Forum Topic

TPC New Zealand

  • @Crash thank you bro.. yes si Lord na bahala :) naka dalawang email na ulet yung immigration. last email hiningi yung payslip and ird number ni misis :) sya kasi Main Applicant. hindi pa hinihingi yung sakin.. :D ganun ba talaga? ma expire na pala ph passport ko this dec 2020.. need ko pumunta nito ng wellington on nov asap :(
  • @xtian - good sign yan at least umuusad. and yes normally main applicant ang focus. the good thing is priority nila iprocess yung mga nasa NZ ngayon vs nasa labas. about naman sa passport, check mo kung may slot pa sa mobile consular service sa hamilton in case mas malapit sa iyo kesa bumyahe ka pa ng wellington unless gusto mo na din mamasyal :)
  • @Crash thank you bro.. yes si Lord na bahala :) naka dalawang email na ulet yung immigration. last email hiningi yung payslip and ird number ni misis :) sya kasi Main Applicant. hindi pa hinihingi yung sakin.. :D ganun ba talaga? ma expire na pala ph passport ko this dec 2020.. need ko pumunta nito ng wellington on nov asap :(

    Good luck paps. Congrats in advance. Kaya yan! Yung consulate check mo baka may open schedule pa para di ka na mg welly.
  • @Ropongi thank you sir :) bout dun sa hamilton sched fully boooked na :( welly na lang talaga. stay safe mga bro.
    @crash yup fully booked na sa hamilton.. :(
  • Me and my family are planning to migrate. Pinagiisipan pa namin kung NZ or Canada. Parehong free healthcare and education (I have a teenager). Saan ba mas madaming opportunities and mas ok tumanda? Ang problem ko sa Canada is yung weather but other than that mukhang ok naman. Saan mas magastos and complicated ang process?

    I finally decided to seriously consider migrating because of the healthcare situation in our country. I know someone who had Covid and aabutin ng milyon ang gastos. Anliit ng ibinawas ng Philhealth and namomroblema ngayon.

    Hopefully after this pandemic makapagmigrate na. Sarado pa naman ang NZ.
  • ^ Mas maganda quality ng housing sa Canada, dito ang lalamig sa mga bahay :D
  • @mccoy depends on your situation. anong field ka, same with your wife, pareho ba kayong mag work? from there, you can check in which country mas may demand for both of you. then dun ka mag narrow down which area ok mag settle. downside on both countries now eh timing since most countries are restricting migration in preparation sa increase in unemployment due to covid.
  • @CrashAndBurn
    I have experience as a manager in a BPO setting-customer service, banking and collections. While wife is in the telco industry corporate. Hindi kami mapili we know what to expect pagdating sa work most probably we'll start as entry/mid level. I understand also na timing is not good due to the pandemic but once may go signal dapat ready na lahat.
  • @mccoy its good that you have an open mind about having to start at entry level. Meron na akong kakilala a few years ago and they ended up going back home kasi ang expectation eh manager sa pinas gusto manager agad dito kahit wala pang local experience. Wala namang masama kung maghanap at pwedeng swertehin. I suggest you check the process for both countries and start working on requirements. Make sure lang na walang expiry yung mga requirements like medical para hinde sayang ang gastos.

    Yung kumpare ko sa Canada napunta, sinwerte naman kaso lang sobrang lamig talaga. Nung dinalaw ko sya a few years ago eh -41 degrees. Sa probinsya sya based pero stable ang work kasi heavy truck mechanic sya at 5 lang ata sila dun sa area kaya very high demand.
  • @CrashAndBurn [TS]
    nasa NZ na sya umuwi pa ng Pinas? Walang mahanap na work or maselan lang talaga?
  • ^gusto nya manager agad since manager sa pinas, sinabihan ko na try muna one step lower kung walang makuha until naubusan na ng oras sa WTR so ended up umuwi nalang. mukhang may kaya sa pinas kaya siguro oks lang sa kanya hinde tulad ng karamihan na all in pag nag try sa ibang bansa
  • Hello! nag email na yung immigration kay misis last wednesday. anytime this coming week daw eh may decision na sila. :) nakaka kaba hehehe! ambilis di namin expected na halos 1.5months lang. :D we all lift to Lord God. please pray for us mga bro. ingat kayo palage school holiday nanaman pala. tig isang 1 week annual leave kame ni misis hehe. cheers everyone.
  • ^reminder lang na pwede matulog. ganyan din kami noon. I mean sasabihan ka na mag release na ng decision. Hinde nalang diretso magdecide sa same call. super stress levels kaka antay :p Pero good luck.
  • ^ yes bro masarap matulog lalo na pag walang pasok kinabukasan hehe. bakit kaya andami pa nilang segway ano? di na lang diretsuhin kame hehe. watch muna NBA today Game 6 Miami VS Boston..
  • Approved na Residency namin mga paps. Praise God! :D
  • ^Congrats. Officially PiWi ka na. Pag citizen eh Kiwi na :p
  • Question lang po,

