Forum Topic

Na-mi MISS ko TPC. Naiiyak ako Y_Y

  • All of a sudden bigla ko naramdaman toh. 'Di ko alam kung bakit. Siguro dahil sa tumatanda na rin ako :(

    Hanggang ngayun fresh pa rin sa memory ko yung password ng dalawang acct. ko dito pero 'di ko magawang ma log-in dahil inagaw na ni FB, Messenger, IG, at mobile games ang atensyon ko sa kanya. Sa office noon, madalas naka-open/login tpc id ko.

    Idagdag ko yung mga makukulit na topics na dito ko lng talaga nabasa at parang malabo na talaga mabura sa memorya ko.

    Yung manananggal, yung taong nag-benta ng manok (pang-sabong) para may pamasahe sya pauwe ng probinsya kasi yung nabili daw nya na RAM sa PC H*b ehh hindi bnew binigay sa kanya (already used nabigay sa kanya). Yung pusang marunong mag-bukas ng ref., Yung mga madalas na away sa NBA thread kasi lahat sila analyst, saka yung ma-la alamat na love-story ni Tamahome na may bumuo pa ng support group tas scripted-lng pla!

    Na-mi miss ko dn mga tinatambayan ko na threads like Car Mechanics, Spratlys/West Phil. Sea, Help me build my rig, Ghost stories, Share your story, All singles thread. At yung iba nakalmutan ko na talaga.

    Tas nakilala ko rn dito (online lng, di ko pa na-meet) si nosebleed Godai Yusaku na malupit pa kay Manny Pacquiao mag-ingles.
    Pero wag ka, malupit sa PSU thread!

    Yung Alexis sevilla, ayy wag na yown! Deh, joke lng, haha! Mabait dn toh, ininvite nya nga ako sa kasal nya sa Bora noong 2010. 'Di ko lng ma-alala bat 'di ako naka-punta.

    Si redwing001, civicsir, tatlolagi na madalas sa car mechanics thread.

    Si Benjprad, scandinavian-armor, afterburner na madalas tambay sa Spratlys/West PH sea.

    Kay Sir Edgar Cesar at sa mga taong bumuo ng TPC. Mga na-meet ko sa kanila si ReB, abat, Maam Rose, Phyweb at yung iba 'di ko ns talaga ma-alala (sorry po), Thank you very much po.

    Dami ko natutunan sa TPC, pati na rin mga kalokohan, haha! ??
  • iba na ngayon paps. pero nakakamiss talaga dito sa tpc
  • lahat tayo na aninag kay Tamahome ^_^

    si Miss Rose, same ba na nasa Shaw Blvd na bentahan ng PC parts?
  • HAHHAHAHA those were the days.
    dami mga nawalang threads. move on na tayo.
  • ngek napag hahahalata mga batang bata pa kayo (kayo lang ako hende)
  • 4x2+3
  • build 500k pc yan isa sa mga naabutan ko hahah :)
  • i remember the cueshe thread. classic sobrang laugh trip. ang tagal natolerate before malock hahaha. (akala ko maba-ban ako lol).

    *thigh thump*
  • cueshe + tamahome hahahaha
  • iba na ngayon paps. pero nakakamiss talaga dito sa tpc


    oo Paps, kaka-miss those days..


    lahat tayo na aninag kay Tamahome ^_^


    oo, haha! may bumuo pa nga ng Tamahome Support Group na thread! ;D

    si Miss Rose, same ba na nasa Shaw Blvd na bentahan ng PC parts?

    basta po sya yung admin rin dito at isa sa mga core-members na bumuo ng tpc.


    build 500k pc yan isa sa mga naabutan ko hahah :)


    ahahaha! Na-alala ko ito! Andaming hindi naniwala. 2008 o 2009 ata toh! ;D


    i remember the cueshe thread. classic sobrang laugh trip. ang tagal natolerate before malock hahaha. (akala ko maba-ban ako lol).


    Eto ba yung WYMBSL? Why Miguel Band so Long? Bwahahah! ;D
  • Eto ba yung WYMBSL? Why Miguel Band so Long? Bwahahah! ;D

    ito yung isa sa highlight ko sa TPC. sana maibalik yung thread na yun pang nostalgia ng kakulitan dito sa tpc. 2007 or 2008 ata yun.
  • long time lurker ako...

    yung Chinita Thread yung naalala ko pag classic TipidPC.
  • Eto ba yung WYMBSL? Why Miguel Band so Long? Bwahahah! ;D

    I am concern for him

    hahaha
  • hindi pa napapasa ang Cyber Bullying Law noong panahon ng Why Miguel Band So Long, ang dami sigurong nareklamo nun kapag nagkataon, hehehe
  • Kumusta na kaya sila ABTP? sila yong unang batch na met ko dito sa TPC sa isang tpc event para mamging Premium member sa Robinson fairview.
    sunod na yong mga TPC trainings. laptop training, linux and windows server sa Orgitas center. Marami pang iba :)
  • ^ alam ko admin/mods rin yan si Sir atbp. Na-meet ko na rin siguro sya sa mga events ng tpc.

    Yung manananggal thread, na-alala nyo pa yun? ahaha! Laugh-trip yun! May photoshop dun kalahati ng katawan si Voltes-V!
  • <click here for link>

    laugh trip yan men heheheh!

    napaka "artistic" :D
  • 2016 yung huling sighting. haha

    buhay pa yung original photobucket link ng manananggal pics hahaha
  • Movies Thread nalang din binibisita ko dito..

    yung NBA thread lagi na lolocked eh hehe
  • grabe 2004 una akong tumuntong dito sa TPC. anlulupet ng mga naka deal ko dito, lahat sila magagaling sa field of specialization nila. Sila Nero at WayCool mga tropang naging kumpare IRL. Hahaha naalala ko nga yang Why Miguel Band so Long at manananggal thread na sobrang laugh trip! Sana magtagal pa tong website na ito at abutin pa ng mga anak ko hahaha!