Forum Topic

DC Inverter Aircon Thread (Aircon roundup and FAQ on page 1)

  • For efficiency purposes, mas ok ba na takpan na rin yung drain hole sa ibang inverter window type aircon or applicable lang eto sa Gree (by design)?

    Read the manual first to confirm that the unit uses a slinger fan for the condenser. Sa old LG conventional AC ko dati, I had the option to fit a rubber stopper plug (to go dripless) and a plastic fitting to let the condensate drip. IF the unit has that option, then you know what to do.
  • Question lang po. Bibili po kasi ako ng Aircon pero yon kwarto ko currently around 5 sqm lang po. Pero around next yr lilipat po kasi ako di ko sure yon sukat ng room pero sure ako more than 5 sqm po. Ok lang po ba bilhin ko na is 1hp since lilipat rin naman ako and ayaw kong bumili ulit kung sakali. Maraming salamat po
  • forimbajosh21 Send Message View User Items on 07 Apr 21 @ 09:56 PM - User is online #
    Question lang po. Bibili po kasi ako ng Aircon pero yon kwarto ko currently around 5 sqm lang po. Pero around next yr lilipat po kasi ako di ko sure yon sukat ng room pero sure ako more than 5 sqm po. Ok lang po ba bilhin ko na is 1hp since lilipat rin naman ako and ayaw kong bumili ulit kung sakali.


    medyo komplikado yata. parang yung aircon mo ang magiging basehan mo sa lilipatan mong apartment(?)
    babalik na naman tayo sa provision, paano kung hindi magtama yun nabili mong AC dun sa lilipatan mo.
  • medyo komplikado yata. parang yung aircon mo ang magiging basehan mo sa lilipatan mong apartment(?)
    babalik na naman tayo sa provision, paano kung hindi magtama yun nabili mong AC dun sa lilipatan mo.


    I see po sir. So mas better na bumili ng .75hp ngayon then mag upgrade nalang pag lipat. Tama po ba?
  • NO. hindi rin ayos yun upgrade na lang later, doble gastos ka pa.

    questions lang;
    guaranteed ba na makukuha mo yun target mong lilipatan?
    if yes, confirmed ba yung sukat ng room?
    alam mo na ba ang provisions nung apartment(?) when it comes to AC installation kung sakali? alamin mo muna.

    kung lahat ng sagot mo ay NO, wag ka muna basta bibili. dapat confirmed muna lahat. para kang pupusta sa sugal nyan.
    ang masaklap pa, baka sa huli ay maghahanap ka ng ibang apartment para sa nabili mong AC O_O

    -- edited by statix on Apr 07 2021, 11:21 PM
  • Normal apartment or condo lang naman po sir statix yon lilipatan. No idea pa kung ano yon exact size and wala pang exact room since next year pa po hahanap pag humupa na yon covid. Pero mostly 15 - 18 sqm po estimation ko. Since WFH po kasi ngayon mahirap rin mag trabaho ng mainit.
  • forimbajosh21 Send Message View User Items on 07 Apr 21 @ 11:22 PM - User is online #
    Normal apartment or condo lang naman po sir statix yon lilipatan. No idea pa kung ano yon exact size and wala pang exact room since next year pa po hahanap pag humupa na yon covid. Pero mostly 15 - 18 sqm po estimation ko. Since WFH po kasi ngayon mahirap rin mag trabaho ng mainit.


    pero malabo pa rin yan paps. but since WFH ka pala at badly need an AC, bumili ka na nga. ibenta mo na lang next year kung sakaling hindi talaga uubra sa lilipatan mo.
    ok na yan .75hp sa current room mo. browse ka rin sa page 01, may line up ng mga brands dun along with the FAQ.
  • pero malabo pa rin yan paps. but since WFH ka pala at badly need an AC, bumili ka na nga. ibenta mo na lang next year kung sakaling hindi talaga uubra sa lilipatan mo.
    ok na yan .75hp sa current room mo. browse ka rin sa page 01, may line up ng mga brands dun along with the FAQ.

