Forum Topic

Anu ang business opportunity ngayon 2020-2021 during the pandemic (COVID)

  • Guys any business ideas as you know almost one year na ang pandemic?
  • Post deleted #12328924
  • ako po i tried my luck pag buy and sell ng bike accessories and parts.
    starting capital ko is around 15k muna.
    online selling lang ako kasi may regular work din ako tuwing umaga. mga 1 week pa lang nung kinuha ko yung mga pambenta and so far may bumili naman nung dinisplay ko sa labas ng bahay. salamat sa mababait kong kapitbahay..
    sana mag click yung naisip kong business.

    hihingi din ako sa mga members dito ng tips and advises kung paano palaguin ang business na to... salamat..

    -- edited by blank_account on Sep 16 2020, 07:51 AM
  • maganda rin yung sa bikes, ako naman plano ko mag online selling ng motorcycle part at sana maging authorized dealer like ng RCB. kaso sa RCB dapat meron physical store at nasa 100k yung minimum order.
  • ^
    tuloy mo po yan ang plano mo na motorcycle parts online selling.
    di natin alam kung mag click kung hindi natin susubukan.
  • kailangan talaga dumiskarte ngayon dahil sa pandemic
  • ^Okay yang bike accesories and parts, yan din ang tinry ko recently dahil nag bbike din ako pero small capital lang. Nakabenta naman kahit papaano kaso lang medyo stress sa work kaya di ko rin maasikaso. At mostly mga bata pa ang nagbbike dito samin kaya minsan utang hehe.
  • mas patok na kasi ngayon ang online selling lalo na andyan na sina syape at lalasada. Nung patok yung adidas ultraboost at nmd, umabot din sa 1 milyon pesos ang benta ko nun sa loob ng isang taon, mga year 2017 yun. limited numbers lang kasi ang nilalabas ni adidas dati dito sa PH at mas okay kumuha ng mga sapatos sa europe.
  • @arquebus

    uy same tayo sir ng hilig at naisip na business...
    na-stress na din ako sa regular work ko hehe.. pero pipilitin ko pong tumagal tong business na pinasok kahit maliit lang ang tubo at mahirap sa simula...
    kailangan talaga kumayod para sa future.. heheh

    Ayos din online buying, hehe. Save sa travel time kung luluwas ng manila and mostly mga price online ay wholesale price na din.

    uy same tayo sir ng hilig at naisip na business...
    na-stress na din ako sa regular work ko hehe.. pero pipilitin ko pong tumagal tong business na pinasok kahit maliit lang ang tubo at mahirap sa simula...
    kailangan talaga kumayod para sa future.. heheh

    Hehe, goodluck sa atin. Pero this time parang hobby ko lang din siya kasi nagagamit ko rin minsan yung ibang items at minsan naman ay binibigay ko lang sa mga medyo di afford lalo na pag mga small items.
  • Gusto ko sana ung Pc Parts Business since madami yung nabili ng mga pc parts para sa mga upgrades or magbubuo Question lang baka alam nyo, san kaya sila nakakuha ng supplier ng mga brand new parts?
  • Marame yata kumita ngayon ng husto dahil sa pandemic through online selling yan ang patok na patok this year!