Forum Topic

DC Inverter Aircon Thread (Aircon roundup and FAQ on page 1)

  • meron na kayang ganyan sa atin na mga split type pero yung mga indoor unit nila Floor standing na AI na daw




    <click here for link>

    <click here for link>
  • @statix @Goddai
    Pakiramdaman ko mna, wala nmn kc error message. Will check also the voltage line itself. Ung previous non imverter ac nakainstall dun, wala nmn naging problem
    @nesty
    so far, wala ako makita na child lock na option sa unit. will also check the app.
    thanks guys!
  • @statix

    para syang nga kadumi sa left side and sa ilalim also left side parang marka ng moisture kung saan nakakabit ang drain pipe at copper tube
  • @flubby
    may dripping ba sya ngayon? kung wala naman it could be stain ng moisture(previous).
    btw, mas mataas ba ang location ng OU sa IU mo. if yes, my hunch would be; by gravity yun condensation sa copper tube ang nag drip papasok dyan sa IU mo.
  • Mga masters, baka pwede kayo mag suggest ng dealer na subok nyo na for Gree window type 1.5HP?

    I've checked na din sa website nila the dealers, pero iba pa din kapag meron na nakasubok sa service :)


    BTW, nalilito tlga ako, dito sa forum sinasabi na 5yrs warranty PCB ng Gree, pero sa website walang warranty.. 1yr for parts, 5yrs compressor lang naka indicate... Then sinasabi din dito sa forum, mababa warranty ng panasonic, pero upon checking, ito na may highest warranty.. 3yrs parts/labor and 12yrs compressor.. MEdyo magulo na tlga. hahaha
  • @statix

    wala naman dripping na naganap, yes nasa taas ang OU yung room ko na sa 2nd floor ng appartment12 days ko gamit yung ac naisip ko na stain ng moisture mas mataas yung IU kesa sa OU

    -- edited by flubby619 on May 22 2024, 07:39 PM
  • ^observe mo lang. kung sakali mag drip sa loob ng room kahit clog free naman ang drainage, there's a good chance nga na yun sinabi ko ang culprit. tho wala naman kaso kung mas mataas ang location ng OU sa IU, as long as tama ang pagkabutas sa wall para sa copper,comms & drain line. kailangan kasi meron inclination towards outside ang butas sa wall, hindi basta na lang butas na derecho(zero degree). what's the purpose? para maiwasan ang dripping sa loob ng room. i'm sure hindi lahat ng installer sinusunod yan.

    look at the picture here sa installation manual ng daikin ko, mapapansin mo na inclined dapat ang pagbutas sa wall na ginagawa lahat ng installers ni RnJ sa lahat ng mga installations nila;




    -- edited by statix on May 22 2024, 08:02 PM
  • Post deleted #12465117
  • ^Mein tanong lang, pano pag may onti dripping dun sa banda gitna ng outdoor unit? Masama ba yun? Kala ko kasi baka may condensation lang pero mukha may onti dripping tlga.
  • t3nma
    ^Mein tanong lang, pano pag may onti dripping dun sa banda gitna ng outdoor unit? Masama ba yun? Kala ko kasi baka may condensation lang pero mukha may onti dripping tlga.


    no worries, condensation drippings lang yan. kahit sa unit ko may nakikita rin ako. normal lang yan

    edit:
    no matter where it drips in the OU, condensation is coming from the manifold. with gravity it flows kung saan mas mababa kasi.

    -- edited by statix on May 22 2024, 09:37 PM

    -- edited by statix on May 22 2024, 09:38 PM
  • @splicer
    Mga masters, baka pwede kayo mag suggest ng dealer na subok nyo na for Gree window type 1.5HP?

    That depends din kung nasaan ka. As per your account, you're in Aborlan, Palawan. Paano kung ang feedback namin ay nasa Marikina?
    BTW, nalilito tlga ako, dito sa forum sinasabi na 5yrs warranty PCB ng Gree, pero sa website walang warranty.. 1yr for parts, 5yrs compressor lang naka indicate... Then sinasabi din dito sa forum, mababa warranty ng Panasonic, pero upon checking, ito na may highest warranty.. 3yrs parts/labor and 12yrs compressor.. MEdyo magulo na tlga. hahaha

    Wala sa website ng Gree lalo at hindi updated ang info nila doon. Nandun sa kanilang FB page. 3 years parts warranty (including PCB's) and 12 years sa compressor on specified models. Sa Panasonic, makikita mo sa FB page nila mismo na 1 year lang ang parts, 3 years sa indoor and outdoor PCB's, and 12 years sa compressor. The only way na makakakuha ka ng 3 years parts and labor sa Panasonic is if you will avail of their PAID extended warranty. Even then, that offer is dealer specific pa.