    Noted sir statix, maraming salamat!
  • ciao! ;)
  • @statix
    ginawa yan ng cousin ko, bumili nalang ng kung ano ang kasya sa existing studio type
    tapos always ON, para lang din mainit pero di rin talaga malamig
    IIRC may electric fan pa
  • So I am torn na between the Daikin D-SMART Queen Inverter or Daikin D-Smart Inverter vs LG Dual Inverter na 1.5HP.
    Sa palagay nyo alin ang mas worth it?
    So nakapag-inquire na sa mga nagbebenta online ang concern ko na lang, ayoko kasi na nakalabas yung tubing sa kisame so tinatanong ko sila kung pwede bang ang tubing ay ipasok nila sa kisame para naman hindi siya panget tingnan. Willing naman ako pabutasan yung ksame namen ang magbutas sila sa car park kasi yun lang talaga ang may space para sa condenser or outer unit ng split type.

    Baka kasi mamaya tamarin ang magi-install eh hindi nya pasukin ang kisame at di nya idaan doon yung tubing. Yung sa katabing bahay ko kasi 21 feet ang inabot ng tubo nila and nakalabas lang sa kisame kaya plan nya na palagyan ng takip para lang di panget tingnan yung kanilang kisame dahil sa naka-mount na bundled tubes ng aircon.
  • +1 Daikin
  • +1 Daikin (Highly Recommended)

    -- edited by keymaster on Apr 08 2021, 09:25 AM
  • @forim
    Pero mostly 15 - 18 sqm po estimation ko.

    You need at least a 1.5hp aircon for that space. My suggestion is for you to buy a cheap 2nd hand 0.65hp or 0.75hp conventional aircon for now. You can get one for as low as 5k (prolly even lower!) Then kapag nakalipat ka na, ditch that then get a new inverter unit that is perfectly suited for your new space. It goes against my recommendations since bibili ka ng conventional unit but if you can get one dirt cheap, then it will do just so you can work from home comfortably.

    BTW, when we moved to our new house, I posted our 0.65hp Condura 6X for only 2.5k and it was sold the next day. Kaya maraming ibang units na makukuha mo for around that price kung tutuusin.

    -- edited by Godai_Yusaku on Apr 08 2021, 09:32 AM
  • Sad to say, mukhang mapipilitan akong pumili ng ibang Split Type dahil tumawag na ako sa Ray and Js. Nalaman ko na ang plug pala ni Daikin ay sa Outdoor unit hindi sa Indoor unit. Eh yung sa loob ng kwarto may abang na outlet for the Aircon. And ang mangyayari kapag daw wala saksakan para sa indoor unit, maglalagay sila. Eh dadaan pa sila sa mainit at madilim na kisame na naman namin para lang gawin yon. Hindi kaya hassle sa kanila iyon?
    Hindi kasi ako magaling makipag-usap sa mga nagi-install ng ganyan, kahit sa mga repairman eh.
  • @norberto
    Nalaman ko na ang plug pala ni Daikin ay sa Outdoor unit hindi sa Indoor unit. Eh yung sa loob ng kwarto may abang na outlet for the Aircon. And ang mangyayari kapag daw wala saksakan para sa indoor unit, maglalagay sila. Eh dadaan pa sila sa mainit at madilim na kisame na naman namin para lang gawin yon. Hindi kaya hassle sa kanila iyon?

    FYI, ang power connection ng HALOS LAHAT na split type AC ay nasa outdoor unit. This is primarily because nasa outdoor unit ang main PCB. Kung may makita ka man na ST unit na may plug na antimano (Reina aircon), that just means may wire siya from the outdoor unit na pinapapasok lang sa loob para doon isaksak malapit sa indoor unit.



    Now if ayaw mo ng isolation breaker sa labas which R&J recommends and insist mo na gagamitin yung saksakan sa loob, likely papayag lang sila if gagamit ka ng 15A safety breaker na ilalagay sa ibabaw ng existing outlet mo..



    Though kung sa akin yan, ang gagawin ko is I'll rip out the outlet, install a 4-breaker din rail enclosure over the box, then wire up a 15A breaker, a surge arrester, and a wifi wattmeter just like what Statix is planning. That way eh isang gawaan lang. Everybody happy pa!

