Forum Topic

Ghost stories ng mga members dito.. wanna share?

  • ^ kwento na sir
  • Niyapos at sinakal? May pagka karinyo-brutal pala yang si chico girl. Pero teka bakit batok hawak nung prof? Kung sinasakal sya diba dapat hawak nya buong leeg nya at nacho-choke ang feeling imbes na parang nananakit ang batok?
  • may mga multo or haunted places ba sa antipolo city kasi pag nagmomotor me papunta dun nadadaanan ko mga malalaking puno sa paakyat going to antipolo marker... Dun kasi ako magtuturo taga taguig me...
  • vittovitto on 25 Nov 18 @ 09:30 PM #
    Hello po :) very long time no post :) daminng backread :) hindi ko na natapos at napost yung story haha hopefully this week :)


    sir, nde pa tapos tong kwento mo, 2-3 stories pa to diba, kwento nyo na sir :)
  • Just checking in kung may bago. Kakabasa ko lang din kasi nung GHOSTING story ni Gerald. ;)
  • up up!
  • up
  • Niyapos at sinakal? May pagka karinyo-brutal pala yang si chico girl. Pero teka bakit batok hawak nung prof? Kung sinasakal sya diba dapat hawak nya buong leeg nya at nacho-choke ang feeling imbes na parang nananakit ang batok?


    Actually, na-realize ko rin yan after several years. I asked Ben through chat and he explained to me na hindi daw talaga agad mararamdaman ng tao kung ano yung eksaktong ginagawa ng mga bad spirits, just exactly what happened to our prof back then. Bibilang daw ng ilang araw pa bago magkaroon ng red marks sa leeg ni prof; at yan eh kung masusundan pa ng ilang ulit yung pananakal sa kanya.

    Ang kaso mo, after that incident, hindi na namin nakita yung prof namin. May pumalit sa kanya, at kahit na ilang beses na namin kinulit ang mga ka-close namin na profs/deans, eh tikom talaga ang bibig nila lahat.

    Hindi ko rin makita sa kahit anong social media si prof. I started looking since Friendster days, wala talaga. Lahat ng classmates ko noon, hinanap din siya, pero wala.
  • @chauza

    Ituloy mo na kwento. May katuloy pa yun diba? Pahabol o, matatapos na ghost month, malapit na mag Mooncake festival.
  • Ibalik ko lang kwento ko noon para sa mga bago. Ito ngyari talaga sa amin ng kapatid ko.

    90s meron kami noong bakanteng lote tapos madaming puno ng saging ang nakatanim. Hapon iyon mga 4-5pm yata at wala kaming pasok ng kapatid ko sa school so kami as bata naglaro laro kami sa tapat ng bakanteng lote. Tapos ang laro pa namin noon paramihan ng madidikit na bato sa mga puno ng saging so kami halos lahat yata ng puno doon pinagbabato namin at nakadikit yung mga bato paramihan kami. Di ko na mabilang yung mga puno pero sobrang dami talaga.

    Nakauwi na kami tapos nung madaling araw nilagnat kami sabay ng kapatid ko sobrang taas ng lagnat namin nag seizure na kami tapos dinala kami sa ospital ER agad. Pag dating namin sa ER biglang nawala lagnat namin at naging normal kami ng kapatid ko. Tapos nung pauwi na kami at nasa koche bigla kaming pinagpapawisan ng malamig at nilalagnat nanaman bigla. Paguwi namin sa bahay nilagay kami sa banig sa sala tapos sabi ng lola namin dalhin kami sa mangtatawas. (Nagtatawas yung dadasalan ka tapos may mga ipapahid sayo tapos magpapatak sila ng kandila sa tubig).

    So dumating na kami sa bahay nung matanda na nagtatawas pinahid samin puro katas ng bawang tapos puro dasal, maya maya nagpatak sya sa tubig ng kandila ang dami nyang pinatak tapos sabi nung matanda tumingin daw kami ng kapatid ko, pag tingin namin bigla nalang kami nakakita ng mga bungo at mga distorted na muka, may mahaba at mabibilog na muka. Mukang tao pero gusot gusot yung ichura. Tapos sabi ng mga magulang namin wala sila makita, yun pala kami lang ng kapatid ko ang nakakakita doon sa mga kandilang ipinatak nya.

    Biglang nagsalita yung matanda ang sabi nya madami kami napatay at tinamaan dahil sa ginawa namin, sabi pa nya marami kayo binato at marami kayong tinamaan. So napatanong ngayon nanay ko bakit ano daw ba ginawa namin, tapos sabi ko naglaro kami ni utol sa bakanteng lote nagbato sa mga puno. Ayun nagdasal ulit yung matanda. Paguwi namin nawala na lagnat namin at balik na ulit sa normal.