    So NO, Panasonic does not have the best warranty coverage. Kay AUX pa rin yun. Nasa page 404 na yan. And I have personally verified this info kaya dapat wala nang kalituhan sa lahat.

    @t3nma
    pano pag may onti dripping dun sa banda gitna ng outdoor unit? Masama ba yun? Kala ko kasi baka may condensation lang pero mukha may onti dripping tlga.

    Very very normal.

    -- edited by Godai_Yusaku on May 23 2024, 12:32 AM
  • @wheelee

    Nice idea kung commercial spaces lalo since ang ganda tingnan. But for most homes sa atin, pangit yan kasi it consumes floor space - something that is very limited kung tutuusin.
  • @Godai_Yusaku [TS]
    That depends din kung nasaan ka. As per your account, you're in Aborlan, Palawan. Paano kung ang feedback namin ay nasa Marikina?

    Pasensya, nakalimutan ko pala sabihin location. Pasay area ako.
    Nag inquire na din ako sa Marikina (RnJ). Still looking for other options.

    Wala sa website ng Gree lalo at hindi updated ang info nila doon. Nandun sa kanilang FB page. 3 years parts warranty (including PCB's) and 12 years sa compressor on specified models. Sa Panasonic, makikita mo sa FB page nila mismo na 1 year lang ang parts, 3 years sa indoor and outdoor PCB's, and 12 years sa compressor. The only way na makakakuha ka ng 3 years parts and labor sa Panasonic is if you will avail of their PAID extended warranty. Even then, that offer is dealer specific pa.

    So NO, Panasonic does not have the best warranty coverage. Kay AUX pa rin yun. Nasa page 404 na yan. And I have personally verified this info kaya dapat wala nang kalituhan sa lahat.

    Maraming salamat dito. Nalito ako sa 3yrs PCB warranty ni panasonic, akala ko kasama na parts & labor. Cheers master!
  • Nalito ako sa 3yrs PCB warranty ni panasonic, akala ko kasama na parts & labor.


    ^ Yes, the picture itself is very sneaky. But if you really take the the time to read it (na sinadyang paliitin talaga), it's quite clear na indoor and outdoor PCB lang ang yung may 3-years warranty coverage. Yung kay Gree nga kung di ko pa nilinaw sa Gree mismo eh di ko ma-sure na hindi lang PCB ang may 3-years warranty.

    @all

    Regarding the new extended warranties, the easiest way to confirm is to look at the local FB pages of the brand that you are buying. Puede nyo din sila i-message directly to get a straight answer. Why? Because some dealers are not up-to-date with the latest announcements from these brands. And in some instances, sinisiraan nila yung 1 brand para makabenta sila sa iba. Don't hesitate to confront them with the correct info.


  • Anybody see the giant Carrier aircon in BGC? It's crazy yet so smart at the same time. Though if I was the one to make it, I would prolly use a cooling system that's commonly used sa livestock where they use trickling water to cool down blown air similar to a giant evaporative air cooler.. Hehehe but that's just me.. kurips ako eh

    Ang humid nga lang ng hangin nun! Hehehe

    -- edited by Godai_Yusaku on May 23 2024, 10:12 PM
  • Anybody see the video of the giant Carrier aircon in BGC? It's crazy yet so smart at the same time.


    i haven't been to BGC for awhile. so i googled it then. wth! what a ridiculous way with such marketing strategy.
    and yes, peeps would think even more about carrier when it comes to AC. smart nga! hehe

    Though if I was the one to make it, I would prolly use a tunnel vent system that's commonly used sa livestock where they use trickling water to cool down blown air similar to a giant evaporative air cooler..


    likewise, just like what they are doing in singapore. cool misting machines are being the norm at most places. sobrang init din naman kasi doon sa kanila. they are just a couple of hours away lang from the equator kasi :P
  • Hello po ulit. Di ko pa po naayos ung about sa previous question ko pero parang eto po ung dapat kong ma solve agad. Kasi kaya pala parang ang lakas ng consumption sa day time kasi parang ung indoor unit na temp is an laki ng discrepancy sa room temp. Pero pag sa night time naman same na same sila. Ano po kayang pwedeng gawin regarding dito?