    Kapag naging citizen ba ng NZ pwedeng lumipat at tumira sa Australia permanently?
  • @Crash thanks bro. :D makakahinga na kame kahit paano. :D next step na PR on 2022.. :D sa ngayon sobrang thankful kame dahil sa bilis ng application approval. Thank you Lord! big thanks din sa sister in law ko. nasa wellington isa sya sa tumulong din kay misis para makapunta kame dito sa nz. :) oct 30 punta ko welly to renew my passport. need kasi namin i send sa immigration yung physical passport namin asap :) although hanggang april 2021 pa yung deadline. lam kasi nila na mag eexpired by dec 2020 yung passport ko:) very considerate din sila. yey

    @tastybocha alam ko you still need to apply a PR ng aus. check there immigration website bro para sure.

    Happy weekend everyone and stay safe :) Godbless all.

    -- edited by Xtian46 on Oct 03 2020, 04:23 AM
  • @tastybocha pwede ka mag work pero less benefits compared sa AU citizen.

    @xtian46 pasyal na din sa wellington, pang celebrate :)
  • ngayon lang ako nagpost 5 years ago basa basa ako dito ngayon nasa NZ na ako for almost 3 years na
    merry xmas satin mga kiwi pinoy
  • @xtian46 pasyal na din sa wellington, pang celebrate :)


    bitin yung pasyal ko sa wellington :( babalik kame next time kasama ko na si misis and kids :D

    3rd Xmas in a row ko na rin dito sa Auckland :D parang kelan lang heheh

    Happy weekend mga bro!
  • dalawang beses na deferred ang application ko for the NZ student visa. im glad inaupdate ako ng agency. hoping matuloy na and matapos na restrictions.

    sino po nakapag aral sa MIT dito?
  • nakakalungkot, hanggang ngayon wala pang balita kung magbubukas pa ba EOI selection. nakaka walang pag asa na...
  • tanung sir, under ako ng partnership work visa then magstart ako ng work next week pero wala pa ko ird number kc sarado govt sa lockdown. wala po maging problema?

    -- edited by sproutski on Sep 22 2021, 04:53 AM
  • ^nag apply ka ba online? kasi normally 2 days lang eh email na nila sayo. kahit lockdown eh nag wowork pa din IRD.
  • @crash
    wala din kasi ako bank account na required sa ird number. yung bank sarado din di ako maka open ng account. kamusta sa lockdown mga sir sana matapos na
  • ^need mo muna IRD number bago ka maka bukas ng bank acct kasi dun mag base ung tax mo. As for dun sa unang tanong mo, tingin ko naman walang kaso. Pero best to check sa HR ng employer mo. Worst case eh delayed lang ung employer mo sa pag remit ng tax sa IRD. Am guessing nasa AKL ka kasi lvl 2 na outside AKL. Hopefully, mag level 2 na soon.
  • @crash
    thanks. dami ko pa tanong hehe. kasi pathway ko yun misis ko na RN, kaso magexpire na work visa nya next year. pending pa un eoi namin suspended pa ata ngaun selection. Kaya un work visa ko nakadepende sa kanya. Kelan kaya pwede earliest mag apply ng bagong visa?
  • ^Working ba sya now as RN or HCA? If RN, wala ba syang pathway na mag permanent resident since in demand ang nurses? Then if ma resident sya edi damay ka na. And yep wala pang balita kung kelan mag resume EOI. Dami na nga sa news na umaalis kasama pamilya nila since nakabitin sila e.g. hinde makabili ng bahay dahil sa visa status.
  • @crash
    working sya as RN sa middlemore ngaun. Yun lang hintay namin yun resume ng eoi sabi nasa priority daw kasi may registration yun talent nya. kaya no choice kmi ngaun mag apply muna uli work visa. Pareho kami galing SG, sya nurse ako sa IT. Kasama din namin 2 kids pasok din school dito

    -- edited by sproutski on Sep 25 2021, 07:14 PM