Forum Topic

Ghost stories ng mga members dito.. wanna share?

  • kaka search ko lang nung sa buloy, sad pala story behind it. iba padin tlga ung natural disaster sa bundok and most of the time tong nature cost na to unpredictable. katulad sa river crossing. rest in peach din dun sa anak ng friend nyo sir statix
  • oo sa maculot madami daw nag paparamdam e. madami nadin stories dun about the shadow lurker and ung umaaligid sa tent. alam ko may nag post ng horror stories nila sa maculot and un nga may nasapian. tsaka may nag papakita daw sa groto dun na bata then kakawayan ka ung parang tinatawag. wag lang daw lapitan, sabi ng mga guide ligaw daw mga un
  • Just wan't to go back on the Kumakatok na topic... Meron ba nkaka alam dito ng specific na tawag sakanila?

    Sobrang curious kasi ako sa name and I realy want to research more about it.

    Reason***

    1. Nung Elementary student palang ako nakatira kame sa Plaridel Bulacan, bukirin yung area naexperience ko sya ng countless time na pero goodthing wala nman namatay samin... First ko sya naexperience may sakit ako nilalagnat dahil sa tonsilitis , then naggising lagi ako ng 2:55AM- 3:00 AM... Narrining ko nagtatahulan lahat ng Aso sa malayo tapos papalapit ng papalapit samin yung tunog ng tahulan ng aso then bigla nlng titigil kung mga pagtahol tapos may kakatok nlang sa harapan na pinto namin ng tatlong beses tapos mabagal pang 1 sec to 1.5 sec ang interval ng katok.. tapos after mga 5 sec lilipat sya sa pinto namen sa likod... pero syempre hndi ko p[ag bbuksan kasi takot na tajot ako at gngnising ko Parents ko pero ayaw ako paniwalaan... hanggan sa narining ko kumatok nman sya sa kabilang bahay namen... bahay ng tita ko walang tao na nakatira dun... magkasama mga bahayn namen sa isang bakuran...

    2. Buntis ang mother ko sa bunso namen na kapatid (mga 11 palang ako dito)... ung mayari ng bahay na sinabi ko sa number 1 nagbabakasyon samin ate ng mama ko nagtatawas sya at nag hihilot... one time umalis kame ng father ko kasama ate ko so ang naiwan lang sa bahay is mama ko ang tita ko at ang boy namen...bago kame umalis nag kwento ako sa tita ko na narrining ko nanaman ung kumkatok at lagi nnman ako nagging ng 3:00AM so gnawa nya nag abang sya hanggang 3:00 AM at naconfirm nya na may kumakatok nga... kinausap nya ang sabi nya sino ka bakit kita pagbbuksan ng pinto pero hndi nman sumagot at nung binuksan nya... wala nman tao... tapos nung mga sumunod na gabi nakauwi na kame may narrinig kame na malakas na tunog ng paniki every 11:00 PM kaya gngawa ng tita ko nag sasaboy ng asin sa bintana, pinto at bubong tapos nilalabas nya ung malaking itak na ginagamit nya kapag nagtatawas sya... NOTE: pero sabi nya magkaibang entity daw ung kumakatok at ung paniki.

    3. Teen nako hndi ko na naririnig yung kumakatok at hndi nako naggising 3:00 AM pero 1 time nagka sakit nnman ako tapos kaylangan ko gumising para mag take ng anti biotic... 5 mins/ 10 mins before 3:00 AM ginising ko mama ko para mag tanung kung ilang Mm ba dapat inumin kong gamot at mag tanong kung san tinago yung snacks ko ( sira ref) tapos nung nag snacks nako narining ko nagtatahulan nnman yung mga aso then huminto at kumatok nnman sa pinto namen 3x tok tok tok! narinig sya ng mama ko sabi nya anu yun... sagot ko nlng sabi ko sayo ma totoo yung kumakatok sa madaling araw... tapos naririning ko yung tunog ng paa nya kada hahakbang dahan dahan papaliapat sa likod na pinto at kumatok ulit... sabi ng mama ko inumin ko nadaw ung gamot at matulog kasi pusa lang un... sabi wala nman pusa na kumakatok sa pinto... dalawang pinto pa...