    -- edited by Maiharou on May 23 2024, 10:38 PM
  • Hello po ulit. Di ko pa po naayos ung about sa previous question ko pero parang eto po ung dapat kong ma solve agad. Kasi kaya pala parang ang lakas ng consumption sa day time kasi parang ung indoor unit na temp is an laki ng discrepancy sa room temp. Pero pag sa night time naman same na same sila. Ano po kayang pwedeng gawin regarding dito?


    that's why i'm asking you the last time kung saan dyan sa room located ang indoor & outdoor unit mo.
    pero sa pictures mo, malamang nandyan lang sya somewhere behind the IU na bilad na bilad sa araw. afternoon sun yan diba? yan ang problema mo + kung wala pang insulation ang ceiling/roof mo. over working ang AC mo during high noon until late in the afternoon.
    sagutin mo lang din yung mga tanong ko sayo dun sa previous post mo.
  • Will post po a more detailed info with images po pababain lang po araw hehe. Pero tama po kayo Sir na talikuran lang sila. Eto pong mga images below are taken facing North @ 2:20pm po. May roof naman po ung outdoor unit pero di po insulated bare roof lang.








  • just had our AC ST deep cleaned, yes no need ibaba or kalas. after cleaning, kahit naka 27C, ang lamig na, astig!

    Tagala Rizal yung naglinis, nag mimini-business nila ng kapatid nya install and clean ng ACs, search nyo lang Alibadbad brothers sa fb si sir Nomer and Arnel Alibadbad.

    Pero suggest lang for out of warranty units like mine (1 year ++).
  • ^that's it. glass ba yun nasa veranda na katapat ng OU? if yes, tanggalin mo yun. confined ang init dyan lalo na't wala pang insulation yun roof. by 3PM onwards babad na sa araw ang OU mo. same goes sa wall kung saan nakainstall ang IU. it's a big NO NO.
    quick easy fix? lagyan mo sun shade net yan veranda like this;




    lagyan mo na rin ng insulation yun roof sa veranda, 101% sobrang init dyan from 12noon until late in the afternoon.
    kung wala insulation ang celing, lagyan mo na rin.

    -- edited by statix on May 24 2024, 12:00 AM
  • Sir @ statix

    May mga question pa po ulit ung sa way po ng pag lagay ng sun shade pwede po ba na direct na itapal nalang mismo? Or need ung naka horizontal talaga like nung sa image na pinrovide nyo? wala kasi po ako masasabitan




    Then regarding naman po sa insulation pwede ko ba syang i DIY? I mean effective padin po ba un kahot ipatong ko nalang sa ceiling? I dont mind naman po kahit medyo sumagwa ang itsura may nakikita po kasi ako may side na na may pandikit or need talaga na specialist ang magkabit? Same din po dito sa may roof ng OU





  • May mga question pa po ulit ung sa way po ng pag lagay ng sun shade pwede po ba na direct na itapal nalang mismo? Or need ung naka horizontal talaga like nung sa image na pinrovide nyo? wala kasi po ako masasabitan


    kahit itapal mo na lang sa grilles pwede rin naman, banatin mo na lang ng husto pagkabit para presenrable naman kahit papaano ;)
    coincidence lang po na slanted yung nakuha kong image image sa net hehe
    pero kung ako, slanted ang gagawin ko para hindi masyado restricted ang airflow. by the looks of it kaya kong gawan ng paraan yan to have it installed that way,,,, chicken! ;)
    tho tingin ko naman hindi rin masyado maapektuhan ang airflow dyan dahil net naman yan.


