Forum Topic

Do you know where you're going? (TPC travel directions thread)

  • 20 lang dun sa ibaba ng NB side exit ng MRT, tapos pasok sa eskinita malapit sa Mcdo, hanapin mo lang yung mga Worthy bus
  • ^Yung mga airport loop na bus sa loob ng Terminal ng Genesis, puti lang sila. 20php lang pamasahe dun
  • mt.daraitan
    sa tanay rizal

    pano ba mag commute kung galing ako makati?
  • Hi po.

    From Manila po to Barasoain Church

    Pano po ang pinaka madaling sakayan papunta.

    Salamat.
  • Post deleted #12229711
  • mga sir paaano po magcommute papunta ng makati sports club?
  • mt.daraitan
    sa tanay rizal

    pano ba mag commute kung galing ako makati?


    parang ang dalang ng sasakyan sa Daraitan..mas maganda pa atang magdala/renta ng sasakyan..

    pero kung wala kang choice kundi mag commute, <click here for link> or <click here for link>

    mga sir paaano po magcommute papunta ng makati sports club?


    grab/taxi kung saang lupalop ka man galing
  • Mga sir paano pumunta Sa santolan town plaza from Cavite? TIA

    -- edited by mikoy_143 on Jun 16 2019, 06:17 AM
  • hindi poba mahal ang grab taxi
  • mga sir paaano po magcommute papunta ng makati sports club?


    Bus na daan ng ayala (not ayala MRT station), baba ka ayala (PBCom)..Then lakad pa punta sa likod ng PBCom Tower. Tapos sa right side ng Lyceum ,lakad ka pa kanan.. After ng kanto sa left side.. malapit ka na sa Makati SportsClub

    If MRT, nilalakad ko lang papunta PBCom using the foot bridge route papunta PBCom Tower
  • anong bus(sched) manila- vigan na umaga(4-6am) ang arrival doon?

    -- edited by sem_rs on Jun 26 2019, 03:51 PM
  • @all

    Question po bago lang po ako sa Malolos originally tiga Laguna ako.

    Pano po magcommute from Malolos City, Bulacan going to Angeles City, Pampanga.

    Salamat po sa sasagot.
  • hindi poba mahal ang grab taxi

    saan ka ba kasi manggagalign?
  • hindi poba mahal ang grab taxi

    Try mo Owto. Panlaban sa Grab.
  • may sakayan ba ng bus sa market market papuntang alabang? yung hindi P2P? saka saan sya banda? Thanks
  • saan ok magtambay bago magopen ang sm mall of asia. maaga pa dating namin from the province around 7am.
  • Paano po mag commute pa

    Blue Leaf Events Pavillion
    100 Park Avenue, McKinley Hill Village, Fort Bonifacio, Taguig, 1633 Metro Manila

    Mag MRT ako North Edsa

    Thanks sa sasagot
  • @juan_dc

    Sa pagkaka-alam ko meron sa may terminal madalas HM Liner ang naka-pila. Kapag wala, sa EDSA na.
  • Ano po advise makapunta ng naia from cubao bus terminal

    -- edited by sem_rs on Jul 10 2019, 08:07 AM
  • ^diba yun ube express meron byahe cubao-naia
  • mahirap lang yata lumipat terminal to another terminal within cubao. example victory/ 5star to araneta bus port.

    -- edited by sem_rs on Jul 10 2019, 12:14 PM
  • Madami poba grab sa area ng pasay bus terminals?magkano kaya rate nila going to naia?
  • Post deleted #12237635
  • how much po kaya pamasahe sa grab from pasay bus terminal to naia 3. fivestar terminal(tramo) kami magmumula.
  • Ano po advise makapunta ng naia from cubao bus terminal

    sulit yung black na p2p bus. 100 pesos lang.

    maglalakad ka nga lang hanggang araneta center bus terminal.

    check mo dito yung sched pero 2 am nagsisimula yung byahe.

    https://www.aranetacenter.net/ube-express
  • Paano po mag commute pa

    Blue Leaf Events Pavillion
    100 Park Avenue, McKinley Hill Village, Fort Bonifacio, Taguig, 1633 Metro Manila

    Mag MRT ako North Edsa

    Thanks sa sasagot

    pinakasimple ay mrt north edsa hanggang mrt guadalupe.

    then likod nung guada mall yung may jollibee, sakay ka ng jeep na Gate 3

    baba ka Mckinley. then lakad. sa likod yan ng venice mall.
  • Madami poba grab sa area ng pasay bus terminals?magkano kaya rate nila going to naia?


    grab or owto. nasa 200+ na rin.

    pwede ka rin ordinary taxi nasa 100+. pero marami talagang mandurugas na taxi sa lugar na yan.
  • Pwede poba pumili car type pang 5-6 kami pasahero. Kung same parin yun bayad?
    Gaano po katagal dumating yun sasakyan?

    -- edited by kate8 on Jul 15 2019, 08:42 PM
  • Post deleted #12238065
  • san po maganda at affordable hotel malapit sa gateway. advise please.