    -- edited by Godai_Yusaku on Apr 08 2021, 10:47 AM
  • @norberto
    don't worry, papasok sila sa kisame no matter what. pinasok nila(RnJ) yung kisame ng offfice/clinic ng brother ko nung nag-install sila ng bagong unit. binaklas kasi nila yung old tubings/power lines.

    edit:

    gaya ng sabi ni godai, most ST ACs wala talagang power plugs. designed kasi sila na walang exposed na power cord/cable sa indoor unit once installed for aesthetics. power supply should be going directly sa outdoor saka papasok papunta sa indoor running along with the copper tubes.
    tho pwede rin naman yung option ni godai na maglagay ka ng breaker malapit sa indoor unit, kung ok nga lang sayo na meron kang exposed na wirings sa loob ng room mo.

    kung ayaw mo(ako ayaw ko kasi), mag-tap na lang kayo dun sa existing outlet papunta sa outdoor. secure the line with moulding para presentable.

    -- edited by statix on Apr 08 2021, 11:05 AM
  • @ninja
    ginawa yan ng cousin ko, bumili nalang ng kung ano ang kasya sa existing studio type
    tapos always ON, para lang din mainit pero di rin talaga malamig. IIRC may electric fan pa

    Baka undersized for the space and babad pa sa afternoon sun? Hehehe. But given na 5sqm lang naman yung intended space, ubra na actually kahit 0.65hp. kung pantawid lang naman. Pero yeah pamatay ang electric bill lalo kung babad sa afternoon sun.
  • Godai_Yusaku [TS] Send Message View User Items on 08 Apr 21 @ 11:40 AM - User is online #
    @ninja

    ginawa yan ng cousin ko, bumili nalang ng kung ano ang kasya sa existing studio type
    tapos always ON, para lang din mainit pero di rin talaga malamig. IIRC may electric fan pa


    Baka undersized for the space and babad pa sa afternoon sun? Hehehe. But given na 5sqm lang naman yung intended space, ubra na actually kahit 0.65hp. kung pantawid lang naman. Pero yeah pamatay ang electric bill lalo kung babad sa afternoon sun


    nakaka dismaya lang yung ganun diba?
    and yes, the fact na marami ang na-overlooked ang high noon/afternoon sun exposure. kahit yung mga bago pa lang magtatayo ng bahay? marami pa rin kasi ngayon even those decent ones naitayo yung bahay ng hindi nagdaan sa engineers at architects. tho pirmado ng engineers/architects pero for show purposes lang. yun may ari din ang nasusunod. the insulation also, SOP na dapat yan sa lahat ng itatayong bahay que mag AC ka or hindi. nakakapanghinayang lang at marami pa rin ang hindi nagppractice nun.
  • ^ In the two times that I had the chance to build a house, my first requirement was always to build the bedrooms away from the afternoon sun. And for the one bedroom now that I had no choice with, I opted to use an EPS sandwich wall and reflective colored glass panels sa windows. So far presko naman yung room and doesn't absorb heat from the afternoon sun.
  • ^nailed it! the way it should be ;)
  • ano ba pinaka maliit na capacity (HP) ng ST aircon? .8 hp sa daikin? baket ang tollgate sa nlex or slex ba yun wala pa yata 1 or 2 sq meter ang isa toll teller pero tig iisa sila ST aircon, di ko ma alala kung sharp yata yung brand na naka install ngayon?
  • Adventure Send Message View User Items on 08 Apr 21 @ 01:48 PM #
    ano ba pinaka maliit na capacity (HP) ng ST aircon? .8 hp sa daikin? baket ang tollgate sa nlex or slex ba yun wala pa yata 1 or 2 sq meter ang isa toll teller pero tig iisa sila ST aircon, di ko ma alala kung sharp yata yung brand na naka install ngayon?