    Dun ako naniniwala sa mga duwende at mga espirito na di natin talaga nakikita. Mga lamang lupa. Napaniwala ako dahil walang alam yung nagtatawas pero alam nya ngyari sa mga ginawa namin.
  • Ewan ko lang kung may nakaa-alala pa sa mga kwento ko dito, tungkol sa mga kababalaghan sa lumang bahay namin sa probinsya. Bahay ito ng lolo na ipinagbilin nya sa tatay ko kasi sya ang panganay.

    Nagbakasyon kami ng asawa at mga anak ko last August kasi nag-reunion kami ng mga kapatid ko na 3 years na kaming di nagkikita. Ibang-iba na ang bahay, nabubulok na at may kung ano na akong nararamdaman sa paligid....hindi ko ito naramdaman noong kabataan ko pa, pagkatapos ng ilang taon kaming ginagambala ng mga nakatira na ispiritu. Nanahimik lang sila noong namatay na ang kapatid kong babae kasi sya talaga ang pinag-iinitan ng mag-aswang matanda na nakatira daw sa bahay namin...

    Masaya kaming nag-iinuman ng mga kapatid ko noong unang gabi namin sa bahay hanggang sa inantok na kami....nang madaling araw na at eksakto alas kwatro sa relos, bigla akong nagising kasi napapa-ihi na ako.....bumangon ako at lumabas sa kwarto para umihi. Ang dilim sa sala at sa kainan; ang dalawang kapatid ko natutulog sa sala, tanging sa kusina lang may isang ilaw na ang kasunod ay banyo na namin....bigla ako napahinto sa hakbang ko kasi biglang nagtayuan ang mga buhok ko sa braso at batok ko. Ang sama ng gising ko; sabi ko sa sarili ko, hindi ko ito kaya ah. Lumabas na lang ako mismo sa bahay at umihi sa bakuran. Sabay no'n pumunta na ako sa palengke para magkape...


    eto yong tapat ng bahay namin:




    heto ang gilid papasok sa gate:




    ang likurang bahagi ng bahay:



    -- edited by dundem on Sep 12 2019, 03:14 PM
  • loob ng bahay: kainan at sala...sa gawing kanan ang hagdan paakyat sa bahay at kasunod ang main door.




    heto yong bubungad sa yo habang paakyat ka ng hagdan, parang laging may nag-aabang o dudungaw sa yo....saan ka nakakita, bintana sa loob ng bahay:




    ang itaas ng bahay, wala na ang mga partitions ng mga kwarto:



    -- edited by dundem on Sep 12 2019, 03:21 PM
  • yong bintana sa kaliwa, eto yong isang maliit na kwarto dati na pinaghihinalaan na dito nakatira ang mag-asawang matanda; na nagpapakita sa panaginip ni mama at pinapalayas kami sa bahay......ang bintana naman sa kanan ay dito ang dating malaking kwarto sa bahay. Dito naman natutulog ang mga kasambahay dati ng lolo ko.




    eto naman ang kwarto ko dati mula grade 5 hanggang mag-college, mag-isa lang ako natutulog dito.....pero noong musmos pa ako, dito kami natutulog nila Mama, Papa, at mga kapatid ko at dito rin ako unang minulto.



    -- edited by dundem on Sep 12 2019, 03:29 PM
  • si Misis ko, taga Mindanao.....mga kaanak nya doon mga mangagamot sa mga sakit na nakukuha sa mga ispiritu.... kaya siguro si misis nakamana din ng talento ng mga kaanak nya, malakas kasi makaramdam. Kahit mga pambabae ko noon alam nya kung naging unfaithfuil ako sa kanya kaya tinigilan ko na lang ang magulong mundong yon hehehe.......back to topic: oo bulok na ang bahay namin sa probinsya kaya hindi na pwedeng tutulogan ang itaas kaya lahat kami nagsiksikan sa baba sa isang kwarto. Kinabukasan, sabi nya sa akin wag na daw kami matulog sa bahay uli, nakakita daw kasi sya ng lalaking nakatayo sa sulok ng kwarto namin sa baba. Doon pa naman banda mga anak ko natulog noong unang gabi namin......kaya mga sunod na araw sa pension house na kami natulog hanggang pagbalik namin ng Maynila.
  • ^ Nakakatakot na nga yung bahay, mukhang haunted. Medyo nagtayuan balahibo ko nung nabasa ko yung part na may nakatayo sa sulok. Naalala ko kasi, nung bata pa kami, siguro mga 9 or 10 yrs old ako tapos 5 or 6 yung younger brother ko, dun kami natutulog sa kwarto nila mama pag wala sila, iniiwan naming bukas ang pinto pero patay ang ilaw. Sabi ng kapatid ko sa kin kinabukasan, nagising daw sya nung madaling araw at may nakita daw syang tao sa pinto, nakaluhod, nakataas ang kamay sa gilid hanggang balikat. Nagtakip na lang daw sya ng unan. Sabi ko baka anino lang. Hindi daw.

