Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)

  • Hello Sirs!

    Paano pumunta dito "Church of the holy family lancaster cavite" coming from LRT Gil puyat?

    Salamat!


    ^ by commute di ko alam, tanong ko sa classmate kong taga dun. pero kung may kotse take cavitex, follow the road lang derecho after ng exit, pag may makita kang jollibee sa kanan at mcdo sa kaliwa sa intersection kaliwa ka. derecho na yun hanggang sa rotunda, makita mo na yung modern look na church.

    edit: natanong ko na. haha. two options:

    1. punta ka coastalterminal, sakay ka ng bus papunta bacao, naic, tanza. sabihin mo ibaba ka sa wilcon depot centennial road (eto yung may mcdo at jollibee sa intersection). sa kabilang side may trike terminal pa-lancaster, or pwede ka magshuttle (sa 7/11 at phoenix gas station) free ride daw yun sabi ng friend ko.

    -di ko alam kung yung mga bus na naic ang signage sa ilalim ng LRT pedro gil ay dun din ang daan. most likely same route sila.

    2. sa MOA may van sa tapat ng department store at bon chon. derecho lancaster na daw yun.

    -- edited by gen0 on Jan 10 2017, 12:52 PM
  • Pano pumunta sa Professional Regulation Commision sa Sampalok (P. Paredes) kung manggaling ng LRT Gil Puyat

    Thanks in advance
  • ^ sakay ka lang ng UV express na byaheng fairview/cubao dun sa may baba ng lrt station dadaan ng PRC yun.
  • Mga paps, pano pumunta ng united hills village near FTI? Coming from Ayala or BGC. Hoping for quick response. Thank you!! :)
  • Pano pumunta sa Professional Regulation Commision sa Sampalok (P. Paredes) kung manggaling ng LRT Gil Puyat

    Thanks in advance

    ^ sakay ka lang ng UV express na byaheng fairview/cubao dun sa may baba ng lrt station dadaan ng PRC yun.


    well, not exactly dadaan ng PRC..

    baba ka ng Morayta tapos lakad ka sa direksyon papuntang FEU, unang kanto sa kaliwa mo (yung may Greenwich), dun ang daan papuntang PRC..

    Mga paps, pano pumunta ng united hills village near FTI? Coming from Ayala or BGC. Hoping for quick response. Thank you!! :)


    kung galing ka Ayala, sakay ka MRT papuntang Pasay/Taft, baba ka sa north bound side tapos maghanap ng jeep na biyaheng Alabang, madadaanan nun yung United HIlls
  • Good am mga masters Ask ko lang panu magpunta Pioneer Boni station coming from Quiapo church
  • Sakay ka ng jeep going to Pasig, baba ka sa Crossing/EDSA, MRT or bus ka papuntang Boni.
  • thanks po sir psyq
  • Pioneer Boni station coming from Quiapo church


    wala nga pala direkta boni,

    Jeep pa bacood then baba sa altura then jeep pa boni
    or
    jeep pa pasig then baba sa kalentong then jeep pa boni.

    -- edited by Brayan on Jan 12 2017, 01:46 PM
  • meron din jeep na boni edsa, ask mo lang din dun. same area sakayan ng pa pasig.

    saan banda?
  • meron din jeep na boni edsa, ask mo lang din dun. same area sakayan ng pa pasig.

    saan banda?


    ^ updated

    -- edited by Brayan on Jan 12 2017, 01:47 PM
  • Patulong po,pano pumunta sa imus cavite,mang gagaling ako sa monumento,salamat po sa makakatulong.
  • Patulong po,pano pumunta sa imus cavite,mang gagaling ako sa monumento,salamat po sa makakatulong.


    punta ka sa Cubao, bumaba sa may Arayat/MRT..lakad ng unti sa unahan sa direksyon na papuntang Samson College, alam ko may terminal dun papuntang Cavite

    kung wala sa Cubao, pwedeng bumaba ka ng Shaw at mag-abang ng bus, yung Jasper Jean

    pwede din, since nasa Monumento ka naman, mag LRT ka hanggang Taft at dun na lang mag-abang ng bus papuntang Cavite..pwede mo ring sakyan yung papuntang Tagaytay since madadaanan naman nun muna ang Imus via Aguinaldo Hi-way..