    Actualy nasanay nlng ako at sa dalas ko sya naririrning hndi nako natatakot at dinadaan ko nlng sa prayers everytime na marrining ko since nung bata pako prayers lang yung panlaban ko sa takot ko...

    Ngayun hndi nako nakatira samin may family nakong sarili at hndi ko na naeexperience yun...

    Pero dahil sa KMJS na topic last January 2020 yata naalala ko nnanaman so gusto ko lng makakuha ng additional info... who what and why
  • kumakatok... sabi nila tatlo daw yan.... kung sino man ang magbukas ng pintuan na kinakatukan nila, may mamamatay sa bahay na yun.
  • Meron pala nito.

    I work for a big organization here in Ortigas. Medyo luma na din yung building namin pero maayos lang kasi maintenance kaya hindi halata :). Anyway, madami elevators dito and kinda spooky talaga. Sa isang wing/core may 2 elevators on both sides of a cul de sac (sorry for the term, ala na ko maisip na mas bagay) that's straight out of a Stephen King novel. Sunlight never comes into this area, along with the long empty hallway leading to it, such that lights need to be turned on always. Otherwise, complete darkness. Tapos yung elevators have reflective light-bronze walls that're periodically polished to the point of spookiness.

    Hindi ako storyteller so I'll keep it simple. Employees here are referred to as "staff", btw.

    Staff gets in the elevator & sees another person close to the rear. Nothing unusual as the staff even sees the other person's reflection on the elevator walls. Staff is about to get off & suddenly notices she is alone!

    Another...
    Staff steps into the elevator. Finds it empty, sure as hell. After punching in her floor, she looks up & as the elevator door closes she notices a reflection of someone else on the wall!

    Isa pa...
    Staff steps into the elevator & sees another person with a kid in tow. Staff finds the kid cute & even touches the boy's chin, to which the kid & the supposed "mother" respond w/ smiles. Upon turning her back though, the only reflection on the walls that she can see was hers!

    Marami pang similar incidents on that same core. Curiously, wala namang white/dark lady/man/kids with mangled body parts or blood trickling somewhere; or the usual "monster", or freaky smell or sound stuff. Just plain ol' people just apparently appearing or vanishing. Isa pa, it seems all the "victims" are women. I'm inclined to believe it's all just urban legend. Pero yung nagkwento sa akin is close to at least 2 of the "victims" and they swear by it. Regardless, never ko na ginamit yung elevators sa core na 'to na mag-isa.

    Sensya na kung medyo mababaw 'to compared sa mga na-backread ko o baka may nakapag-share na din ;)
  • @maxq
    saan building yan sa ortigas paps?
  • @maxq

    Wynsum bldg ba yan?
  • sowi pips hindi pwedeng sa akin manggaling yung name ng org. medyo mahigpit policies namin sa ganito & this might put them in a bad light. & no, hindi po Wynsum
  • yung nagwowork din ako sa ortigas center dati, yung building where in our office is located at meron din spooky tales about sa elevator. ang naalala ko everytime na sumasakay kami sa elevator pag madaling araw na, humihinto siya sa 4th floor. ang weird thing dito is vacant yung floor na yun eh as in walang office of any kind. totally madilim lagi. dim lang yung ilaw sa hallway. not all the time nangyayari pero tuwing madaling araw madalas.