    -- edited by lefty on Sep 12 2019, 10:42 PM
  • Nakakatakot ung bahay. In a sense na any time pwedeng magiba. Sayang hindi namaintain. Mukhang maganda pa naman kung namaintain.

    @dundem: saan probinsya yan?
  • @dundem
    nakalimutan ko na kwento mo, pde mo ba ipost ulit dito, para mapicture ko kwento mo sa mga pics? hehehe :)
  • @lefty.....oo nga sir, nakakalungkot na ganyan na ang itsura ng bahay. Actually isang kapatid ko na lang ang nakatira sa bahay kaso mas madalas doon sya sa bahay ng asawa nya kaya hindi na nalilinisan, yong dalawang kapatid ko sa Bacolod na nakatira. Sumakabilang buhay na rin kasi mga magulang namin kaya hopeless na talaga....at isa pa kasi may issue ang bahay, hindi namin maipaayos o maipa-repair kasi may conflict sa mga kapatid ng Papa ko kasi sabi nila wala daw kami karapatan na mga anak lang dahil wala kaming hawak na titulo.....so hinayaan na lang namin gumanyan ang bahay kasi useless lang din....sabi nga ng mga kapatid ko, baka nga daw dumadalaw na ang mga kaluluwa nila Mama at Papa sa bahay, ewan ko bakit nila nasabi yon marahil naramdaman din nila........sabi naman ni misis, pinagpi-pyestahan na daw ng mga maraming ispiritu ang bahay namin ngayon dahil napabayaan na at walang may nakatira. Ilang beses na rin kami ni misis umuwi sa probinsya namin, pero ngayon lang sya nagpupumiglas at takot na takot na matulog sa bahay.


    @mmb101......Negros Occidental kami sir.....bale from Bacolod City, pa-south sa amin mga isang oras kalahati pa ang byahe.
  • @why_icebreaker_band_so_long....eto sir hehehe.....yong last photo, yan kwarto na tinutukoy ko, sa gawing kaliwa yan ang kanto kung saan naka-hanger mga damit namin.


