Forum Topic

DC Inverter Aircon Thread (Aircon roundup and FAQ on page 1)

  • Not to familiar with kolin, how the reliability & service of this brand?
    anyone using the KAG-145WCINV
    thanks for the input.
  • bigla nag E0 ung TCl kei. 2 months pa lang ginagamit. bakit kaya nagkaganito


    2.5HP TCL E0 pa din problem until. Now, napalitan na outside board worth 15k, nawala na error. But hindi lumalamig. Per TCL tech, indoor board naman sira worth 2k. Pinalitan, kaso di daw compatible ipinalit. Ngayon babalik nanaman daw sila. Haist
  • @musicgeek

    I see, maraming salamat po, I guess baka mag LG nalang po ako since nakakapanghinayang mag Daikin sa mga panahon ngayon pero moreover rin dahil gusto ko sana ng smart features since smart na yung room ko and as far as I know may extra po na babayaran kapag gawing smart si Daikin?

    Ano po usually sumisira sa pcb? Plano ko sana gawan ng maliit na shed yung outdoor unit. May 4 na metal poles sa bawat corner na pa square then maglagay ng tirang yero tapos fine wire mesh na naka wrap duon sa 4 na poles para walang makapasok na insecto/butiki/etc.

    Yung sa LG po ano pong models nila? May 2022 models po sila or mga luma rin po?
  • As far as I know may extra po na babayaran kapag gawing smart si Daikin?

    Yes I think yung current Daikins need to install an optional module to make it Smart. Whereas LG has it built in na so no need to pay extras for it.
    Ano po usually sumisira sa pcb?

    Most common are power surges including thunderstorms, improper cleaning- nababasa ng tubig yan board pati na din current feedback triggered by pressurized water through the fan motor so its safer to remove the pcb module during cleaning. Only experienced & meticulous cleaners can be relied upon to do this job.
    Plano ko sana gawan ng maliit na shed yung outdoor unit.

    You can refer to @static's post about his nicely built awning for his Daikin OU. He reposted the pics here about a week ago.
    Yung sa LG po ano pong models nila? May 2022 models po sila or mga luma rin po?

    Not sure with LG, you may refer to their website for details.
  • @uninvited
    2.5HP TCL E0 pa din problem until. Now, napalitan na outside board worth 15k, nawala na error. But hindi lumalamig. Per TCL tech, indoor board naman sira worth 2k. Pinalitan, kaso di daw compatible ipinalit. Ngayon babalik nanaman daw sila. Haist

    Yes, medyo mahina ang tech ng TCL mainly dahil di nila kabisado ang troubleshooting ng units nila. But if they invested heavily sa training ng technicians sa troubleshooting ng units nila, di yan aabot sa ganyan. It will be some time before mag-mature ang technicians pagdating sa troubles ng TCL units..
  • Yes, medyo mahina ang tech ng TCL mainly dahil di nila kabisado ang troubleshooting ng units nila. But if they invested heavily sa training ng technicians sa troubleshooting ng units nila, di yan aabot sa ganyan. It will be some time before mag-mature ang technicians pagdating sa troubles ng TCL units..

    Iba-iba din yung pumupunta so walang continuity yung troubleshooting.
  • Iba-iba din yung pumupunta so walang continuity yung troubleshooting.

    Ito ang hirap kapag ang tinawagan mo ay service desk lang. Random ang papupuntahin na service technician. But kapag ang may hawak ng warranty call ay yung dealer na gaya ni Ray & J, they make sure na same person ang pupunta.

