Forum Topic

[Help]External HDD problem

  • Minsan na lang gamitin, nasira pa. Lahat ng mga importanteng files ko nasa External HDD ko na yan.

    Nagawa ko na rin po makakaya ko via tutorials and guides pero wala pa ring nangyari. Tingin ko sa HDD na mismo problema pero paano kaya masira iyon kung maayos syang nakatabi sa matinong lagayan.

    Visible sya sa Device Manager pero wala syang folder. Di rin po sya makita sa Disk Management which is dapat mag-appear sya doon para magawa iyong mga suggested na troubleshoot.

    Suko na po ako at hingi na po ng tulong sa mga Experts. May nag-aayos po ba dito ng ganyang case? Bale puntahan ko na lang po sana kayo.

    Hanggat maaari ayoko sya maformat kaya gusto ko ng tulong ng mga eksperto. Pero honestly, di rin sya nadedetect ng mga recovery program so wala rin kahit iformat.

    Pa-text na lang po 09212233203. Pasig-Makat-Pateros area ako pero willing po ako dumayo sa ibang lugar maayos lang External HDD ko. Salamat po.
  • I understand yung situation mo bro at kahit ako na nakatago na mga 1 Tera HDD ko nasisira rin kahit nakatago lang sa lalagyan ko at kinukuha ko pag may need akong files.

    Since then bumili na ako nang additional drives for back-up plus store ko na rin sa mga cloud storage.

    In terms naman sa HDD mo, may way na maretrieve yan pero expect na mapapagastos ko kasi need na nyan palitan nang logic board or technical means na kailangan gawin.

    Wala ako marerefer kasi naghahanap din ako and most nang mga naiinquire ko nanghihingi na nang deposit which is ayaw ko mag-commit pag ganun.