    ANG DAMITAN
    Sadya bang mga musmos o may mga batang kaisipan lamang ang pinapakitaan ng mga maligno? O yong mga tao na pinanganak na mayroong “third eye”?
    Panganay ako na anak nila Papa at Mama, at may dalawa akong nakakabatang kapatid. Nasa kinder school pa lang yata ako noon at nakatira kami sa isang liblib na bayan sa isla ng Negros. Bale kami na lang ang naiwan sa lumang bahay ng aking lolo dahil lumipat na sila lahat pati mga kapatid ng Papa ko sa Bacolod. Wala pang matino na elektrisidad noon at ang supply ay nagmumula pa sa isang generator ng munisipyo ng bayan namin. Umaandar lang ito mula alas singko ng hapon at hanggang alas dyes ng gabi. Samakatuwid, pagkalagpas ng alas dyes ng gabi, tanging gasera o kandila na lamang ang mga ilaw ng bawat bahay sa bayan namin.
    Ang bahay ng lolo ko ay may taas at baba at ito ay halos gawa sa matigas na kahoy, yero ang bubong, at ang pang-ibabang parte ay gawa naman sa semento at marmol. Sa malawak na lupain nakatayo ang bahay at napaligiran ito ng mga iba’t-ibang puno o halamanan. Ang ibabang parte ng bahay ay may malawak na sala, kainan, kusina, kubeta, at kwarto ng kasambay. Sa itaas naman ay mayroon namang apat na kwarto; ang tatlo nito ay kayang umokopa ng anim na tao at ang isa namang kwarto ay dalawang beses na mas malaki. Sa gitna ng mga kwarto na ito ay mayroon pang espasyo o hall na kasinlaki din ng kwarto. Dito makikita ang mga tsinelas na nakapwesto sa labas ng mga pintuan sa tuwing papasok kami ng kwarto.
    Umaalog kami sa loob ng bahay. Lima lang kami ang nakatira at ang tatlo ay mga musmos pa. May kasambahay pala kami pero uwian sya sa kanila tuwing gabi at babalik naman sa umaga. Napakatahimik ang isang malaking bahay na wala naman masyadong may kasangkapan; walang TV o radyo man lamang. Lahat ng mga gawain sa bahay ay mano-mano, kahoy pa ang panggatong sa lutuan. Masukal ang bakuran ng bahay dahil sa mahilig magtanim ang mga lolo at lola ko. Maraming puno ng bayabas, mayroon ding tatlong puno ng niyog, abocado, tar apple, lansones, kapok o cotton tree, kamachili, at santol….
    …sa maalala ko sa mga panahong yon, meron akong regalo mula sa tita ko na nasa states. Isang sweatshirt na may hood; kulay red at black ito at tipong ang design ng prints nya ay pang-hockey. Hindi ko ito masyado sinusuot kasi naging peborit ko sya at naghihinayang akong gamitin palagi baka mawala kasi agad ang “imported scent” nya. Naka-hang sya sa corner ng kwarto namin kasama sa mga ibang damit nila Papa at Mama.
    Wala kaming kama na magkasya kaming lima sa higaan, kaya sa banig o sa sahig lang kami nakahilata tuwing gabi. Binitbit kasi halos lahat nila lolo at lola mga gamit nila sa Bacolod kaya halos walang may naiwan sa amin. Wala din kami maayos na aparador kaya gumawa na lang si Papa ng sabitan ng mga damit namin na panlakad, isang simple na kahoy na pinako sa kanto ng kwarto namin na naka-dugtong sa dalawang dingding.
    Isang gabi, patay na ang generator sa bayan namin. Nagising ako bigla, at nakita ko na gasera na lang ang ilaw namin. Maliit ang siga nito na sadyang ganun para makatipid o umabot sa umaga ang gas na laman ng gasera. Palagi ito nakapwesto malapit sa pintuan sa sahig ng kwarto namin. Ang sinag nito ay tumatama lang sa pwesto namin kasi may lamesa at mataas na aparador na nakaharang sa gilid ng pintuan ng kwarto. Nakapwesto ako palagi sa pinakagilid ng banig katabi ng bintana; katabi ko si Papa, tapos si Mama at mga malilit kong mga kapatid.
    Umakma akong tumihaya. Bigla akong napatingin sa kanto sa pwesto ng mga naka-hanger namin na mga damit. Bale sa paanan ko itong damitan namin.....madilim ng konti ang sulok na ito kasi hindi masyado natatamaan ng ilaw ng gasera. Ilang saglit pa napapansin ko ang aking sweatshirt na tila lumiliwanag ito ng paunti-unti….sa lahat ng naka-hanger na damit, tanging sya lang ang parang buhay. Unti-unti itong lomobo na parang may sumuot pero wala naman laman na nakikita, at yong liwanag ay parang flashlight na inilagay sa loob ng sweatshirt at nakatutok ang sinag pataas hanggang tumama sa ulohan ng hood....habang titig ako ng titig sa hood ng sweatshirt ko, nararamdaman ko na parang may tao na nakasuot nito. Hindi ko na kinaya ang takot ko, parang sasabog na ang dibdib ko, niyuyogyog ko na si Papa para magising sya, umiiyak na ako sa takot….tanging nasasambit ko na lang “Papa….papa…gising...” habang humihikbi ako. Pero yong tingin ko ay hindi umaalis sa lumiliwanag kong sweatshirt….para kasing humihinga s’ya ng kusa. Ilang sandali pa napagising ko rin si Papa at naisabi ko sa kanya ang nakita ko. Paglingon ko uli sa damitan namin, ito ay madilim na uli na parang walang may nangyari. Bumangon si Papa at pinuntahan ang sinasabi ko, hinawi nya at kinapa ang mga damit….sabi nya sa akin “wala naman dito ang sinasabi mo….matulog na tayo uli.”
    Ito yong karanasan ko na hanggang sa ngayon ay sobrang malinaw pa rin sa akin ang mga pangyayari…..para syang naka high-definition sa alaala ko. Sa tuwing maikwento ko ito sa mga kaanak at kaibigan ko…..pati sa asawa ko at mga anak ko noong nakaraang lingo lang, hindi ko maiwasan mangilabot at magtayuan ang mga buhok ko sa batok at braso ko habang kinekwento ko ang apat ng dekadang pangyayari sa buhay ko..


    -- edited by dundem on Sep 13 2019, 09:32 AM
  • repost:

    Ang lumang bahay ni Lolo...