    -- edited by shadow on Feb 19 2020, 08:37 AM
  • yung sa elevator issue na yan halos same din sa naexperience namin sa burgundy tower dto sa makati
  • shadow Send Message View User Items on 19 Feb 20 @ 08:36 AM #

    yung nagwowork din ako sa ortigas center dati, yung building where in our office is located at meron din spooky tales about sa elevator. ang naalala ko everytime na sumasakay kami sa elevator pag madaling araw na, humihinto siya sa 4th floor. ang weird thing dito is vacant yung floor na yun eh as in walang office of any kind. totally madilim lagi. dim lang yung ilaw sa hallway. not all the time nangyayari pero tuwing madaling araw madalas.

    Raffles Corporate Center Building ba yan? Ung color gold na building sa Emerald Ave.
  • @mmb101
    Orient plaza or Orient square yata name nun. Basta blue yung building along emerald ave din

    -- edited by shadow on Feb 20 2020, 02:15 PM
  • At isa rin yan sa pinagtataka ko. Bakit walang mga ganitong pangyayari sa ibang bansa? 11 years na akong wala sa Pinas, pero never pa ako naka-experience ng anything like sa Pinas.. Siguro multo pwede pa. Pero engkato at mga aswang? Hhmm..


    Meron din po yan sa Malaysia...
    ma observe nio magkahambing yung mga creatures nila sa atin..

    I think thailand din at saka yung iba tulad ng Vietnam, Myanmar mga ganyan din tema ng mga horror nila

    mukhang Asian Horrors yang mga yan..
  • kwento ka daw sir. balak namin pumunta sa mga medyo eeriee na mga bundok this year. isa na itong mt. banahaw sa plan namin.


    buhay pa rin ba ang mga kwentong Banahaw ng 3 bundok?

    sa pagkakaalam ko long time ago ang kwento dyan, 3 bundok ang Banahaw...
    yung Banahaw Lucban, main Banahaw mountain at yung Banahaw Cristobal..

    yung Banahaw Cristobal daw ang negative forces, while yung 2 Banahaw ang positive forces..
    mas madaming mga masamang elemento daw sa Cristobal kesa sa 2 Banahaw..

    yung Banahaw Lucban at main Banahaw naakyat namin dati, so far wala naman kami na experience na ganyan.
    pero ngayon ko lang din nalaman yung may wreckage...

    dati may nadadaanan kami mga kuweba na may mga kandila at may mga parang orasyon na mga sulat sulat..

    meron kami dati ni-check na isang matanda na nakatira dun sabi nila baka daw aswang kasi walang hiwa yung itaas na labi,
    pero nung dumalaw naman kami parang meron naman at mabait naman yung matanda..
    masukal yung puwesto niya dun medyo malapit pa sa paanan nung bundok..

    btw, totoo ba na yung kapital daw ng mga aswang sa Norte ay sa Quezon? parang sa atimonan daw yata..
    parang bayan Capiz sa Iloilo..
    kwentong barbero lang, no offence..
  • meron kami dati ni-check na isang matanda na nakatira dun sabi nila baka daw aswang kasi walang hiwa yung itaas na labi,


    engkanto yun pag walang philtrum (sabi ni wiki yan daw tawag dun sa hiwa na yun). aswang makikita mo lang sa mata nila na baliktad ang reflection mo.
  • di ko alam na dalawa pala ang banahaw. ang alam ko lng yinyang sila ng cristobal. creepy naman nung matandang nakatira dun. as in mag isa lng ba sya?

    ang alam ko naman may manlalason sa quezon kasi nung nag punta kmi ng kateam ko sa cagbalete sinabihan kami na wag daw kakain sa labas ng resort or bumili ng kung ano ano sa mga nag titinda sa labas. though d ko sure if marketing lng nila un para sknla kami omorder, may sarili naman kming food at kmi kami nadin nag luto
  • shadow Send Message View User Items on 20 Feb 20 @ 02:15 PM #

    @mmb101
    Orient plaza or Orient square yata name nun. Basta blue yung building along emerald ave din

    I see. Sounds familiar but I can no longer recall ung itsura ng building sa harap.

