Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)

  • San ka manggagaling?
  • ^
    Antipolo po
  • guys pano pumunta from moa or baclaran to ayala triangle via bus or jeep?


    sakay ka ng Bus B/C na kahit anong ruta sa EDSA at bumaba ng Ayala MRT..sa may likod ng Shell sa kanto ng Ayala at McKinley, may jeep na biyaheng Washington, sakyan mo nun..baba ka sa unang stop nila na malapit lang sa Triangle

    pa help naman po ulit. paano po ba pumunta sa PBCom tower ayala avenue makati city . di ko kasi masyado kabisado na naman ung lugar.


    sakay ka ng van papuntang Makati, tanong mo kung sa may Insular/Paseo ang babaan nila..from there, lakarin mo na lang ang kahabaan ng Ayala Ave
  • ^
    salamat po ulit. tanong ko po ulit pano naman po makapunta dito Summit One Tower shaw blvd. mandaluyong city. mangagaling din po ulit ako ng antipolo.
  • Hi Guys. Any suggested commute routes from Comembo to CnC in Makati? Thanks
  • Pano po pumunta ng Fairview terraces from Ayala Makati?
  • ^
    Sakay ka ng bus na pa SM Fairview, katapat lang ng SM Fairview
    ang Fairview Terraces or if gusto mo mas mabilis ride MRT until north ave. Then dun may terminal ng UV na pa SM Fairview.

    -- edited by CodeVoid on Nov 18 2017, 10:01 AM
  • how to get to blue leaf filipinas coming from lrt gil puyat via commute. thanks
  • Hi Guys. Any suggested commute routes from Comembo to CnC in Makati? Thanks


    Sakay ka ng jeep pa-lrt or bus sa Guadalupe same signange LRT Leveriza tapos baba ka nun sa may kanto dun sa may riles ng tren lagpas yun ng Washington tapos lakad ka pa-north kasi yun kabila SM eh.
  • ^ thanks
  • Mga sir, wala ako Car... tanong ko lang paano po ako mag cocommute papuntang Calatagan Batangas? Manggagaling po ako ng Makati.

    Salamaaaaaaat po.

    Sana po matulungan nyo ako kasi namatay ang Lola ng asawa ko at kailangan ko sumunod sa batangas para makadalaw sa burol.. Ngayon kasi ang alis nila eh may work pa ako kaya sabi ko hahabol na lang ako sa kanila.

    Help please?
  • mga sir / mam. paano po ba pumunta sa world wide corporate center shaw mandaluyong . pag galing po ako ng cubao. taga antipolo po ako.
  • cocommute papuntang Calatagan Batangas


    Me bus/van dati sa me edsa pasay dun sa me side sogo, not sure lang kung andun pa.

    Kung wala pwede sila sumakay ng bus sa buendia. Biyaheng Lian then sa Lian sakay nalang ng jeep pa calatagan.
  • world wide corporate center shaw


    From cubao sakay kalang mrt/bus to shaw station. Then walking distance nalang.

    Meron din from antipolo, UV or Jeep pa Jru or Starmall.
  • @Brayan
    sir malapit nalang ba ung world wide corporate center dun? mag papa medical kasi ako dun sa metro medical center.
  • Mga idol - paano po pumunta ng 14 Perfecto Drive, Taguig kapag galing ng EDSA?
  • sir malapit nalang ba ung world wide corporate center dun? mag papa medical kasi ako dun sa metro medical center.


    use google maps to verify

    from MRT Shaw to WCC
  • mga sir, ask ko lang paano mag commute papunta dito, manggagaling po ako ng makati, hindi ko alam kung mas ok kung mag MRT ako or mag bus.

    94 B K - 1st. Corner Judge Jimenez Street, 2nd Floor Kamuning, Quezon City
  • sir malapit nalang ba ung world wide corporate center dun? mag papa medical kasi ako dun sa metro medical center.


    oo malapit na sa babaan ng bus. malapit na malapit lang sa corner ng Shaw at EDSA

    -- edited by mannatech on Nov 23 2017, 10:30 PM
  • mga sir

    paano ba pumunta dito kung galing ako Cubao? commute lang
    Katiyagaan Rd.,, Karangalan Village, Pasig City,

    thanks
  • Ask lang po kung paano mag commute po dito? # 33 B Scout Borromeo, Brgy. South Triangle, Q.C. galing ng cubao farmers

    -- edited by mischa16 on Nov 27 2017, 08:47 PM
  • @mischa16

    i guess dapat mag tricycle ka dito

    from cubao farmers sakay ka nalang ng BUS byaheng SM FAIRVIEW then sabihin mo ibaba ka sa KAMIAS from there hanap ka ng JEEP na byaheng WELCOME ROTONDA na dadaan ng DELTA at mag pababa ka sa may IMPERIAL PALACE SUITE (landmark is ung SCOUT CIRCLE)
    sa pag babaan mo na imperial may mga TRICYCLE dun pero pwede ka naman mag lakad.

    eto map.




    hope it helps at maligaw

    -- edited by kernel_panic on Nov 28 2017, 01:35 PM
  • patulong naman po ulit paano ba makapunta dito? mang gagaling po ako ng cogeo antipolo. RFJ Building, 15 United St, Pasig, 1603 Metro Manila
  • Guys, anong best way or short route para magcommute from San Andres, Manila to UP Technohub sa DIliman? Thanks!
  • Guys, anong best way or short route para magcommute from San Andres, Manila to UP Technohub sa DIliman? Thanks!

    Punta kang Taft ave tapos sakay ka sa uv express na papuntang sm fairview. Baba ka sa Philcoa then tawid/lakad.

    Edit:

    After ng philcoa may overpass na pala sa tapat ng technohub.

    -- edited by songerph on Dec 05 2017, 11:05 PM
  • Paano pumunta ng ateneo manila from pasay taft?
  • Paano pumunta ng ateneo manila from pasay taft?

    Sakay ka LRT1 papuntang Doroteo Jose station.
    Transfer ka by walking to LRT2 Recto station.
    Sakay ka papuntang Katipunan station.
    Baba ka sa kabilang exit.
    Lakad ka papunta sa ilalim nung tulay. May jeep terminal dun na papuntang UP Diliman.
    Sakay ka tapos baba ka sa Ateneo Gate 3. College gate ito. 8 pesos lang. Malapit lang ang gate 3 mga 5 mins by jeep.
    Pwede mo rin lakarin mga 15 mins. isang kilometro hehe.

    Mas malapit yung grade school gate sa terminal ng jeep. Pero di ko sure kung nagpapapasok sila dun ng outsider.
  • Thanks paps songerph!!
  • pwede din MRT Taft nalang to MRT Cubao, then transfer to LRT 2 Araneta Station.

    OR

    magmotor ka nalang! hehehe
  • magmotor ka nalang! hehehe


    Hahahaha thanks papa gen0. Paano ba pagpunta dun pag mc naman?