    ……ito ay nakatayo sa harap ng iskul, kalsada lamang ang pagitan nila. Ayon sa mga nakakatanda, ang iskul dati ay tinitirikan ng bahay ng mga Kastila at kalaunan pinatayuan ito ng iskul pagdating ng mga Kano. Paglusob naman ng mga Hapon, ito ay naging kuta ng mga sundalo nila. At ang lupain sa hilira ng bahay ni lolo ay naging kulungan dati ng mga nadakip na gerilya o mga sibilyan na kasabwat nila. Wala lang akong alam kung may mga nangyayaring hindi maganda noon sa lupa na tinitirikan ng bahay ng lolo ko.

    Mula noong nagka-mulat ako, hindi ko na matandaan ang paglipat nila lolo at lola sa kabisera ng Bacolod. Tanging maalala ko na lang na sila na lang ni Mama at Papa at mga kapatid ko ang mga kasama ko sa bahay. Ang lawak-lawak ng bakuran ng bahay na madalas naglalaro ako mag-isa, umaakyat sa puno at manguha ng bayabas o santol, habang si Mama naman ay nagwawalis at nagsisiga ng mga tuyong dahon sa paligid…..si Papa bihira lang sa bahay kasi nagmamaneho sya ng pampasaherong bus at lingguhan kung umuwi sa bahay. Yong kapatid kong babae naman ay naglalakad na konti, at yong bunsong lalaki kong kapatid naman ay kinakarga pa ni Mama.

    Ang bahay noon ay tila napakatahimik. Madilim ang loob nito, ang mga kwarto kahit sa araw. At ang mga alaala ko noon ay laging makulimlim ang mga kalangitan at maulan tuwing hapon. Sa mga panahong yon, tahimik lang ang Mama ko at kausap lang kami ng mga kapatid ko sa tuwing pinapakain o pinapaliguan kami. Noong nagbibinata na lang ako tsaka s’ya nagkwento sa akin tungkol sa mga pala-isipan nya noon. Palagi daw s’ya noon pinapakitaan sa panaginip ng dalawang matanda, babae at lalaki ito; parang mag-asawa sila. Minsan sa panaginip n’ya binalaan daw s’ya na “….pag hindi kayo umalis sa bahay na ito, kukunin namin ang isang anak nyo!”

    Mas kinilabutan ako sa kwento ni Mama tungkol sa isang panaginip nya. Nasa taas daw sya ng kwarto, tapos naririnig nya na may tumutugtog ng piano sa baba ng bahay (may piano naman talaga sa bahay pero dinala nila lolo ito sa paglipat nila sa Bacolod). Marahan daw noong una at malungkot ang tugtog, tapos habang pababa sya ng hagdan ng bahay unti-unti itong lumalakas at naging tunog kilabot na….pagdating nya sa baba, nakita daw nya may nakaupo na tao sa harapan ng piano na nagtutogtog pero hindi nya nakikita ang mukha….bandang huli napansin nya ang kapatid kong babae na nakatayo ito sa gilid ng taong nagtutogtog ng piano. Pag-gising ni Mama, sobra nyang iniyakan ang nakakatakot nyang panaginip na yon.