    may terminal sa may malapit ng LRT Buendia papuntang Tagaytay, yung BLTB, pwede mong sakyan yun
  • ask ko lang po kung may alam kayo na bus pa starmall alabang from LRT-Gil puyat? TIA
  • @kznxiv

    You may take a bus ( Reinalyn, Igan, Benzan) with a signboard Alabang those buses are all Las Pinas bound bus it will cross Coastal Expressway, the whole Alabang - Zapote Road. Daily trip naman yang mga bus na yan kaya anytime and any day may masasakyan ka.

    Or

    You may also take Las Pinas bound buses na hanggang Southmall lang, then just ride a jeep hanggang alabang
  • ask ko lang po kung may alam kayo na bus pa starmall alabang from LRT-Gil puyat? TIA


    Usually nakakasakay kami sa bus going to Alabang along Osmeña Highway na.

    Sakay ka ng jeep going to Makati at baba ka sa Osmeña Highway. Tumitigil iyong buses minsan doon sa may SM Hypermarket or malapit sa Skyway ramp.
  • Usually nakakasakay kami sa bus going to Alabang along Osmeña Highway na.

    Sakay ka ng jeep going to Makati at baba ka sa Osmeña Highway. Tumitigil iyong buses minsan doon sa may SM Hypermarket or malapit sa Skyway ramp.


    mas ok itong bus na ito since sa slex ang daan, yung via las piñas kasi ay medyo malayo ang iikutin.

    mas ok sila sakyan from lrt un ave or padre faura since wala pa sakay yung bus dun. make sure mo lang na yung di dadaan ng las pinas ang masasakyan mo. (usually me sign ng sm southmall or pilar ang dadaan ng laspinas)
  • ^ saan nga ba nanggagaling yung mga bus na yun? nakikita ko nalang sila nasa quirino ave paliko na ng osmena. san marcelino ba sila lumulusot?
  • saan nga ba nanggagaling yung mga bus na yun? nakikita ko nalang sila nasa quirino ave paliko na ng osmena. san marcelino ba sila lumulusot?


    Sa Lawton nanggagaling ang bus at sa San Marcelino dumadaan. May terminal rin pabalik galing naman sa Alabang.
  • mga boss...question ko lang papaano papunta sierra madre resort.. from marikina..

    safe ba daan dun kung momotorin lang?
  • Sa Lawton nanggagaling ang bus at sa San Marcelino dumadaan. May terminal rin pabalik galing naman sa Alabang.

    ah. gets ko na thanks.
    mga boss...question ko lang papaano papunta sierra madre resort.. from marikina..

    safe ba daan dun kung momotorin lang?

    safe naman yung kalsada, ingat lang sa mga feeling karerista na rider sa bandang antipolo area lalo pag weekends.
  • Pano pumunta ng FRISCO?
    kung galing po ng munoz.
  • ^ sakay ka ng jeep na quiapo ang linya. from muñoz EDSA yan ang unang intersection na may stoplight.

    wag ka sasakay ng pantranco lang or sta cruz na jeep. nakapila mga yun, matatagalan ka lang. hehe
  • ^salamat po :)
  • Anyone knows how to go Acuaverde Beach resort in batangas?
  • Hi,

    Pano pumunta Dynaquest Makati (duon daw sa cash&carry malapit) from Ayala Triangle

    Thank you!
  • ^ sakay ka lang ng bus na byaheng LRT-Ayala along Ayala Ave (sa unahan ng Insular yung loading area, iirc), madadaanan nun yung kanto (Dian Street) papuntang DynaQuest

    looking at Google Maps, may jeep na dumadaan byaheng Dian-Libertad tapos baba ka ng Calatagan (3rd kanto from Buendia..pwede rin naman siguro magpedicab ka mula sa binabaan mo
  • Thank you sir
  • pano po pumunta ng epza rosario cavite from calamba laguna?
  • May nakapunta na ba sa inyo sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan? hingi lang po feedback thanks

    -- edited by Haikara12 on Feb 02 2017, 01:45 PM