    Then regarding naman po sa insulation pwede ko ba syang i DIY? I mean effective padin po ba un kahot ipatong ko nalang sa ceiling? I dont mind naman po kahit medyo sumagwa ang itsura may nakikita po kasi ako may side na na may pandikit or need talaga na specialist ang magkabit? Same din po dito sa may roof ng OU


    yun sa roof ng veranda kayang kaya nyo DIY yan. for ease and durability ng mounting/installation? metal screws with washers to hold the insulation sa metal frame ang approach ko dyan siguro.
    sa bedroom, wala bang manhole para pasukin ang kisame? eyesore na masyado yan kung basta na lang itatapal sa loob ng room. sayang ang design ng kisame mo.
    but for the meantime, unahin mo na lang muna siguro yun sa veranda. nanggigigil talaga ako dun sa glass panels hehe, tumatalbog lang ang heat pabalik sa OU then stagnant lang halos yan sa loob ng veranda. big factor din yun. sa akin babaklasin ko yan then palitan ng grilles na lang. observe at siguradong may improvement yan once naayos mo na.
    gusto mo mag experiment? ilagay mo yun room thermometer sa veranda while your AC is running, then tell us kung anong temps ang makukuha mo.

    edit:

    btw, kasama ba sa pinapalamig ng AC yun room in red square?;




    -- edited by statix on May 24 2024, 03:17 AM
  • Pansin ko lang sa gabi 10pm-8am (28c lang) ang average lang is mga 4-5 KWH ung 10KWH ay nacoconsume ng day time mostly pagdating ng 12noon gang sunset given na ung temp namin sa noon is tinataas ko na sa 29.5C.

    ano po kaya marerecomend nyo? or need ko icheck?


    I think may issue sa room mismo. Kase kahit gabi na mataas pa rin ang konsumo to think nag start ka ng AC at 10pm. Hindi na ganun ka init. 1HP lang samin pero it only consume 1-1.5kw per 9hrs sa gabe. Kung maganda insulation ng room at properly sealed lahat ng pwedeng paglabasan ng lamig, sa 1.5HP, tantsa ko dapat nasa 2-2.5kw per night ideal consumption nyan.

    Hello po ulit. Di ko pa po naayos ung about sa previous question ko pero parang eto po ung dapat kong ma solve agad. Kasi kaya pala parang ang lakas ng consumption sa day time kasi parang ung indoor unit na temp is an laki ng discrepancy sa room temp. Pero pag sa night time naman same na same sila. Ano po kayang pwedeng gawin regarding dito?


    I'm not an expert pero kung ako, focus muna ako sa room. Yung OU mo maganda na nga ang pwesto. Hot air always go up. Open naman yung bandang itaas ng veranda mo. Though the sun shade net would definitely help in lowering the temp inside the veranda.

    Sa init ng panahon ngayon, normal lang na dumoble ang konsumo sa umaga. Kung ikukumpara mo konsumo namin sa gabi at 24hrs, x2 yung dagdag sa konsumo sa buong maghapon. 1.5kw konsumo sa gabi tapos around 3-4kw sa maghapon. Iimprove mo muna yung room mo bago yung sa labas. Kase kahit anong ventilation gawin mo for your OU, kung poor insulation or hindi properly sealed ang mga gaps sa room, it would not make much of a difference.
  • I'm not an expert pero kung ako, focus muna ako sa room. Yung OU mo maganda na nga ang pwesto. Hot air always go up. Open naman yung bandang itaas ng veranda mo. Though the sun shade net would definitely help in lowering the temp inside the veranda.


    hot air goes up, totoo yan pero ibang usapan na yan sa kaso nya. sigurado akong pantay ang init nyan all through out sa veranda. yun init na ibinibigay nung bare roofing + hot air expelled ng OU. meron nga ventilation pero medyo confined pa rin which is a NO NO for the condenser unit. that's why i'm daring him to put his thermometer(close the the OU or kahit saan dyan sa veranda. or try stand sa veranda at noon habang umaandar ang AC, swerte na siguro kung makatagal ka ng 5 minutes doon.
  • hot air goes up, totoo yan pero ibang usapan na yan sa kaso nya. sigurado akong pantay ang init nyan all through out sa veranda. yun init na ibinibigay nung bare roofing + hot air expelled ng OU. meron nga ventilation pero medyo confined pa rin which is a NO NO for the condenser unit. that's why i'm daring him to put his thermometer(close the the OU or kahit saan dyan sa veranda. or try stand sa veranda at noon habang umaandar ang AC, swerte na siguro kung makatagal ka ng 5 minutes doon.