    Napapansin ko nga noon na palaging nagkakasakit ang kapatid kong babae. Labas-masok sya sa ospital sa hindi malamang dahilan at natatagalan minsan bago sya makalabas. Kaya pala sila Mama at Papa noon, palaging nagpapatawag ng albularyo para pausokan ang paligid ng bahay ng insenso o kamangyan. Meron pang nagkatay sila ni Papa ng kambing, at ang dugo at laman loob nito hinalo sa timba at ibinuhos sa hukay sa apat na sulok ng bahay na parang alay sa mga ispiritu na nakatira sa bahay.
    Naka-ugalian na rin namin noon na tuwing Bagong Taon ay nagkita-kita ang buong pamilya at kapatid ni Papa sa bahay ni lolo sa Bacolod. Parang naging family reunion tuwing Bagong Taon sa Bacolod; labing-isa lahat ang mga anak ni Lolo at ang Papa ko ang panganay sa lahat. Samakatuwid, ang lumang bahay ay naiiwanan namin tuwing bisperas hanggang mag-Bagong Taon….naiiwan lang minsan sa lumang bahay ay mga kakilala o kaibigan ng aming pamilya. Hindi ko makalimutan si “Nonong”. Sya minsan naiwan sa bahay noong nag-bagong Taon kami uli sa Bacolod.
    Enero uno na ng gabi, nagising si “Nonong” para umihi. Sa sala sya natulog at pagpatungo ka sa CR ay kailangan mo pa maglakad ng mga bente metro. Naglalakad daw s’ya na lugo-lugo pa sa antok habang bitbit ang munting gasera. Paglagpas nya ng hagdanan ng bahay, madadaanan nya ang malaking hapag kainan namin sa bandang kaliwa bago kumanan papunta ng kusina tapos sa dulo ang kubeta. Habang papalapit sya sa dining area namin, napansin daw nya na parang may dalawang tao na kumakain sa lamesa habang nakayuko ang mga ulo. Isang babae at isang lalake, mga matatanda na dahil mga puti na ang buhok nilang dalawa.
    Kinabahan daw si “Nonong” sa nakita nya pero tumuloy pa rin sya papunta ng kubeta. Habang umiihi sya, nag-iisip daw sya kung totoo ba yong nakita nyang dalawang tao sa lamesa, o di kaya ay namalikmata lang sya? Pinapalakas nya lang siguro ang loob nya. Paglabas nya ng kubeta, tumuloy-tuloy sya hanggang sa mararting uli ang dining hall. Hayun, nandoon pa rin ang dalawang matandang mag-asawa naka-upo sa hapag-kainan namin. Kalmado lang daw sya habang padaan sya uli, pero noong napansin nya na umangat konti ang ulo ng matandang babae para tingnan ang direksyon nya, doon na sya kumaripas tumakbo palabas ng bahay at dumerecho pauwi sa kanilang bahay.
    Takbong hingal sya hanggang makarating ng bahay nila. Nagulat naman ang nanay n’ya at umuwi si “Nonong” sa bahay nila ng madaling araw pa lang. Kinabukasan pagdating namin mula Bacolod, pumunta ang nanay ni “Nonong” at nagkwento kela Mama at Papa sa nangyari nang nakaraang gabi. Ayaw na daw ng anak n’ya uli matulog sa bahay kahit kailan pa. Sobra s’yang na-trauma sa nakita n’ya……sa edad ko ngayon, si Nonong ngayon ay malapit na mag sesenta ang edad, binata pa rin. Pag nagkita kami tuwing mag-bakasyon ako sa Negros, respeto pa rin sa bahay ang hindi namin isisantabi. Sa mga panaginip ni Mama, at sa nasaksihan ni “Nonong”…..iisa lang ang kanilang nakikitang mga anyo, ang dalawang matandang mag-asawa.
    Ilang taon din ang nakalipas at binawian din ng buhay ang kapatid kong babae sa murang edad n’yang labing-apat pagkatapos ng ilang taon na nakikipaglaban sa sakit na hindi namin matukoy kung ano. Maraming nagsabi noon na sana umalis na kami ng bahay noon pang may babala na kay Mama sa panaginip nya, baka hanggang ngayon buhay pa ang kapatid kong babae….marahil nagtagumpay ang mag-asawang matanda, at nakuha din nila ang gusto nila.
    Ang sabi nga ni “Otay” (isang magaling na albularyo sa amin), kung bubuksan daw namin ang nitso ng kapatid ko, ito ay isang puno na lang ng kahoy ang laman. Dinala na daw sa kabilang mundo ang kapatid ko ng mag-asawang matanda. Pagkatapos noon, naging tahimik na ang lumang bahay ni lolo. Wala nang may nangyayaring kababalaghan. Marahil tama nga si “Otay”, lumisan na ng tuluyan ang nanggugulong ispiritu sa bahay ngunit bitbit naman ang aming pinakamamahal na babaeng anak at kapatid.
  • Grabe naman yan, kinuha pa kapatid mo. Wala bang kinuwento lolo nyo o papa nyo kung sino yung nagmumulto?
  • Marami pa mga nangyayari dyan sa bahay na masabi kong pira-piraso na naganap na napakahirap paniwalaan at may kakatakutan…..

    Meron din dyan isang tita ko na bunsong kapatid ni Papa; umuwi sila sa bayan namin para mamyesta. Isang araw, maliligo sya sa tanghali, pero narinig nya may naliligo pa sa banyo so nag-antay sya sa sala ng bahay. Noong napansin nya na kalahating oras na syang nag-antay pero wala namang may lumabas na tao bandang kusina kung saan naroon ang banyo sa dulo, so binalikan nya ang banyo para silipin kung bakante na ito. Pagtingin nya bukas naman ang pintuan nito at may isang malaking batya pa na puno na ito ng tubig. So pumasok sya at naligo para ready na naman sya sa night dancing sa plaza dahil sa town fiesta namin….pagkaraan ng ilang araw bumalik na sila ng Bacolod, pero pagdating doon nagkaroon si tita ng maraming butlig na tumubo sa buong katawan nya. Ilang doctor na ang pinuntahan nila pero hindi ito gumaling, yong isang nakakatandang kapatid nag-suggest na subokan nila pumunta sa kilalang albularyo na malapit sa kanila…..pagdating doon, sabi ni kuya Otay sa kanya: “ginamit mo ang tubig ng mga ispiritung nakatira sa bahay nyo, maliligo din sana sila kaso pinakialaman mo ang tubig nila kaya nagalit sila sa yo…” Hayun konting dasal at haplos ng langis, pag-uwi nila sa kanilang bahay, unti-unti na humilom ang mag bukol o butlig sa katawan nya.


