Forum Topic

TPC New Zealand

  • Been applying sa seek for months now and lahat declined.
    10 years experience in IT Support/Systems Administration/Helpdesk.

    Baka meron kayong ma recommend mga sir? I really wanted to migrate sa NZ with family.
  • Guys question pag bumili ba ko ng laptop sa philippines say lenovo, mahohonor ba yung warranty non sa NZ?
  • Baka meron kayong ma recommend mga sir? I really wanted to migrate sa NZ with family.

    Paps, nasa Pinas ka ba ba? Medyo mahirap talaga yan in case. Kasi yung mga andito na na may proper visa hinde din lahat agad agad nakaka pasok sa work. Much more kung wala ka dito at walang visa. Check mo immigration website/pinoykiwi website baka maka apply ka ng SMC visa para makarating kayo ng family mo.
  • Guys question pag bumili ba ko ng laptop sa philippines say lenovo, mahohonor ba yung warranty non sa NZ?

    Check mo paps kung may international warranty yun bibilin mo, then kung may Lenovo service center dito at may international warranty yan, i-honor nila yan.
  • @MarkM not all brands offer international warranty. Apart from Apple, ASUS lang ang alam ko na meron.
  • thank you sir.

    isa pa question guys, sino may experience applying sa bpo industry in nz wellington in particular?

    mahirap/madali ba makapasok? applicant does have a work visa tia
  • No idea sa BPO sa Welly. Check seek.co.nz to give you an idea kung may demand.
  • Musta mga paps. Real talk lang, dun sa mga kaka rating lang in the last 5 years, ok ba kayo so far? If nasa mid 30s kayo pataas, sa tingin niyo ba kayang kumuha ng bahay? Mahigit 1 year palang ako dito pero so far di ko makita if pano kami makaka bili ng sarili naming place. Napapa isip tuloy ako if good move ba ginawa namin or hinde hehe.

    -- edited by ropongi on Jul 31 2019, 09:48 AM
  • ^san ka ba originally galing? Am guessing dun mo kinocompare e.g. if galing SG. Ang sagot is case to case at kung saan ang field mo at saan ka based. From there eh pwede ka mag adjust. May asawa ka na ba? If yes eh nagwowork din ba? Kasi kung pareho may work at willing ka mag start small e.g. apartment muna then upgrade to a house eventually. Or kung based ka sa AKL at tingin mo may market yung skills mo elsewhere na mas mura ang bahay. Marami na akong katrabaho na ganito ginawa. Nabawasan konti salary pero almost half ang price ng bahay sa area e.g. Whangarei 300-400k which is about 500 per week mortgage, much less kung ibawas mo pa deposit.
  • ^ Oo paps. Ng work ako sa SG for few years pero di ko naman ni compare dun. Mukang yung suggestion mo nga ang pinaka possible sa ngayon hehe. Kaya lang ang IT market sa ibang area di kasing ok dito. Ng work na din si misis fulltime. Kelangan ng mas malaking sweldo :D

    -- edited by ropongi on Aug 01 2019, 09:07 AM
  • ^konting sakripisyo lang tingin ko kaya naman. Sa case ko eh pareho kami nag work ni misis pero yung sweldo lang ng isa ginagamit namin. Yung sa isa eh all savings.
  • @ropongi

    "Struggle is Real" at "Livin on the Edgeee" akala mo sa una Livin on your Dreams aahh! yan sama mo yang mga salita na sinabe mo "Real talk" payo ko sayo bumalik ka na lang sa SG andun ang salapi biro lang baka seryosohin mo.. Hahaha! Kung gusto mo maliwanagan ka sumama ka sa amin sa "Dark Side" lol! Hebigats ba..? Sumisisra tong bansa na toh ng career alam mo ba.. pag naligaw ka ng landas..

    Ganito Kame Sa New Zealand.!

    Galeng ako dun sa pinangaalingan mo. Sawa na ako dun eh.. kaya dito iba na approach ko just go with the flow.. enjoy the ridee.!

