalas pa nga before because of lock down, we always cook. lately less na kasi we were out for work.

    thanks again!