    Samin sir ganito ang lagay ng OU. Hindi ko na maitaas pa dyan yung sun shade net since naka sagad na yung pagsabitan ng net at yung kabilang side ng net, mas mababa na yung pwede pagsabitan kaya slanted talaga yung net. Kung makikita mo sir, medyo may pagharang yung net sa hot air ng OU pero wala akong option sa ngayon. Dahil balak din talaga namin ipa roof yang veranda sa 2nd floor pag nagka budget.



    <click here for link>

    Morning sun ang pwesto na yan kaya naglagay ako ng sun shade net. Dahil kung wala, yung init ng pader eh ramdam talaga sa umaga hanggang tanghali. Wala naman nagbago sa consumption namin kahit medyo nakatakip yung OU sa net. Dalawang net pa nga yan magkapatong.
    Nung una isa lang nilagay ko. Pero dahil dalawa binili ko na same size, tinesting ko kung may effect pa ba kung dalawahin ko yung sun shade net. And I was amazed na meron nga pag doble yung shade. Nung isa palang yung shade, may konting init pa yung pader. Pero nung doblehin ko, as in wala ka ng ma fifeel na init ng pader sa loob ng room.

    In his case, I would also try na maglagay ng efan banda dito sa yellow box to easily expel the hot air inside the veranda.



    <click here for link>

    Ganyan ginagawa ko sa sala namin sa 1st floor kapag sobrang init. Instead na yung fan nagpapasok ng air from outside dahil pinepwesto ko sya malapit sa main door, pinapalabas ko yung hot air by directing the fan towards outside sa may main door na may screen door.

    -- edited by drummerboiii on May 24 2024, 09:02 PM
  • Hindi ko na maitaas pa dyan yung sun shade net since naka sagad na yung pagsabitan ng net at yung kabilang side ng net, mas mababa na yung pwede pagsabitan kaya slanted talaga yung net. Kung makikita mo sir, medyo may pagharang yung net sa hot air ng OU pero wala akong option sa ngayon.





    walang kaso yan dahil free air naman ang setup mo. ang masama kung meron talagang solid na blockage or resistance sa harap ng condenser fan mo. kagaya nung kay OP na meron glass na nagblock sa hot air na dapat derecho ang tapon sa labas na ng veranda.

    In his case, I would also try na maglagay ng efan banda dito sa yellow box to easily expel the hot air inside the veranda.


    tanggalin lang nya yun glass panel sufficient na yun.
    kung sa akin lang talaga; insulate the roof sa veranda, remove the glass panels + net shade.
    ang isa pang problema kung kasama nga yun room na nabanggit ko sa pinalalamig ng AC, medyo intensive na ang solution doon kung permanent solution ang option to protect the wall from the afternoon sun. installing a trellis/louvers is one of those.

    short cut or pansamantagal; net shade ulit na obviously an eye sore sa facade ng house yet malaking tulong talaga yon.
  • tanggalin lang nya yun glass panel sufficient na yun.
    kung sa akin lang talaga; insulate the roof sa veranda, remove the glass panels + net shade.
    ang isa pang problema kung kasama nga yun room na nabanggit ko sa pinalalamig ng AC, medyo intensive na ang solution doon kung permanent solution ang option to protect the wall from the afternoon sun. installing a trellis/louvers is one of those.


    Yeah the best talaga kung wala yun. Pero kung di talaga pwede alisin for aesthetic purpose, insulating the veranda is the best option.

    I would assume hindi kasama yung red box na part ng house based on his previous post na may illustration ng room nila. But I maybe wrong. hehe

    <click here for link>

    Pwede din sya maglagay muna ng ground fan katabi ng OU na naka direct above the glass just to push the hot air upwards palabas. I'm leaning more on sa loob ng room ang may issue since kahit gabe malakas yung consumption ng AC. If pwede tanggalin ang glass sa veranda but still the same consumption, we can assume that there might be air leaks coming out sa room nila.
  • Any feedback sa TCL Q series inverter window type? Natetempt ako dito sa new released na 2.5hp model nila ( tcl 24cwi/uje ) and 29k lang sya kay RNJ. Thanks in advance
  • ok lang po ba lagyan ng zonrox ung drain pipe para matunaw mga molds? barado nnman kasi ung smen. kakalinis lang 2months ago pero nag bara kagad ung drain.