    Sa WT na LG ko dati, their SD referred me to a nearby dealer who took on my warranty call. It turned out may bara sa linya ng refrigerant and need i-reprocess yung unit that was 1 month old. Yung mismong owner ang nagpunta and umasikaso sa akin na nag-iwan pa ng service unit for us to use. I ended up sticking with them for the life of the unit. Kapag ganun na level ng service ay matutuwa ka talaga. But kapag ganyan na kung sino-sino ang papupuntahin, pitik bulag ka na lang.
  • cleaned my dorm aircon at dahil gusto korin sanang linisin yung cylindrical indoor fan dahil super kapal ng dumi dahil kuarto na kusina pa hehehe, tinanggal ko yung rubber sa dulo, BIG Mistake! di pala lalabas yung fan. Ang problema dikona maibalik yung rubber na may bearing para humawak nung Fan, parang need yata sa loob manggaling yung pagbalik nya, ayun sinandal ko nalang sa case at buti umabot yung pin ng fan doon sa bearing kahit di fully inserted.

    inisprayan ko nalang yung fan ng kitchen cleaner at medyo natanggal yung mga mantika alikabok combi sa loob nya. Dati kasi twing start ko sya daming Black bloobs na nahuhulog sa kama ngayon halos wala na. last clean ko ay 5 years ago kasi tumulo sya, ayung barado yung labasan ng tubig sa dami ng alikabok na nabuo. Now ganda parin ng lamig nya kahit sa 26•c setting.


  • ^ Wow that is one FILTHY aircon! It is now singing in joy after you gave it a good clean! Xie xie ni lao fan! Hehehe
  • 2.5HP TCL E0 pa din problem until. Now, napalitan na outside board worth 15k, nawala na error. But hindi lumalamig. Per TCL tech, indoor board naman sira worth 2k. Pinalitan, kaso di daw compatible ipinalit. Ngayon babalik nanaman daw sila. Haist


    katatapos lang gawin ng technician from ecoleon. inilipat nya lang daw ung wire. pag nagloko daw uli, gamitin ko ung papel na binigay nya para mabalikan nya. kinuhanan nya na rin ung mga part numbers kung kakailanganin. sana di ko agad kailanganin si kuya
  • ^^^^

    Lol, yung sa in-law ko din naayos na yung 2.5HP TCL nila, na solve na nung pinalitan inside board.

    So almost 20k nagastos for outside and inside board....
  • So almost 20k nagastos for outside and inside board....

    Ouch. Practically the price of a new aircon..
  • Finally had my Daikin D-Smart QUEEN Inverter 1.0hp FTKC25TVM installed this morning by Ray & J's. Okay naman sya mabait at matiyaga pala talaga mga taga-Ray & J's mag 2 1/2 hours din bago nila natapos.







    Special thanks to Godai_Yusaku for the recommendation.

    -- edited by ccl2003 on May 16 2022, 11:29 PM
  • Ouch. Practically the price of a new aircon..

    Almost half. Sa pagkakatanda daw nila, 45k ish yung unit+installation 3-4 years ago.
  • ^Our end-story might be different pero ayan pricey PCB replacement (17.5k) nagtrigger sakin to buy a bnew Daikin in lieu of repairing my now defunct Panasonic ST back in 2019. I just felt it ain't worth it not with a 6 yrs old unit, naka ROI na naman and approaching its obsolescence na that time when parts will no longer be available soon. Hope yours will lasts and won't bump into the issues that made me decide against the repair works.
  • @ccl

    Congrats sa new aircon sir!! Swerte pa na malapit lang sila sa inyo. Cool days ahead!! =)

    @uninvited

    I forgot na 2.5hp nga pala yun. Grabe half the cost na nga if 45k ang bili that time. I cringe at the thought of how the customer ends up paying for yung kahinaan ng technician. Paano kung ayos pala yung outdoor PCB to begin with? Sad.

    I remember sa amin sa corporate, if the cost of repair is already at half the price of the asset, ang decision is to scrap and get a new one na agad. Hopefully ay tumagal pa yung unit.

    -- edited by Godai_Yusaku on May 17 2022, 12:11 AM
  • @sir GY, yes sir very happy yung aircon at nagulat ako dahil halos doble yung buga ng hangin nya ngayon. ang laki pala ng difference pag napuno ng dumi yung fan ng indoor unit tapos nalinis sya.
  • Lol, yung sa in-law ko din naayos na yung 2.5HP TCL nila, na solve na nung pinalitan inside board.