    At isa rin yan sa pinagtataka ko. Bakit walang mga ganitong pangyayari sa ibang bansa? 11 years na akong wala sa Pinas, pero never pa ako naka-experience ng anything like sa Pinas.. Siguro multo pwede pa. Pero engkato at mga aswang? Hhmm..


    Meron din po yan sa Malaysia...
    ma observe nio magkahambing yung mga creatures nila sa atin..

    I think thailand din at saka yung iba tulad ng Vietnam, Myanmar mga ganyan din tema ng mga horror nila

    mukhang Asian Horrors yang mga yan..

    Aswang is real. My mom from Bicol saw aswang 30+ years ago sa house ng lola nya na nagkasakit - inaswang - few days before her lola passed away, and the aswang transformed into a big black dog na bigla nawala sa dilim nung lumabas ng house from the room kung saan nakaratay lola nya. Actually her brothers, my titos chased the creature with their 'itak' pero mabilis nawala.

    meron kami dati ni-check na isang matanda na nakatira dun sabi nila baka daw aswang kasi walang hiwa yung itaas na labi,

    baka naman dating may bingot at maayos ang pagkakasurgery to the point na nawala ung hiwa sa taas ng labi nya. lol

    engkanto yun pag walang philtrum (sabi ni wiki yan daw tawag dun sa hiwa na yun). aswang makikita mo lang sa mata nila na baliktad ang reflection mo.

    parang ang hirap madetermine sa mata na icheck ang reflection mo. bago mo pa maconfirm, sa kakatitig mo to confirm, nabudol ka na.

    ang alam ko naman may manlalason sa quezon kasi nung nag punta kmi ng kateam ko sa cagbalete sinabihan kami na wag daw kakain sa labas ng resort or bumili ng kung ano ano sa mga nag titinda sa labas. though d ko sure if marketing lng nila un para sknla kami omorder, may sarili naman kming food at kmi kami nadin nag luto

    obvious marketing strat pero para sure, kunwari naniwala ka, pero better magdala ng sariling baon para literal na safe + tipid ka pa.
  • parang ang hirap madetermine sa mata na icheck ang reflection mo. bago mo pa maconfirm, sa kakatitig mo to confirm, nabudol ka na.


    well.... ^_^

    obvious marketing strat pero para sure, kunwari naniwala ka, pero better magdala ng sariling baon para literal na safe + tipid ka pa.


    hindi sa lang manlalason sila or marketing ng resort ngunit may risk na may halong di kanais-nais yung pagkain na ihahanda dun sa labas lalo na di mo kilala yung tao na nagbibigay ng pagkain... parati ko yan naririnig sa mga kwento galing sa mga bayan na may mga aswang.

    ano yung di kanais nais? well sabi nila laman ng tao na niluto ng mga aswang at pag kinain mo, magiging katulad ka nila.

    -- edited by redwing0001 on Feb 21 2020, 10:42 PM
  • Sabi, sa Quezon daw madami ding aswang. but not sure kung totoo, nabasa ko lng un somewhere. parang sa FB Page ung spookyfy
  • hindi sa lang manlalason sila or marketing ng resort ngunit may risk na may halong di kanais-nais yung pagkain na ihahanda dun sa labas lalo na di mo kilala yung tao na nagbibigay ng pagkain... parati ko yan naririnig sa mga kwento galing sa mga bayan na may mga aswang.

    ano yung di kanais nais? well sabi nila laman ng tao na niluto ng mga aswang at pag kinain mo, magiging katulad ka nila.

    wtF! kaya mas maigi talaga na magBaon na lang para talaga safe.
  • wtF! kaya mas maigi talaga na magBaon na lang para talaga safe.


    yuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuup..... no brainer na yan dapat...
  • no brainer maliban na lang kung kilala mo mga tao dun sa lugar na yun....

    naalala ko noong bata pa ako, pag pumunta kami sa lemery, kakain kami sa palengke ng taal.... bakit? kasi taga dun yung tatay ko sa lemery at alam niya yung mga lugar dun.

    kung taga labas ka, I would suggest wag ka basta basta tatanggap ng pagkain sa di mo kilalang mga tao, baka mapahamak ka.
  • kung taga labas ka, I would suggest wag ka basta basta tatanggap ng pagkain sa di mo kilalang mga tao, baka mapahamak ka.


