-
minamalas [TS]
on
10 Jan 22 @ 02:59 PM #
Hello. Parang wala pa yatang thread. Sana pwede ito.
Welcome TPCers!
Since malamig dito mababa ang ambient temps hehe
Note:
Covid Alert Level 3!
-
Ronsatuzuke
on
13 Jan 22 @ 12:27 PM #
kahit anong topic ba pwede dito.haha,
san makakabili ng motorcycle accessories at motorcycle gears (bell helmets, biltwell helmets, etc) sa baguio?.haha
-
minamalas [TS]
on
14 Jan 22 @ 12:51 PM #
hehe malakas ang FB Marketplace sa baguio. May nakita rin akong shop na may branded moto brands sa puregold cooyeesan.
-
Ronsatuzuke
on
14 Jan 22 @ 06:44 PM #
di ko napapansin yung shop sa coyeesan ah, san banda dun?., lapit lang namin dun, san luis kami eh.haha
-
minamalas [TS]
on
14 Jan 22 @ 07:49 PM #
sa kabilang dulo ng DIY. tabi ng entrance sa hotel.
nabasa ko may mga lugar dyan na lockdown. kasama ba kayo? mahigpit ba?
-
Ronsatuzuke
on
15 Jan 22 @ 12:22 AM #
ahh, try ko nga pasyalan minsan.hehe.Salamat sir!,
di ko nabalitaan sir, normal lang naman, meron lang yung checkpoint sa may papasok ng asin road, comelec checkpoint.hehe
-
minamalas [TS]
on
27 Jan 22 @ 06:30 PM #
Mabilis ba internet nyo?
-
Blimp
on
28 Jan 22 @ 08:30 PM #
San maganda bumili ng strawberry for pasalubong (10kgs only)? Yung good quality, large, ok lang kahit medyo presyong tourist (wag lang yung presyong pang innocenteng tourish. haha).
-- edited by Blimp on Jan 28 2022, 04:32 AM
-
minamalas [TS]
on
29 Jan 22 @ 02:38 PM #
Sa Baguio palengke sa baba (pasalubong area) or sa taas (hilltop).
Mas mura shempre sa La Trinidad (strawberry farm or kahit saan dun)
-
minamalas [TS]
on
05 Feb 22 @ 01:01 PM #
may mga bagong stocks ng videocards!
-
Ronsatuzuke
on
05 Feb 22 @ 01:02 PM #
^^ saang store? edge?haha kamusta naman pricing.,,haha
-
minamalas [TS]
on
05 Feb 22 @ 08:45 PM #
sa enter dot net. hehehe. same same naman pricing with edge. pero bumaba onti overall. meron pa bang ibang shop na okay dito satin?
-
Ronsatuzuke
on
05 Feb 22 @ 11:21 PM #
^^ ahh.hehe.,sa gigabyte sa may gen luna.prang ok dun pero di ko pa natry bumili.haha, edge palang kasi natry ko,.yung mga shop sa porta parang mejo mahal bentahan nila
-
minamalas [TS]
on
07 Feb 22 @ 11:03 AM #
gigadrive yung nakita ko sa maps. ayus tatlo na alam kong shops dito satin thanks. may mga fb page naman sila. compare na lang natin prices hehehe
-- edited by minamalas on Feb 06 2022, 07:04 PM
-
Ronsatuzuke
on
08 Feb 22 @ 12:39 AM #
^^ oo pala, gigadrive hindi gigabyte.haha,
nagchecheck din ako minsan sa bermor techzone, mababa prices nila lalo pag nagsale compared sa iba, kaso lang ilocos norte yung store pero nagshiship naman sila.hehe
-
andoksus
on
08 Feb 22 @ 08:22 AM #
eto comfort place ko hahaha sana maging maluwag na maka pag gala ulit sa bags hahaha
-
minamalas [TS]
on
08 Feb 22 @ 09:32 AM #
By end of Feb siguro back to Alert level 2 na dito at baka pwede na uli umakyat ng walang antigen.