    So almost 20k nagastos for outside and inside board....


    Paano kung ayos pala yung outdoor PCB to begin with? Sad.


    ung sirang part ba kinukuha din nila?
  • Apparently may 3 months warranty naman yung parts na kinabit and if hindi naman yung part na yun ang sira, hindi daw pababayaran. Since board yun, can simply just install/uninstall with minor effort.

    Btw TCL accredited/service center naman yung kausap so I think reliable naman yung info.
  • Btw TCL accredited/service center naman yung kausap so I think reliable naman yung info.

    Good to know sir. And good na may warranty sila na binigay.
  • ok lang ba magdamag naka dry mode for daikin?
  • @musicgeek

    I see, sige po I think I'll go with LG, pero check ko rin po muna if may bago silang models. Just checking this page 267 I can see the 17.5k pcb replacement kay TCL, how much po ang estimate kay LG?

    Maraming salamat po sa info sa causes ng pagkasira ng pcb, will try to find the best person for the job and inform them po on this.

    Na check ko narin po yung awning niya and support, although isn't it still susceptible parin po na pasukan ng insekto/butiki? Would it be better na lagyan siya ng fine mesh or mosketero?
  • Na check ko narin po yung awning niya and support, although isn't it still susceptible parin po na pasukan ng insekto/butiki? Would it be better na lagyan siya ng fine mesh or mosketero?

    Great idea ito to keep out lizards that may take up residence in your condenser unit. But in real world application ay hindi it practical dahil mabilis mabarahan ng alikabok yung screen mesh lalo if nakatira ka sa heavily populated area. Now if tipong may OC tendencies ka na talagang weekly ay lilinisan mo yung screen para hindi ito mabarahan ng alikabok (and dust bunnies) ay go ahead lang as it will definitely protect against lizards.
  • For the 2nd time lumagpas ng 5K ang bill ko sa kuryente.
    I am using Daikin 1.5 SPlit-type inverter sa room ng Mother ko and isang Compact na LG Window type dual inverter na 1.0 naman.
    Yung sa Nanay ko binubuksan lang nila from 7PM iyon to 5 or 6 AM kinabukasan temperature ay hindi bababa ng 23, yung sa room ko naman it is always on, kapag aalis ako naman naka-energy saving mode siya and ang temperature setting nya ay around 21 to 23 degrees. Are there other tips para makatipid sa kuryente?
  • Are there other tips para makatipid sa kuryente?

    Dami kong tanong..
    1. Ano ang target temps ng both aircon units? Fan speed?
    2. Ano ang sukat ng rooms in square meters?
    3. Well-insulated ba both rooms? Tinted windows, curtains, and insulated ba ang roof?
    4. Saan located ang rooms? 1F of 2F? Babad ba sa afternoon sun?
    5. Saan located yung outdoor unit ng Daikin? Bilad ba sa araw? Post a pic if possible.
  • Dami kong tanong..
    1. Ano ang target temps ng both aircon units? Fan speed? sa LG - 21 po, sa Daikin - 24
    2. Ano ang sukat ng rooms in square meters? sa LG - 12 sqm (kung tama pagkakatanda ko) sa Daikin - 17 sqm may restrooms po both
    3. Well-insulated ba both rooms? Tinted windows, curtains, and insulated ba ang roof? Yung sa Daikin, yes well insulated naman though lagi nakabukas pinto ng CR sa room kasi don nagbabawas ang pets ng nanay ko. Sa LG - Naka-Jalousy na window na may siwang na (actually matagal ko na napansin ito di ko lang maipa-repair kasi plan ko papalitan na yung bintana mismo.
    4. Saan located ang rooms? 1F of 2F? Babad ba sa afternoon sun? Both sa 1st floor lang po.
    5. Saan located yung outdoor unit ng Daikin? Bilad ba sa araw? Post a pic if possible. Outdoor unit is hindi naman po bilad sa araw, nasa loob po siya ng garahe namin na may roof naman. Sorry di ko po ma-picturan wala pa kasi sa bahay eh.

