Forum Topic

Diablo IV Official Thread (No Trading, Whining, Piracy, Botting)

  • nagsimula na ang ikalawang season. ang panahon ng dugo. ang bagong meta ay kapangyarihan ng bampira. haha
  • Korek ka d'yan, LuzZzTino. Sobrang abangan ang Diablo IV, at importante talaga na magkaroon tayo ng magandang usapan tungkol dito. Speaking of online experiences, meron ba sa inyong naka-try na ng online casino games habang naghihintay sa release?
  • Rerepestuhin ko yung magandang usapan , Luztinoo. Sa larangan ng online entertainment, kamakailan lang ako nag-enjoy sa Bc.game. Isa itong kakaibang platform na nag-aalok ng iba't-ibang crypto casino games, at sa tingin ko, sulit subukan para sa mga interesado.
  • ^ bawal ata dito sa tpc mga sugal sugal mga repa.

    welcome to tpc!
  • Alt account ata yang 3 na yan. Luzztino, yammer, and lambda. Reported.

    Anyway, mukang matatagalan pa bago ako bumalik sa D4. Nag enjoy naman ako nung season zero. Na-hook kasi sa ibang games. Siguro sa 1st expansion na lang ako balik.
  • Anyway, mukang matatagalan pa bago ako bumalik sa D4. Nag enjoy naman ako nung season zero.


    same, nung natapos ko na killing Lilith at lahat ng kampon ng kademonyohan e laro na ng ibang games. balik nalang ulit kapag next gen na or ps5 soon if ever XD
  • different mechanics pero same lang ang feeling itong new season. nagtry lang ako ng bagong character.

    hintayin ko na lang ang next part ng story baka sa expansion nga. sa mahal ng price ng diablo, abang na lang ako ng sale ng expansion haha. feeling lugi ako sa initial price ng D4.
  • For those who are in the level 90+, what's your character's base damage without buffs? Yung Barb ko is at 10k, and parang kamote ako sa mga boss fights.
  • ui si bossing naglalaro ng D4! hehehe

    yung mga characters ko wala pang umabot ng level 90 haha
  • mas mabilis magpa level up ngayon upon reaching level 85 onwards unlike first season, diko na tinapos hanggang 90+ lang nakakaumay hahaha. sa season 2 pitik pitik lang ako mag laro pero nasa level 90 na sorc ko. kaso may umay effect pa din.
  • Uy nagsilalabasan ang matatanda (: Mabilis na leveling ngayon kasi dami bonus. Level 100 ball sorc ako.
  • Free to play weekend D4 sa Steam, ends in 4 days :)
  • played this game this weekend, dahil sale sa steam sale

    daming mechanics na hindi ko na alam ,
    bitin yung story, medyo predictable yung ending XD
    parang kaunti lang yung cinematics ,bandang huli yung glorious cgi
    natuwa ako sa mga fanatics from both side of inarius at lilith.

    lore wise more relevant si mephisto this time
    50 years after D3 , no clue kay tyrael since mortal na sya or sa mga nephalem ng D3?
    I guess this will be setup for DLC or expansion (haha more money kay blizzard)
  • judging by this thread
    dead game na nga lols
    dinaig pa ang D3 thread....

    oh well see ya next 10 years uli ...for Diablo 5 lmao
    baka sa mobile na lang dumating



    -- edited by ironFistMayden on Jan 12 2024, 02:39 AM