-
andoksus
on
08 Feb 22 @ 10:08 AM #
ano ba mga recommends food resto dyan out na yung mga traditional resto hahaha
-
minamalas [TS]
on
08 Feb 22 @ 05:46 PM #
maraming marami haha
farmer's daughter
good taste
volante
baguio central park
canto
jack's
oh my gulay
cafe by the ruins
vizco's
rustic box
50's diner
coffee library
citylight hotel / mga buffet ng mga hotels!
heritage
hong gane mandu
yasuragi
batirol
manor
mario's
forest house - lumipat na raw sa venus garden
etc.
taga dito ako pero marami pako hindi nakakainan haha
-- edited by minamalas on Feb 08 2022, 01:49 AM
-
andoksus
on
09 Feb 22 @ 07:28 AM #
^salamat sa info bossing hehehe lista ko yan pag naka balik hopefully
-
Ronsatuzuke
on
09 Feb 22 @ 09:09 AM #
^^ kung mahilig po kayo sa buffet, meron po sa elements, hoka brew (parang oh mai khan din),
yung mga bago po nasa iisa lang lugar sa may outlook drive - decades, lemon and olives, vanilla cafe, the other office.hehe
born and raised din sa baguio pero hindi ko pa napuntahan lahat ng nalista ni sir minamalas,.basta good taste number 1.haha
-
andoksus
on
09 Feb 22 @ 09:33 AM #
good taste boss agad pinuntahan ko dati at yun iconic hahah matic yan sa bisita hahaha
pero grabe sulit dun di ko akalain daming servings may na take out pa ako pag uwi ng hotel hahahah
vizcos matic din yan pag bisita mahilig ako sa cafe at cake
canto naman yung medyo bago pero grabe din servings kaya kaka miss ang baguio lahat sulit ang kain
yung mga recommends nyo baka ma try ko yan kulang kasi sa oras kaya di lahat napuntahan hahaha di na kao mamasyal sa mga kialal park at naka punta na ren siguro gala sa kainan lang gagawin ko at mga bagong puntahan sa baguio dadayuhin ko hahaha
-
Reim
on
10 Feb 22 @ 10:58 PM #
karamihan sa mga namention ni minamalas e nasubukan ko na, at yang Good Taste ang laging number 1 na sa recommendations ko sa mga tight budget na swak sa panlasa. hahaha!
pano ba naman kasi? noong college days ko, sa halagang P200 lang e busog na tropa ko na nasa 6-7 katao. ang tatakaw pa namin. hahaha!
dyan ako sa Baguio nag-aral ng college, my pasaway moments, kaya medyo hinalughog ko mga sekreto ng Baguio.
btw, pahirapan pa rin ba pumunta dyan? na-timing nung umakyat kami nung December e masyado strict sa checkpoint.
-
minamalas [TS]
on
11 Feb 22 @ 07:39 AM #
Tumaas na prices ng pagkain haha
Hindi naman pahirapan basta sumunod sa protocols from PIO Baguio (fb page) and sa visita.baguio.gov.ph
Sobrang dami kasing pasaway na pinoy kaya naghigpit sila last year. Maraming fake papers, yung mga tinatakas/nakatago sa van, at mga di sumusunod sa rules sila pa galit.
-
minamalas [TS]
on
26 Feb 22 @ 09:08 AM #
Mukhang tuloy ang Panagbenga festival from March 6-27.
-
eminem6480
on
19 Mar 22 @ 05:42 AM #
Guys, pupunta kami ng Baguio for 6 days. Thursday, March 24 ang akyat namin.
- Pwede na ba dumaan sa Kennon Road?
- Open na ba lahat ng tourist spots sa lahat ng ages?
- Suggest naman kayo magandang pasyalan, restaurants, at mga bagong pwede gawin.
- Ano mga events hindi dapat namin mamiss sa Panagbenga Festival?
Salamat!
- Post deleted #12413358
-
minamalas [TS]
on
20 Mar 22 @ 01:36 PM #
Closed pa rin ang Kennon sa tourists.
Di ko kabisado latest rules for tourists pero andito pwede basahin (plus panagbenga sched):
https://visita.baguio.gov.ph/
https://www.facebook.com/pg/baguiotourism/posts/
-
Ronsatuzuke
on
24 Mar 22 @ 01:46 PM #
may tactical firearms or shooting course ba sa may westpoint sa marcos or shooting range lang talaga yun.haha
-
minamalas [TS]
on
03 Feb 23 @ 12:32 PM #
Panagbenga 2023!