    Hahah. Parang sa pelikula lang talaga yun kay Agimat. yun lumang Agimat.
    Pero yan simple reminder na yan eh makakaiwas ka talaga sa mga di magandang puwedeng mangyari.
  • Na-curious ako sa pagkain na mula sa aswang na yan, and a quick search I found quoted from news.abs-cbn.com:

    Simple at masayang namumuhay noon si Azon kasama ang kanyang pamilya, nagtatrabaho bilang isang factory worker at puno ng pangarap.

    Ngunit nagbago ang kaniyang kapalaran dahil sa misteryong bumalot sa kanyang katauhan.

    Isang taon na ang nakalipas mula nang imbitahan si Azon ng kanyang kasamahan sa isang handaan.

    "Ako lang po yung bukod tanging hinainan niya ng isang pinggan
    ng pagkain. May nakain po akong matigas na bagay hindi ko po masabi kung ano po; nilunok ko na lang," aniya.

    Makalipas ang tatlong linggo, nakaramdam siya ng kakaiba, at napansin naman ng nakababatang kapatid niyang si 'Totoy' ang kakaibang ikinikilos niya.

    "Naging balisa na po siya. Nawawala po siya kapag natutulog po kami," ani Totoy.

    Kuwento pa ni Totoy, kapag nakakakita raw ng buntis ang kapatid ay nababaling ang atensyon nito.

    Dagdag niya, halos gabi-gabi ay nawawala ang kaniyang Ate Azon, hanggang sa isang gabi ay nasaksihan na niya mismo ang isang nakakakilabot na pangyayari.

    "Bumangon sa higaan po namin, lumabas po siya sa may pinto, pumunta po siya sa may puno po sa amin. Medyo madilim po doon eh. Naglalakad po siya, tapos po naging ano na lang po siya, asong malaki."

    Pagbalik ng bahay, duguan, marumi ang damit, at tulala si Azon.

    "Mga konting oras lang po makikilala na niya po ako. Tapos magugulat po siya sa hitsura niya po na may dugo po siya sa katawan. Hindi ko po malaman kung dugo ng tao o hayop eh. Malansa po siya," salaysay ni Totoy.

    Ani naman ni Azon, hindi siya makapaniwalang ganun ang itsura niya nang siya ay magkamalay.

    "Nararamdaman ko po sa sarili ko po na hindi naman po ako kumakain ng tao, puro hayop sapagkat may nababalitaan ako sa ibang lugar na may namamatay na hayop," aniya.

    Sa patuloy na pagkawala tuwing gabi, takot at pangamba ang nadarama ni Azon.

    "Ang ikinakatakot ko po ay mismong ang sarili ko pong pamilya ang maging biktima ng pagiging aswang ko, na may ibang tao na madadamay, ayoko ko pong mangyari."

    "Mananalangin nalang po ako sa diyos, na meron pa pong pag-asa na gagaling pa po ako," ani Azon.

    "Ako po ang nagpapatunay na totoo po ang aswang pero ako hindi ko po ginusto na maging aswang," dagadag niya.

    Para naman kay Totoy, tanggap na niya ang kanyang Ate Azon, ngunit may kaunting takot pa rin. "Baka po isang araw kami na po ang mabiktima niya o baka mapatay po siya," aniya.

    Paniwala ng albularyo, totoo ang lahi ng aswang at ito ay pamana ng kanilang ninuno.