    Yong isang tiya ko rin na nasa Italy ngayon, noong dalaga pa sya nabiktima din sya sa bahay namin sa probinsya…..tanghaling tapat daw noon, naisipan nyang maligo kasi mainit daw. Pagkatapos noon umakyat na sya sa taas at nagsusuklay sa dresser na malapit sa bintana…..habang nagsusuklay daw sya sa tapat ng malaking salamin, sya ay kumakanta pa. Mamaya daw konti ay tumabing ang kurtina sa salamin na tipong naihip ng hangin sa labas, so hinawi nya ito….mamaya konti tumabing na naman daw ang kurtina sa salamin habang nagsusuklay sya at kumakanta….nainis sya konti, sabi nya “istorbo itong hangin ah…” Ilang saglit pa, tumabing na naman daw ang kurtina sa salamin, this time inis na inis na sya at nagsalita sya ng hindi maganda na wala naman sa loob nya….hayun, bigla daw nag-wagayway ang kurtina na tipong hinawakan ito sa tapat ng salamin. Sya naman bigla nya ito hinawakan at pwersang itinulak nya ito ng malakas, pero nangilabot sya nang bigla nyang naramdaman na may kamay syang nadakma pero wala namang tao sa likod nito….napasigaw daw ang tiya ko at tumakbo sya pababa ng hagdan. Sa sobrang takot nya, tanging puwet nya na lang ang nagamit nya pahakbang pababa ng bahay…..tumakbo pa sya hanggang labas ng bahay sa sobrang kilabot nya kahit sya ay nakatabing lang sa bathrobe o tuwalya. Tumigil na lang sya noong nakita nya ang isang lola namin at pinakalma sya nito.
  • @lefty.....sadly sir walang binigay na hint sa amin ang lolo namin tungkol sa mga nangyayari sa bahay. Palibhasa marami syang business noon at vice mayor pa sya ng bayan namin kaya laging wala sya sa bahay......at nakikilala ko ang lolo noong musmos pa ako, isa syang matapang na nilalang, na parang walang maaaring makapagsindak sa kanya. Ang tawag sa amin nyan ay isang tao na "isog ang dungan"....sa madali't sabi, ito yong mga tao na hindi basta-basta natatakot sa anumang bagay.....siguro natakot din mga ispiritu sa kanya kaya hindi sya pinapakitaan hehehe......siguro tumapang na lang yong mga ispiritu sa bahay, noong umalis sila at lumipat na ng Bacolod, at naiwan na lang kami isang pamilya sa bahay.

    Ang papa ko rin, hindi din yan pina pakitaan kaya di masyado naniniwala sa mga kwento ng mga kapatid nya tungkol sa mga nangyayari sa bahay.
  • Kwento ko lang tong story ko.

    Di ako naniniwala ng mga ganitong estorya, pinatatak kasi ito ng itay ko na hindi ito totoo at dahil lamang daw gusto natin makita ito kaya parang "nakikita natin sila" kaya mula nung bata pa ako ay hindi na din ako matatakutin sa mga ganitong bagay. Pero share ko lang itong na experience ko dahil di ko din to ma explain bakit.

