Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)

  • AntisXXmuna
    mrt shaw ba kayo manggaling? sa crossing sir dalawa ang terminal ng jeep papunta ng pasig..
    yung isa sa may parklea tapat ng starmall
    yung pangalawa sa greenfield na terminal may jollibee at chowking tapat ng shangrila.
    sakay ka ng jeep na pasig palengke or pasig san joaquin tapos sabihin mo sa driver sa kapasigan ka bababa, dun sa may tabi ng emilio s. lim appliances yung mariposa arcade


    yes sir sa mrt shaw ako manggagaling

    salamat uli sir
  • Hi how to get to RBCB Plaza from Baclaran church?
  • Hi how to get to RBCB Plaza from Baclaran church?


    sakay ka ng EDSA north bound buses tapos baba ka ng Buendia MRT, tawid ka tapos pagbaba mo, sa may Mcdo, sakyan mo yung jeep na biyaheng Washington..sabihin mo yung driver na ibaba ka sa RCBC

    alternatively, sa Ayala MRT ka bumaba tapos labas sa north bound exit ng MRT (sa unahan ng KFC, tapos kanan)..pagbaba mo dun, lakad ka sa direksyon ng Shell at sa likod nun, may jeep na biyaheng Washington, magpababa sa RCBC
  • Hi how to get to RBCB Plaza from Baclaran church?


    or

    sakay ka nung bus na me signboard na Ayala via leveriza, daan yun RCBC.
  • Sino po nakapunta na sa san rafael river adventure from meycauayan bulacan? Tanong ko lang paano magcommute. Ty.
  • pano mag commute going to trade and financial tower sa bgc, halimbawa galing ako mrt.
  • pano mag commute going to trade and financial tower sa bgc, halimbawa galing ako mrt.


    dun ka sa Ayala bumaba, tapos sa may north bound side exit, may mga bus papuntang BGC..sakyan mo yung East/Central route tapos baba ka ng HSBC o Globe Tower tapos lakarin mo na lang
  • good day mga sir,san sasakay pag pupunta nang pier 4 kung mag jjep?gling nang taguig or galing nang taft rotonda.salamat sa reply
  • Mga bossing, ask lang kung paano mag commute sa market market galing ng cubao farmers?? Thanks!

    Tsaka sa sm southmall from cubao farmers??

    -- edited by mischa16 on Mar 22 2017, 07:53 PM
  • Mga bossing, ask lang kung paano mag commute sa market market galing ng cubao farmers?? Thanks!


    sakay ka mrt to guadalupe. tapos sa likod nung mall may jeep dun na gate 3. dadaan yun ng market market. 8 pesos.
  • Tsaka sa sm southmall from cubao farmers??

    sakay ka bus pa alabang tapos pag dating mo south station, sakay ka jeep pa zapote, dadaan yun sa sm southmall, left side yun
  • guys paano commute from Cubao papunta Robinsons Las Pinas?
  • ^ from cubao sakay ka ng bus pa alabang then punta ka sa may palengke/south station then sakay ka ng jeep pa las pinas, baba ka ng robinsons
  • paano pumunta ng Hyundai Pasig
    galing Pasig Rotonda?

    hindi ko kabisado ang pasig kasi hehe

    Thanks
  • paano pumunta ng Hyundai Pasig
    galing Pasig Rotonda?

    hindi ko kabisado ang pasig kasi hehe

    Ito yung nasa dulo ng bagong ilog flyover along C5.

    Sakay ka ng fx/uv express na megamall.
    Tapos baba ka sa ilalim ng bagong ilog flyover/C5 southbound.
    Lakarin mo (pasalubong sa mga sasakyan ang direksyon) papunta sa hyundai. Malapit lang.
  • sa pasig rotonda ka lang manggaling sir laggers? lakarin mo na lang papunta dun hehe lapit lang tawid tulay lang kaso mainit pala hehe

    tama si sir songerph. Ito yung nasa dulo ng bagong ilog flyover along C5.

    kung rotonda ka lang sakay ka lang jeep crossing or quiapo tapos baba ka sa bagong ilog (tawid tulay lang yun from rotonda) tapos lakad lang.

    or pwede din jeep na ugong sakyan mo baba ka sa may BPI tawid ka sa ilalim tulay daan onti lakad na lang...

    may magandang girl ako madalas nakakasabay sa jeep dun sa hyundai nag wowork ^_^ wala lang na kwento ko lang haha ganda kasi nya e ^_^
  • hi madami ba mapaparkingan sa gilmore? di ko sure if mas ok magdala oto or commute. Thanks
  • along 1st street ako nagpark kapag may dala akong ride, tyempuhan rin kung may bakante.
  • paano pumunta ng South Supermarket Malanday Marikina
    coming from Cubao?
    commute lang

    thanks...
  • Hi,

    Anyone knows how to commute from Shaw Mrt to Nueve de Pebrero street?

    May way ba na tricycle ang sasakyan? Takot kasi ako sa jeep as in di talaga ko sumasakay sa jeep sa Manila.

    Feeling ko ma hoholdup ako hahaha
  • pasetebooko

    sa shaw mrt, sa may likod ng parklea terminal sir may mga tricycle dun sabihin mo lang sa may nuebe de pebrero ka pupunta.. mahal lang pasahe kumpara sa jeep..
  • May nakapa Park and Sail sa Batangas Pier na ba sa inyo? Kamusta naman? Planning to drive to Batangas Pier kasi OTW to Puerto Galera
  • Pano po pumunta dito

    826 Dr Arcadio Santos Ave, Parañaque, 1718 Metro Manila
    Sucat Paranaque

    from alabang
  • Attention mga taga Bagong Silang
    hindi ko kasi alam ang exact address
    nito sa Caloocan
    paano ang pagpunta sa lugar na ito
    galing ako
    Philcoa commute lang
    saan ba banda ito?
    thanks...



    -- edited by laggers000 on Apr 22 2017, 07:37 AM
  • bagong silang caloocan po ba? from philcoa e may dumadaang jeep or bus papuntang bagong silang, or kung bihira e kahit almar ka muna then sakay ka ulit pa bagong silang. much better kung alam mo address para mas ma guide ka po ng eksakto.
  • trimpa
    bagong silang caloocan po ba? from philcoa e may dumadaang jeep or bus papuntang bagong silang, or kung bihira e kahit almar ka muna then sakay ka ulit pa bagong silang. much better kung alam mo address para mas ma guide ka po ng eksakto.


    sir
    kasi di ko alam ang exact address
    baka lang kasi may nadadaanan lng nyo ito
    at para hindi na ko mahirap hanapin

    thanks
  • Hi guys,

    what is the easiest way to sm molino / molino cavite coming for SM Muntilupa?

    Thanks
  • ^may multicab dun SM to SM ang route
  • Paano po pinaka mabilis na makarating ng eastwood from makati waltermart.
  • Hi po, pano po pumunta sa ace waterspa pasig branch from sucat paranaque?