    -- edited by Rhapza_21 on Aug 03 2019, 02:24 AM
  • @ropongi,

    real talk ba? wag na wag kayong pupunta dito sa NZ. masisira lang buhay at mga pangarap nyo dito. wahahah XD XD XD
  • ^ hehehe, thanks mga paps sa encouragement :D
    sumama ka sa amin sa "Dark Side"
    san ba yan paps? Ma google maps nga pa punta dyan :D
    real talk ba? wag na wag kayong pupunta dito sa NZ. masisira lang buhay at mga pangarap nyo dito. wahahah XD XD XD

    Masarap daw dito may winter, although masyado malamig the past few days. :D
  • @ropongi,
    may winter din sa Canada. lumalamig din ata sa Aus. hindi sulit yung winter sa NZ kung winter lang ang usapan. :D

    Kung wala kang balak mag settle for good dito sa NZ at gusto mo lang mag ipon, sa SG na lang, mas optimal.
  • Kung wala kang balak mag settle for good dito sa NZ at gusto mo lang mag ipon, sa SG na lang, mas optimal.


    sir pwede pa explain po bakit mas optimal? taga SG dn ako ngaun nag iisip mag NZ.
  • ^ speaking from someone living in AU pero baka pareho lang kasi kapitbahay ng AU ang NZ at mostly halos pareho lang ang cost of living.
    Sa SG mas mura food, mas less tax so more take home pay which is opposite of AU or NZ
  • ^ tama naman paps. example yung tax ko sa sg ng 1 year, ay mga less than 2 months tax worth dito sa NZ. Pag dating sa renting, family of 3 kami sa SG, isang room lang pwede. Dito sa NZ, hinde na pwede (legally speaking), kelangan kuha ng atleast 2 bedroom unit. So in short lalaki ang gastos mo sa rent. Not to mention mahal din ang rent kahit ikaw lng mag isa. Mababa na ang 150 per week so 600 minimum /month kahit ikaw lng. Kung family of 3 at mg rent ng mga 2 bedroom unit, mababa na mga 480 /week. In general mas mataas ang cost of living ng NZ pero salary wise mas mababa compared sa SG.

    Pero sympre may mga advantages din naman if dito mg stay sa NZ (kiwisaver, libre education/dental/healthcare ng mga bata, then subsidized and healthcare ng adults, etc.).
  • ^ang tingin kong main reason ng mga galing SG eh yung makasama yung family nila at maging resident to have some sort of security. Pero kung sweldo lang talaga habol mo eh better nga siguro mag stay nalang. Ilan na kakilala ko na ilang taon na sa SG pero renew lang ng renew. Meron naman permanent na nga kaso hinde naman ma approve yung pamilya so almost monthly eh umuuwi din ng pinas. So I guess nasa may katawan nalang kung anong lifestyle ang gusto.
  • makasama yung family nila at maging resident to have some sort of security

    - ako ito talaga ang main reason ko kung bakit kami ng move dito sa NZ.
  • ^sabi nga nila, you cannot put a price on Family. Unless Seaman ka eh si kumpare na ang bahala sa misis mo :)
  • bagsak pa currency ng nzd at aud ngayon, mataas pa sgd :(
  • bakit pala mga sirs nz napili nyo instead of au or canada?
  • ^historically ginagawang jumping point ang NZ. Dami na kong tropa na lumipat to AU at CA from NZ.
  • sir bakit di na lang derecho. pag lilipat ulit di ba in a way mag sisimula ulet?
  • ^ sa case ko naman, although AUS sana ang una kong ni check kasi madami ako relatives sa iba-ibang lugar dun, nung time na ng apply ako, eh short ako sa points. Then nung ni try ko point system ng NZ, ayun pasok siya that time. Naisip ko lapit lang ng NZ sa AUS kaya ayun apply na. Hehe, babaw ng reasoning. Pero siyempre kasama din naman talaga ang NZ sa mga popular na migration destinations noon until now.
  • ^yan ang isang reason e.g. mas madali makapasok sa NZ compared sa AU and CA. Then mas madali tumalon sa AU at CA pag galing ka na ng NZ. Unfortunately this is no longer the case, since naghigpit na ang NZ like nag taas na din ng points.