    before kasi ang bill lang ay di lumalagpas ng 4000 eh, pero nakakagulat lang tumaas siya nang ganito since April.
    Salamat po pala sa inyong pag-reply.
  • @norberto
    1. Ano ang target temps ng both aircon units? Fan speed? sa LG - 21 po, sa Daikin - 24

    Ayun dito pa lang meron na agad. I suggest itaas mo yung target temp mo dahil medyo mababa ang target temp mo. If you see yung settings namin sa page 01, most of us are up to 24 lang. Ako nga 25 lang before summer then lately lang nag-24 kasi bitin na sa 25 no thanks to the summer heat.
    2. Ano ang sukat ng rooms in square meters? sa LG - 12 sqm (kung tama pagkakatanda ko) sa Daikin - 17 sqm may restrooms po both

    Page 01 would tell you that your mom's AC is just right but yours is borderline undersized. Paired with a 21deg target temp, you are sure to consume a lot of electricity. Likely you're already stuck with that compact unit so one way to cut the power cost would be to get an air circulator fan (e.g. vornado) to improve the air circulation in your room.
    3. Well-insulated ba both rooms? Tinted windows, curtains, and insulated ba ang roof? Yung sa Daikin, yes well insulated naman though lagi nakabukas pinto ng CR sa room kasi don nagbabawas ang pets ng nanay ko. Sa LG - Naka-Jalousy na window na may siwang na (actually matagal ko na napansin ito di ko lang maipa-repair kasi plan ko papalitan na yung bintana mismo.

    Ok lang actually yung bukas ang pinto ng CR sa room ng mom mo. But dapat closed din yung window ng toilet or exhaust fan or else you guys are wasting all that cool air. Ubra naman ang jalousy windows so long as you seal the gaps. I suggest you buy some foam tape to seal those gaps for the meantime.

    Beyond those mentioned above ay mukhang okay naman na. Also remember na summertime ngayon kung kaya expected na ang higher electricity bills. And for setups like your room na walang headroom ang unit, hirap talaga yan na mag-operate in the same level sa hindi summertime. Good luck!
  • @Godai_Yusaku [TS] salamat sa tips and sagot sir.
    Check ko yung sa Page 1.
    Baka nga sa temperature, pero kasi eversince na naikabit itong si LG ay nasa 20-21 lang ang temperature nya. Ginagawa lang na 23-24 kapag aalis ako. Actually mainitin ako yung 21 nga mainit pa saken. hehehe. Not sure why kahit sa room ng Mother ko ako nakikitulog non kapag tipid sa kuryente, sine-set ko siya sa 20 yung Daikin nya. But anyway, sige itry ko nga i-set ang target temp nito. Salamat ulet
  • @tipidpisti
    Just checking this page 267 I can see the 17.5k pcb replacement kay TCL

    20k for indoor+outdoor pcb for TCL 2.5hp capacity; 17.5k (inclusive of labor) for indoor unit only for Panasonic 2.0hp nun 2019 quoted for my unit yan
    how much po ang estimate kay LG?

    Roughly 8 to 10k per indoor outdoor unit parts halos kapresyo sila ng Daikin
  • norberto Send Message View User Items on 19 May 22 @ 02:36 PM #
    Baka nga sa temperature, pero kasi eversince na naikabit itong si LG ay nasa 20-21 lang ang temperature nya. Ginagawa lang na 23-24 kapag aalis ako. Actually mainitin ako yung 21 nga mainit pa saken. hehehe.


    i'm just echoing what godai said; definitely nasa temp settings mo nga yan.
    may room thermometer ka ba? i'm just wondering kung ano ang room temp reading mo with your target temp set @ 24~21°C.


    my bedroom AC now in need for cleaning, but i can't find a slot for a schedule from RnJ na hindi conflict sa schedules ko this month. or i have to wait until the first week of june na. peak season kasi, oh well,,,,