    1st college ako nun at sem break yun kaya pumunta ako at ng mga kaklase ko sa Samal Island, katabing island ng Davao, dahil yung kaklase ko ay dun umuuwi and dun naka tira. Sinuggest ng cm8 ko sa White house pumunta, isa itong lumang bahay na parang ginawang bahay simbahan ng El frilibusterismo, isang relihiyong ang kanilang panginoon ay si Jose Rizal, at ginawa na ito parang tourist visit. Pag baba pa lang namin ng tricycle napansin ko na may mga tao sa 3rd floor ng bahay naka tingin samin, tapos malayo yung gate sa bahay kaya di ko makita halos ang mukha pero napansin ko na may babae at lalake na naka barong at naka filipiniana, nakita din ito ng kaklase ko at sabi nya ay "uy may effort tlga sila kasi naka costume" sabay patawa at ako din napa wow. Pag pasok mo ng bahay mapapnsin mo tlga na sobrang luma, mga 1950s pa daw iyon, at may mga picture ni Jose Rizal, pag dating namin sa may 3rd floor sumalubong samin ung lalake na naka barong at dun ko napansin na hindi ito barong pero ito yung mga Guitar na shirt brand na pure white pero ito yung long sleeve, at dun ko napansin na walang babaeng naka Filipniana, at yung kaklase ko eh nakita ko sa mukha nya na shock na shock sya, sinabi nya sa ibang kaklase ko na may babae at sabi nila wala raw, pinagtawanan na lang namin sya at sya rin natawa na lang din. Pero sure ako sa nakita ko, may babae talaga. Hindi naman sya nakaka takot kung babalikan yun, parang "odd" lang talaga sya na experience.
  • sabi nga ng mga kapatid ko, baka nga daw dumadalaw na ang mga kaluluwa nila Mama at Papa sa bahay, ewan ko bakit nila nasabi yon marahil naramdaman din nila........sabi naman ni misis, pinagpi-pyestahan na daw ng mga maraming ispiritu ang bahay namin ngayon dahil napabayaan na at walang may nakatira. Ilang beses na rin kami ni misis umuwi sa probinsya namin, pero ngayon lang sya nagpupumiglas at takot na takot na matulog sa bahay.

    totoo yang sinasabi ng mga kapatid mo kasi ang mga yumao, bumabalik yan kung saan sila dati nakatira para bumisita. may mga pagkakataon pa nga na magpapakita o magpaparamdam yan, at kung meron sila di nagugustuhan papasok yan sa panaginip.

    wala ako experience sa ganyan pero ung dad ko na yumao na din, nung buhay pa sya laging nagpaparamdam ang dad nya na lolo ko about sa lupa o bahay nila sa Zamboanga tungkol sa ganito o ganyan. then pag tatawag na dad ko sa kapatid nya na nasa bahay nila sa Zamboanga, kung ano ung napaginipan ni dad na kausap nya dad nya na lolo ko, nagmatch nga dun sa sinasabi ng kapatid na tinawagan nya. pati ung patungkol sa panteon ng parents nila halimbawa may tulo ang bubong o dapat ipagawa. basta mga ganung bagay. kaya kami ng kapatid ko, nung yumao si daddy ung bahay na iniwan nya sa amin hindi namin pinapabayaan and in fact unti unti namin inaayos. pati himlayan nya sinigurado namin na maayos kasi gusto namin na at peace sya and walang inaalala.

    * naaalala ko na naman dad ko. kakamiss. *


    re: sa bahay na pinamamahayan ng ligaw na kaluluwa o masamang ispiritu. totoo yan. meron sa province ng mom ko lumang house dun na wala nakatira dahil ung dating nakatira dun yumao na at ung mga anak nasa Manila na, sabi nung mga kapit bahay sa gabi daw may naririnig sila na kung ano ano like humahagulhol, at kung ano anong ingay na parang nagwawala. minsan may matandang nakatayo sa may bintana sa 2nd floor. nataon pa na ung lumang house na un ay few steps away from sementeryo.



    @mmb101......Negros Occidental kami sir.....bale from Bacolod City, pa-south sa amin mga isang oras kalahati pa ang byahe.


    I see. taga Negros pala kayo.

    -- edited by mmb101 on Sep 13 2019, 11:36 PM
  • tanong ko lang yung batang babae bkit dalawa pero ang kausap ng lolo eh isa lang pati sa pagbigay ng baso dalawa lang sila at pansin ko hndi pinapakita yung muka nung isang batang babae.
  • Parang wala namang kababalaghan dyan. May baso na kasi yung batang nakatalikod. Tingnan mo, may hawak sya nung nakaluhod, nasa side table. Naabutan ko yang ad na yan, tina try kong tandaan kung isa lang o dalawa bata, di ko maalala. Pero mukhang imposible namang
    multo yun at ang linaw linaw.

    Ang naaalala ko yung bata na kausap yung lolo tapos yung linyang “look at my mole.” May classmate kasi kami nung hs, all boys school kami, may malaking nunal. Pag nakikita namin sya tinatanong namin “Is that you lolo?” Hehe.

    -- edited by lefty on Sep 19 2019, 02:32 PM
  • inabutan ko rin yang ad na yan at dalawa talaga sila dun sa huling scene....
  • grabe kinalabutan ako sa commercial!!! :P
  • Nakakakilabot ba? Hehe. Kasi luma ano? Ako nga iniisip ko na siguro mas matatakot pa ako pag may nakasalubong ako sa hatinggabi na batang babae na nakaputing damit gaya ng nasa bear brand ad above kaysa sa white lady. Hehe.