    "May aswang na nanghawa, nilagay dun sa pagkain niya, isang mutya yun para maging aswang siya. So totally sa simula niyan pwede muna siya kumain ng mga hayop-hayop. Pangalawa pag hindi na nakontrol pwede na siyang kumain ng tao,"ani Harold Cabrera, isang albularyo.

    Sa kagustuhan niyang magbago, sinubukan ni Azon na magpagamot sa isang albularyo.

    Isang basong tubig na may halong tawas na asul at dasal ang ipinainom sa kaniya, at ilang sandali lang ay iniluwa niya ang isang bato na pinaniniwalaang "mutya." Ito ay may guhit na tila hawig sa tiyan ng isang gagamba.

    Paniwala ni Azon, ito ang dahilan ng kaniyang pagiging aswang.

    Para sa Simbahang Katoliko, kung tunay man ang pangyayari kay Azon, ito ay gawa ng kampon ng kasamaan dahil ang diablo ang puwedeng magkaroon ng iba't ibang anyo.

    "Ang simbahan ay wala siyang statement na sinasabi na totoo yan o hindi. Ang sinasabi ng simbahan ay ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat," ani Fr. Francis Lucas, presidente ng Catholic Media Networks, Inc.

    "Ang aswang kasi ang daming definition eh--mayroon pa nga manananggal, may tiktik, may aswang at iba't iba rin ang kakayahang ginagawa niya."

    "Ang alam lang natin ay gumagawa siya ng masama, pumapatay, nananakot, nakakasira ng kapwa. Ang importante diyan, patuloy kang nananalangin sa diyos at humihingi ng kapangyarihan sa diyos para sa'yo, yan ang depensa mo," dagdag niya.

    Para kay Azon, umaasa siyang tuluyang gagaling at lalaya sa lahi ng sinasabing aswang. Payo naman ng simbahan, ang pinakamabisang panlaban pa rin sa lahat ng likha ng diyablo ay matibay na pananalig sa Diyos.
  • Up.
  • sino nakakita nung sa may sun residence na may kumakaway na bata??
  • ung may nadidinig ka umiiyak sa labas bintana ng 3am, ano kaya un? walang tao pag sinilip.
  • Meron pala nito...

    this happened to us around 1997... sa cavite kami nakatira and then around this time medyo may mga time na may power cut offs pa o brownout... ngayon one night nawalang ng kuryente... so pag walang kuryente sa harap kami ng bahay natutulog sa pick up truck kasi may pickup erpat ko dati... around 9pm naubusan kami ng kandila so sabi ng father ko sa ate ko na kumuha ng kandila sa 2nd floor... (three stories yung bahay namin) so may dala siyang maliit na flashlight pumanik siya then walang ilang minuto lang narinig namin yung sigaw nung sister ko na may biglang kalabog sa gate... so in an instant nagtatakbo kaming family sa bahay... nakita namin yung sister ko nasa floor naiyak then nadugo yung noo and yung nose niya kasi tumakbo siya palabas ng bahay... then di namin siya makausap ng maayos for a while... so binuhat siya ng father ko palabas then after medyo naka hinga na siya nag kwento siya... after daw niyang makuha yung kandila sa second floor... after niyang bumaba sa stairs palabas na ng bahay.... namatay yung flashlight niya then mga 10 steps lang yun stairs to the gate palabas ng bahay... nag try siya lumabas habang kinakapa yung walls then may naapakan daw siya na parang paa which is akala daw niya tsinelas pero yung nagulat siya parang umaray daw tapos naramdaman niya yung hinga nung pag aray kaya sobrang takot niya napapiglas siya ng takbo diretso sa gate...

    walang naniwala sa sister ko and na dismiss lang as her wild imagination....
  • Anyone tried to look up Ed and Lorraine Warren’s YouTube channel? What do you think?
  • they have been at it until they passed away at they have a museum to show for it.... oh and that annabelle escaped story? all baloney. I saw a YT of annabelle being stored in its glass case 4 weeks ago. Its still there.