Visit the Forums
Register Now!

User Login


Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)

  • From Eastwood to La Loma. Saan pinakamadali at walang trapik masyado? Thanks.

    Lahat ng route traffic.

    Most direct route is:

    Eastwood -> Cubao -> Mayon (welome rotonda) -> La Loma
  • Alam nyo saan yun overnight parking lot ng NAIA 4?


    300 per night sa sedan cars iirk
  • mga sir, alam nyo po ba kung pano pumunta sa Civil Service Commission, #139 Panay Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City? Galing po ako sa Santa Rosa, Laguna, ano po bus ang dapat kong sakyan? Thanks....
  • ^ sakay ng bus sa balibago, byaheng lrt. Then 2 ways, 1st. Pwede ka bumaba sa magallanes then mrt to quezon ave. tpos konting exercise i think 2 streets lang ang CSC office from edsa. 2nd go straight to buendia tpos fx yung byaheng fairview baba ka sa sct. Albano then walk to panay ave going to edsa. Actually d ko sure kung may mga trike dun kaya walking ang option na binigay ko.
  • Bossing, ask lang po kung paano magcommute sa sm megamall galing ng lrt santolan pasig??? Salamat po!
  • ^ LRT ka hanggang Araneta-Cubao Station then lakad papuntang Farmers Plaza. Then from there may two options ka:

    Option 1: Train to Mega(mall). Take the MRT, baba ka sa Ortigas Station, pwede mo nang lakarin papuntang SM Megamall from Ortigas Station.

    Option 2: Bus ride from Cubao. Sakay ka ng any southbound bus. Pwede kang bumaba sa Starmall (so you should first ask the kundoktor kung dadaan sila ng Crossing/Shaw Blvd) tapos tawid ka sa footbridge papuntang SM Megamall or baba ka ng Ortigas MRT Station at dun ka tatawid papuntang SM Megamall.

    -- edited by jeer1210 on Sep 21 2016, 07:34 AM
  • Ask lang po mga bossing, saan po itong iconcept contact solutions inc. Unit 2005, 20th floor, prestige tower, F. Ortigas Jr. Rd., Ortigas Center,Pasig City?? How to commute there from SM Megamall or if I'm in Robinson Galleria?

    Thank you bossing @jeer1210

    -- edited by mischa16 on Sep 26 2016, 10:22 AM
  • Ask lang po mga bossing, saan po itong iconcept contact solutions inc. Unit 2005, 20th floor, prestige tower, F. Ortigas Jr. Rd., Ortigas Center,Pasig City?? How to commute there from SM Megamall or if I'm in Robinson Galleria?


    naalala ko na may bus na umiikot sa loob ng Ortigas Center

    <click here for link>

    though kung magiging matrapik lang o matagal ka mag-aabang ng bus, better magwalkathon ka na lang..

    eto yung ruta from Ortigas MRT station

    <click here for link>
  • Mga bossing, syansya na pero ask lang uli kun paano ang commute dito? PROFILES ASIA PACIFIC, INC. Lower Ground 102 OMM-CITRA BLdg. #39 San Miguel Avenue Ortigas Center, Pasig City. May job interview po kasi ako,hehe.

    Thank you bossing @Valorian. Kapag po ba sa Robinson Galleria, saan po ba ako magstart maglakad papuntang prestige tower? Ano din pong landmarks?
  • @mischa

    yung sa prestige, pwede mo na yan lakarin from megamall or robinsons galle. bihira nalang kasi ang jeep sa ortigas, and most of the time, as in MOST of the time like (like 1:20 chance), ay may jeep. so mostly, you'll have to walk.

    Papuntang Prestige:
    kapag galing ka ng megamall, sundan mo yung J.Vargas (Julia Vargas) Ave hanggang sa may F.Ortigas Jr. Ave. Ang hint mo na nasa F.Ortigas Jr. Ave kana is yung ginagawang overpass hindi yung nasa Shakey's, sa tapat ng Shakey's may parking lot, yung street paglampas ng parking lot yun yung F.Ortigas Jr., then turn left. sa opposite side ng nilalakaran mo (kung di mo tinawid ang F.Ortigas Jr.) may makikita kang isa pang parking lot (w/c is the Prestige Parking), pag lampas nung parking lot na yun, Prestige Tower na. I hope malinaw ang instruction ko. ;p

    kapag galing ka naman ng Robinson, lakad ka papuntang likod ng Robinson, yung likod ng Robinson ay ADB Ave., tawid ka. pagtawid mo may street sa bandang left side mo which is Garnet Road, bagtasin mo yung Garnet Road hanggang makarating ka ng F.Ortigas Jr. Ave. then turn right. kung di mo tinawid yung F.Ortigas Ave, nasa left side mo yung Prestige Tower, lampas sya nung kulay gold na bldg na may Burger King, Pizzahut at KFC.

    -- edited by jeer1210 on Sep 27 2016, 07:56 AM
  • Mga bossing, syansya na pero ask lang uli kun paano ang commute dito? PROFILES ASIA PACIFIC, INC. Lower Ground 102 OMM-CITRA BLdg. #39 San Miguel Avenue Ortigas Center, Pasig City. May job interview po kasi ako,hehe.

    Lakarin mo lang yan from Megamall
  • paano ang commute dito? PROFILES ASIA PACIFIC, INC. Lower Ground 102 OMM-CITRA BLdg. #39 San Miguel Avenue Ortigas Center, Pasig City.


    Papunta naman OMM-CITRA bldg:
    From Robinson (malayo layong lakaran to), lakarin mo ulit papunta sa likod ng Rob Galle (ADB Avenue). bagtasin mo yung ADB Ave. hanggang marating mo yung J.Vargas Ave. tapos tawirin mo yung J.Vargas then nasa San Miguel Ave. kana. I suggest na tawirin mo na yung San Miguel Ave., so mapupunta ka sa side na may Metrobank opposite nung may mcdo. lakarin mo yung San Miguel Ave., paglampas mo ng unang street w/c is the Exchange Road, yung 3rd bldg yun na yung Omm-Citra may Petron sa tawid nun (walang tawiran sa harap nun).

    Diko alam kung may sakayan ng jeep or fx sa Robinson papunta dun. I always walk kasi. hehe

    as queenpotpot says, lakarin mo nalang from megamall mas malapit.

    J.Vargas > San Miguel Ave > Omm-Citra bldg

    -- edited by jeer1210 on Sep 27 2016, 08:12 AM
  • Thank you so much @jeer1210 @queenpotpot Nakapunta ng di nawawala, hehe.
  • ^ napuntahan mo parehas? magkalapit lang naman yang dalawang yan eh. hehehehe. mejo malapit. hehehe.