    just imagine or feel the heat around the toll booths, aside from the radiating heat coming from the pavements? isama mo pa yun heat na naiiwan ng bawat vehicles na humihinto doon., parati pa bukas ang window ng booth,,, kailangan talaga nila ng malakas na AC.
  • Salamat mga sir.
    So ayon, Daikin na nga ang aming final say. Unahin muna ang Split Type kasi don sa Master's Bedroom. And sabi ng kapatid ko ay kung wal achoice gamitin na lang yung outlet sa car park pakabitan na lang ng breaker and later on na lang ulet magpalagay ng extra outlet.
    Now last question, Ok na ba kung yung standard na D-Smart inverter lang kunin namin? Sabi kasi nung sa Ray n J's pareho naman daw sila tipid ni D-Smart queen may intelligent system lang daw si Queen like Smart eye, blue filter etc. I checked the functions nung dalawa don sa site ni Daikin di naman sila nagkakalayo. So ang tanong, given the tight budget but can extend an additional like 5K for the unit itself, worth it ba na mag-upgrade na lang sa Queen or stick na lang sa standard ST ng daikin? salamat.
  • So ang tanong, given the tight budget but can extend an additional like 5K for the unit itself, worth it ba na mag-upgrade na lang sa Queen or stick na lang sa standard ST ng daikin? salamat.

    Sa 1.5hp ng D-Smart vs. D-Smart Queen, sulit ang Queen because mas malaki ang outdoor unit. (550 x 658 x 275 < 550 x 675 x 284) Mas malaki pa ang advantage ng Queen kapag 1hp dahil mas malaki pa lalo ang outdoor unit. (418 x 695 x 244 < 550 x 675 x 284)

    Sa 2hp ng D-Smart vs. D-Smart Queen, same size na ang outdoor units nila. At this point, mas sulit na ang D-Smart dahil yung bells and whistles na lang ang advantage ng Queen units. (595 x 845 x 300 = 595 x 845 x 300)

    1-1.5hp <-- Queen is a better pick but not so much sa 1.5hp
    2-2.5hp <-- D-Smart has better value

    Again, pagdating sa radiator sizes ng inverter units, SIZE DOES MATTER.
  • ^meron din naman smart eye and blue fins itong standard D-smart(FTKV35QVM) 1.5hp ko paps. hindi ko lang alam kung mas malaki ang dimensions ng heat exchangers/radiators ng Queen series.
    ang obvious lang na nakita ko na difference dun sa Queen series ng niece ko na wala sa D-smart ko are;

    *may .5 °C increments sa temp settings
    *remote back light
    *2yrs na "yata" ang warranty sa PCB vs 1 yr lang sa standard D-smart(better to confirm with RnJ)
    *plus the new fascia

    and i agree na parehas lang matitipid sa konsumo ang mga yan regardless of brand and model. it's up to you na lang siguro kung doon ka na sa mas bago/modelo plus the difference na nabanggit ko dun sa itaas, is it worth for you the 5K price difference within?
    some would go for the standard D-smart for less, others for the Queen for obvious reason with the new add-ons.
    if i'm about to buy a daikin again today? Queen na kukunin ko, flat out,, it's me ;)

    edit:

    ayun, confirmed na ni godai ang dimensions ng rads nung dalawa hehe

    -- edited by statix on Apr 08 2021, 07:49 PM
  • ^yung newer DSmart (TVM) wala ng smart eye. Same na rin siya ng warranty sa Queen, 1 yr parts, 3 yrs PCB, 5 yrs compressor.
  • Dahil summer na nga talaga, binalik ko muna ulit sa no-drop mode yung mga WT units namin. Sa June ko na lang ulit ikakabit mga drain.
  • So I am torn na between the Daikin D-SMART Queen Inverter or Daikin D-Smart Inverter vs LG Dual Inverter na 1.5HP.
    Sa palagay nyo alin ang mas worth it?


    Same scenario ako last month. Pinagpilian ko din Daikin and LG. I ended up with LG 2.5HP Deluxe w/ air purifier. Edge ni Daikin is the PCB warranty while LG has it's app with energy monitoring and with my experience maayos naman LG AC's. I also have another LG compact WT AC that also works with the app so it's really nice to have that tangible feature.

    -- edited by mccoy on Apr 09 2021, 02:20 AM
  • Dahil summer na nga talaga, binalik ko muna ulit sa no-drop mode yung mga WT units namin. Sa June ko na lang ulit ikakabit mga drain.


    how do you select these modes on panasonic wt?