Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)


  • Paano po guys pumunta ng greenhills shopping center pag galing po ng sm north po?

    another option, mrt to santolan, then lakad papunta anapolis st. may mga jeep dun papunta greenhills.
  • hi guys,

    paano po pumunta sa RBM Building Rizal Avenue Corner Sta Cruz Manila? Sa Imus Cavite po kami galing.

    thanks
  • Hello.. Pag papunta ako Ayala MRT Station or Buendia MRT Station.. Ano pwede kong sakyan kung magmumula ako sa CitiBank Tower sa Paseo De Roxas? Thank you.
  • @sabog,
    kapag pupunta ka ng buendia mrt, lakad ka papunta sa may pacific star. then meron na mga jeep going to mrt.

    kung pa ayala, sa may makita ave meron mga landmark na jeep.
  • Paano po pumunta sa nuvali from cavite? TIA
  • Paano po pumunta sa nuvali from cavite? TIA


    alam niyo po bang may 16 na munisipalidad at 7 siyudad ang Cavite?

    now u know.
  • san ba magandang way papuntang Laguna Central from manila, commute. salamat po
  • Guys, pano pumunta sa Cebu Pacific Building, Domestic Road, Pasay City? Mangagaling ako sa MRT Taft. Thanks!
  • ^
    sakay ka bus na MIA then baba ka ng 6/11. tapos tawid ka park n fly then tawid ulit papuntang domestic road. sakay ka jeep na may nakalagay "domestic" tas sabihin mo nalang ibaba ka ng cebu pac

    -- edited by PhxSuns13 on Mar 09 2018, 09:33 PM
  • ^ Salamat!
  • san ba magandang way papuntang Laguna Central from manila, commute. salamat po


    i guess sagot sayo ni Valorian:

    alam niyo po bang may 3 na munisipalidad at 14 siyudad ang Manila?

    now u know.

    Btw from kawit po to nuvali. Salama po
  • i guess sagot sayo ni Valorian:

    alam niyo po bang may 3 na munisipalidad at 14 siyudad ang Manila?

    now u know.

    Btw from kawit po to nuvali. Salama po


    ah haha, any bus terminal siguro, from buendia or cubao, taga binondo po ako. salamat ulit.
  • another option, mrt to santolan, then lakad papunta anapolis st. may mga jeep dun papunta greenhills.

    Ok ito. Hassle kasi dun sa intersection ng Ortigas.

    Pwede mo rin lakarin from mrt santolan to greenhills. Malapit lang hehe mga 1 km. 15-minute walk.
  • Sir/Ma'am... Question po ulit.. (pasensya na dami tanong.. requirements na kasi eh..hehe)... Ano pwede ko sakyan from Alabang to UN Ave (NBI Main Office) ? Salamat.. Magbaba kaya sa UN yung mga bus na Lawton ang karatula? O need ko pa mag jeep? Maraming Salamat
  • @sabogchi

    nagbaba yung mga bus na lawton sa UN, pwede mo na lakarin after.

    note: yung bus na lawton sa starmall ang sakyan mo para Slex ang daan.
  • @Brayan -- Thank you... Question lang ulit, ano ipinagkaiba nung Byaheng Lawton sa Starmall vs dun sa tabi ng Security Bank? Salamat
  • May tanong po ako..

    San po papunta yung MRT hi way na sign board sa commonwealth po yung papuntang circle? Kasi po bago lang po akong nagwowork sa technohub. Pagpauwi ako yung mga uv or jeep na sm north kung hindi puno konti lang po ang dumadaan. May ibang jeep pa po ba ako pede sakyan na papuntang sm north po? Kasi pagdating ko naman po ng sm north sasakay naman po ako ng bus pa letre pauwi ??
  • San po papunta yung MRT hi way na sign board sa commonwealth po yung papuntang circle? Kasi po bago lang po akong nagwowork sa technohub. Pagpauwi ako yung mga uv or jeep na sm north kung hindi puno konti lang po ang dumadaan. May ibang jeep pa po ba ako pede sakyan na papuntang sm north po? Kasi pagdating ko naman po ng sm north sasakay naman po ako ng bus pa letre pauwi ??


    MRT Hiway = Quezon Ave - Centris..pwede mo naman sigurong parahin yung jeep tapos tanungin kung saang MRT station sila papunta

    madalang talaga ang jeep na papuntang SM North sa lugar na yan, mostly galing UP yung mga jeep since may terminal sila dun

    anyway, yun na lang sakyan mo at sumakay ng bus sa may Centris..ingat lang sa lugar na yan kasi maraming mandurukot/snatcher
  • guys pano pumunta dito sa address na to galing baclaran?

    35 Macopa Street, Sta. Mesa Heights Quezon City
  • Hello. Hingi ng tulong sana..May interview kasi ako sa EPZA Rosario, Cavite sa Byernes,, Baka naman pwede magtanong paano ako makakapunta don kung mang gagaling ako ng Alabang? Thank you. Kung ano yung mga options ko paano ako makakarating don. at kung may idea din magkano pamasahe.. wala na kasi ako pera.. i-u-utang ko pa kasi yung pamasahe ko para amkapunta doon.. salamat.
  • Kung alabang ka galing, pinaka simple ay sumakay ka ng jeep byaheng zapote kabila. Tapos pagdating sa zapote, sakay ka ng jeep o baby bus byaheng tanza, pwedeng tanza rosario ang signboard, pwede rin tanza bacao.

    Suma total, 2 sakay ka lang. Yung pamasahe diko alam, pero palagay ko walang 200pesos yung balikan
  • May sakayan ba direcho DFA Aseana from Ayala ave.? Yung isang sakay na lang sana. Hahahaha Yoko na pumunta sa may LRT eh.
  • May sakayan ba direcho DFA Aseana from Ayala ave.? Yung isang sakay na lang sana. Hahahaha Yoko na pumunta sa may LRT eh.


    Diba yung mga bus sa EDSA na Baclaran/MIA Airport ruta, dun dumadaan?
  • Idk, honestly. Ang alam ko lang kasi na route pa-DFA is from LRT Gil Puyat na sasakay ng maliit na orange jeep.

    May specific signage ba yung buses to baclaran na dapat sakyan?
  • ang alam ko kasi yung mga Baclaran/NAIA/MIA bus, pagkaikot ng MOA, dadaan na ng Macapagal papuntang Coastal Mall..so madadaanan nun yung DFA

    tanungin mo na lang yung kundoktor kung dadaan sila ng DFA Aseana..

    medyo matagal na rin ako nakapunta diyan, at natatandaan ko, may sign na DFA yung bus

    may bus stop naman sa baba ng Ayala MRT
  • ^ Oo bus sa EDSA meron papunta ng DFA ASEANA. Tell mo na lang yun kundoktor na ibaba ka sa DFA ASEANA.
  • Sige thanks. Tanong ko na lang para sure.
  • ei guys saan magandang pumuntang beach resort sa bataan? balak namin magpunta this weekend
  • ^Phi Phi Resort sa Morong sir. 3x na kami nagpunta dun.
  • Basta lahat ng bus na Grotto - NAIA dumadaan ng DFA yan.